Share

Chapter 29

Jenica dropped the call. Ilang segundo siyang hindi nakakibo ni nakaimik. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang inaalala ang narinig na boses ni Alex sa kabilang linya. Kumuyom ang kamao niya at kumunot ang noo.

Alam niyang sa mata ng publiko, engage ang dalawa kaya walang masama roon. Pero sa huling naalala niya, kasal pa siya kay Alex at wala siyang pinirmahang divorce papers. Kahit ayaw niyang aminin pero alam niyang nakatali pa siya kay Alex kahit nagpapanggap itong binata sa publiko. And that bastard husband of hers has the guts to fool around?

Naging isang linya ang mga labi ni Jenica.

Nagpaalam na ang mag-asawang Mondragon pagpatak ng ala-una y medya. Sukat noon ay lumabas ng silid si Jenica at hinanap si Bryce. Nagulat pa ang lalaki nang makita siya nito. "Do you need anything?" tanong nito.

Saglit na pinasadahan ng tingin ni Jenica si Lynet na nakatayo sa gilid at nakatingin sa kaniya nang may munting ngiti sa mga labi. Sumama ang pakiramdam niya habang nakati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status