Share

Chapter 16

"What?" maang na sambit ni Alex at hinawakan ang balikat niya. "We had a child?"

Tumango siya at umiwas ng tingin. "He's five years old now and a sweet little boy."

Inalis ni Alex ang kamay sa balikat niya at pinasadahan ng kamay ang sariling buhok. Huminga ito nang malalim. "I'm sorry. Wala ako sa tabi mo sa panahong kailangan mo ako, Jenica." Mahina itong nagmura at pumikit nang mariin. "Dapat hindi ako tumigil sa paghanap sa 'yo noon. It's my fault. I'm sorry, wife."

Kinagat ni Jenica ang ibabang labi sa sinabi nito at nagbaba ng tingin. "I should be the one saying sorry..."

"No. Naging duwag ako noon kaya hindi kita pinakilala sa pamilya ko. Dapat hindi ko na tinago na kasal tayo, Jenica." Bumuntong-hinga si Alex at hinila siya sa isang mahigpit na yakap. "I'm sorry. Natakot ako na madamay ka sa gulo ng pamilya ko at balak kong ipakilala ka sa kanila kapag nalutas ko na kung sino ang gustong magpabagsak sa pamilya Fuego. Ayokong may magtangka sa buhay mo. But I underestimated those
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status