Share

Chapter 07

Kinabukasan ay back to normal ang nangyari marami na ring naki pag close sa 'kin, at halos irapan ko silang lahat? dahil lang sa nangyari kagabi ay napapansin na nila 'ko? just because me and Trace won and best perfect couple?

"Wala ka namang gusto kay Trace 'di ba?" Vivian asked.

Napatingin 'ko sa kan'ya, nag-iwas tingin s'ya bago pinag laruan ang daliri n'ya, aminin ko man o hindi ay na-gui-guilty ako dahil nag kagusto 'ko kay Trace na gusto rin ni Vivian na alam ng lahat ay kaibigan ko?

"W-Wala syempre," sabi ko.

Ngumiti naman s'ya at umakap sa braso ko. "I really like Trace since grade 5, Katana." Guilty attack me.

Parang trinaydor ko ang isang taong katulad ni Vivian, we're not always together pero at least hindi s'ya tulad ng iba na sinasak-sak ako patalikod.

So I need to stop kung ano man ang nararamdaman ko kay Trace, he'll never be mine at hindi na 'ko aasa pa sa isang katulad n'yang may nag-aabang na.

Natapos ang dramahan namin ng utak ko dahil pumasok na si ma'am Diana dala ang mga gamit n'ya, last week ay nag nomination na kami ng mga officer dahil para daw may mag-handle ng section namin pag wala si ma'am. President 'ko at Vice-Pres naman si Trace at muse namin si Vivian 'tsaka Adonis namin ay si Rico isa sa mga gwapo sa section namin.

"Katana 'kaw muna ang bahala dito, may meeting kami." Ngumiti 'ko kay ma'am at umupo sa chair n'ya.

Pinag-lista ko si Irine ng maingay at lumalabas ng wlaang dahilan, siya ang secretary namin dahil tahimik rin s'ya at mapag-kakatiwalaan.

"Feelingera kasi akala mo naman." Dinig kung sabi no'ng isang classmates namin kay Irine.

Tumayo 'ko at lumapit sa kanila dahil grupo sila at binabato ng masasakit na salita si Irine.

"Naging secretary lang akala mo naman-"

"Secretary s'ya at tungkulin n'yang sundin ang utos ni ma'am like what I did," sabi ko.

Umirap naman si Tisha bago nag flip hair at hinarap uli 'ko. "Ikaw rin sumikat ka lang naman dahil kay Trace wala ka namang ambag sa song n'yo," she said.

Hindi ko na s'ya pinansin at hinarap si Irine.

"Okay na 'to ako na ang maglilista sa iba." Tumango naman s'ya at binigay sa 'kin ang one whole sheet of paper.

Bumalik na 'ko sa table ni ma'am at andaming naislista ni Irine dahil halos lahat maingay at halos lahat naman nasa labas.

"Mag-sipasok nga kayo!" sigaw ni vice secretary.

"Luh epal," sabi no'ng isa.

"Epal."

"Isang sabi lang, pag pinapasok kayo pumasok kayo." Nagbulong-bulongan naman sila at inasar na 'ko.

"Stop it, she's our president dapat ginagalang at sinu-sunod natin s'ya dahil s'ya ang tinalaga ni ma'am na kanang kamay n'ya sa classroom natin," sabi ni Trace.

Natahimik naman sila, ngumiti 'ko kay Trace at tumango naman s'ya.

Ilang oras ang free time namin pero galit na galit si ma'am dahil dinig na dinig raw n'ya ang sigawan namin, akala ko ay papagalitan n'ya ako dahil palpak akong president pero hindi. Nagalit s'ya sa mga classmates ko dahil kilala n'ya raw ang mga boses na tumitili at sumisigaw.

"Ikaw Tisha? nakalista ang name mo dito at hindi ako magkakamali ika wyung tumili kanina," ma'am Diana said.

"Sorry ma'am," sagot n'ya.

"Sorry nanaman? Ilang beses naba kayong nag-sorry pero laging nauulit?" tanong ni ma'am.

Akala ko ay hindi na matatapos ang sermon ni ma'am pero natapos rin dahil dumating ang next teacher namin. Mapeh 'yon at nasa music ang topic namin. Sir smiled at me.

"After discussion I want you guyz prefer one song that you love and sing it in front of us," sabi n'ya.

Sir discuss about music and how to sing. Dati'y nangangapa 'ko sa mga parts ng kanta dahil may mga iba't-ibang paraan ng pag kanta. Pasalamat na lang talaga kay lolo na tinuruan n'ya 'ko kahit mahirap akong turuan dahil matagal talaga 'kong kumabisado ng mga bagay dati pero hindi na ngayon kaya nga alam ko na e. Not totally pero at least meron na.

"I'll call you one by one."

Inantay ko na umabot sa 'kin pero dahil nasa dulo kami ni Trace ay hindi matagal kami at umabot nasa time.

"We will continue this tomorrow," sabi n'ya.

Nag paalam na s'ya at iniwan na kami at ang mga classmates ko naman ay nag sigawan nanaman parang hindi pinagalitan kanina, pumasok sa kanang tainga lumabas sa kaliwa.

Nag-iyakan ang mga classmates ko sa mga salita ni ma'am kahit 'ko'y naiiyak na rin.

"Iwan ko na kung anong gagawin ko sa 'nyo DG! maging matured naman kayo grade 7 na kayo hindi na kayo elementary!"

"Maghanap na kayo ng bago n'yong teacher, second quarter pa lang gan'yan na ugali n'yo what more pa pag third at fourth? balak n'yo ba talaga 'kong ipahiya?"

Her words hit us. Nakakapagod pala talagang maging teacher, sacrifice your time to make power point tapos minsan wala pang nakikinig na parang balewala lang sa kanila ang presens'ya mo. Kahit sino ay napapagod rin, and I know ma'am Diana is tired of being our adviser pero alam kung ngayon lang 'yan, she's the strongest teacher I encounter.

"Goodmorning class," bati n'ya kinabukasan.

Maganda na ulit ang aura ni ma'am na parang 'di s'ya nagalit kahapon, palagi s'yang gan'yan lagi ko ngang naririnig sa faculty na laging sinasabing ang strong daw ni ma'am para hawakan ang pinaka-maingay makulit at pasaway na section.

At kahit galit si ma'am Diana sa 'min minsan ay proud pa rin s'ya bilang adviser namin. I stan her so much.

"Wala tayong klase ngayon rest time n'yo ngayon, ayoko ng maingay may gagawin 'ko."

Tahimik lang kami sa kan'ya-kan'ya naming upuan pero ang iba'y nag-explore para makipag-chismisan lang. Umiling 'ko 'di talaga maa-alis sa mga tao ang chismisan.

Tinulungan namin si ma'am Diana sa pag-dala sa faculty ng mga gamit n'ya dahil next subject na.

"Where did we stop?" tanong ni sir Mapeh.

"Sir kay Katana na po us," sabi nila

"Kila Tisha pa lang," Trace said.

Tumango naman si sir. No instrument daw muna ngayon dahil sa pag-kanta muna kami mag-focus. 'Di ulit umabot sa 'min dahil break time na.

"Ohy tara canteen tayo." Ngumiti 'ko kay Trace bago tumayo na.

Wala naman si Vivian sa pwesto n'ya siguro ay nasa kaibigan naman n'ya. Sabay kaming pumunta sa canteen ni Trace pero hindi naki pag siksikan. Tinignan ko si sir Klaus na kasama si ma'am Diana at iba pang mga teacher.

"Alam mo dapat maaga tayong nag co- confess ng feelings natin sa isang tao," sabi ni Trace.

Napatingin naman 'ko sa kan'ya, anong sabi n'ya?

"Bakit?" tanong ko.

"E kasi pag gabi na baka tulog na 'yon e 'di hindi na n'ya maririnig," sagot nito.

Tumawa naman 'ko. Isa 'yon sa naririnig ko sa radio! aba mahilig rin atang maunod ng radio ang lalaking 'to.

"Alam mo bang hindi nakakatakot mag-mahal?" tanong ko.

"Hindi."

"Mas nakakatakot kasi 'yong taong baluktot ang katawan na nasa kisame kaysa ang mag-mahal." Tinuro ko pa ang kisame.

Natawa naman 'ko dahil sinundan n'ya pa ang daliri ko.

"Sagutin mo ah? may tatlo 'ko strawberry, humingi ka ilan na lang natira?" tanong n'ya.

"Tatlo pa rin kasi hindi ka naman ma-mimigay," sabi ko.

He chuckled. "Mali, wala ng natira dahil matakaw ka binigay ko na sa 'yo lahat," sabi niya.

Tumawa kami, actually wala namang nakakatawa sa jokes naming dalawa! pero para kaming tanga at nag-tatawanan. Mas pumalagay lalo ang loob ko sa kan'ya dahil sa mga tawa n'ya.

"So friends na tayo?" tanong n'ya.

"Yep, friends na tayo." Nag-kamayan pa kami na parang ngayon lang nag-kakilala.

Masarap sa pakiramdam na kaibigan mo 'yong lalaking gusto mo, pero nakakabigat rin ng dibdib dahil hanggang do'n lang ang pweding maging kayo.

"So when did you start singing pala?" tanong ko at sumubo ng kikiam.

Tig-isa kaming baso na may lamang sampong kikiam, libre n'ya 'yon dahil winner daw kami kagabi. Hindi ko talaga lubos akalain na kami ang mananalo at magiging best singing couple bagay na bagay raw ang boses namin.

"Since 9 years old," he answered. "I pursue myself to sing because I promise to my childhood bestfriend na ka-kantahan ko s'ya pag nag-kita kami ulit." Na-alala ko naman sa kan'ya ang naging kaibigan ko no'ng naligaw 'ko sa Cavite.

"Kakantahan kita para hindi ka na umiyak tapos kakantahan kita ulit pag nakita ulit tayo at syempre mas magaling na."

"Alam mo ba ayokong kina-kantahan 'ko ng iba dahil promise ko sarili na isa lang ang kakanta para sa 'kin at ang bestfriend ko 'yon." Tumango naman s'ya.

But I broke my promise, hinayaan kung kantahan ni Trace no'ng nasa hagdan kami.

"So ayaw mo na kinantahan kita?" tanong n'ya.

Mabilis 'kong umiling, isang bagay na hindi ko naramdaman kasi feeling ko sanay 'ko sa bawat kanta na inaawit n'ya na never ko pa namang na-pakinggan.

"Hindi, iwan pero bestfriend naman na kita e! kaya siguro hinahayaan kitang kantahan mo 'ko." Ngumiti 'ko sa kan'ya to assure him na okay lang.

Bestfriend.

Sinalpak ko ang earphone ko sa tainga ko at akala n'ya'y nakikinig pa 'ko sa kan'ya pero 'di na dahil mas gusto kung pakinggan ang bagong usong kanta ngayon, lagi ko kasing naririnig sa mga classmates ko.

Can I call you baby?~

Can you be my friends?

Can you be my lover up until the very end~

Let me show you love, oh, I don't pretend~

Stick by my side even the world is givin' in~

Sinabayan ko pa ang kanta pero hindi malakas at alam kung hindi n'ya naririnig.

Oh, oh, oh, don't...

Don't you worry

I'll be there, whenever you want me~

Ngumiti s'ya sa 'kin. I smiled at him, too. Kahit hindi ko naman alam kung anong sinasabi n'ya! bahala na ang ganda ng kanta e.

I need somebody who can love me at my worst~

No, I'm not perfect, but I hope you see my worth~

"I like you,"

_______________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status