Share

CHAPTER 19

CHAPTER 19- TE QUIERO

MARIA

NAPAINAT ako ng katawan at komportableng yumakap sa unan. I even wonder kung may unan ba na matigas. But still it is so comfortable so I hugged it tightly. I sniffed it and I unconsciously smiled. It smells so good. It is my first time smelling this kind of fabric conditioner. It is so addicting. I should ask Macey what brand it is and maybe tell him to use it frequently. 

Ang bango! Tsaka--ang sarap pisilin. Mas lalo akong sumiksik sa unan at pinisil pisil iyon. I even heard something saying 'fvck' but I ignored it. Masyado akong pagod para pansinin pa iyon. 

"Fvck."

Kumunot ang noo ko dahil mas lumakas ang boses na iyon. Ang utak ko lang ba ang gumagawa gawa nun? Pero bakit hindi?

"You are making me hard Maria."

Huh? Did I heard my name? Making me hard daw?

"Fvck." 

Mas lalong lumakas iyon kaya naman unti-unti na akong napamulat ng mata. I was shocked when I saw his face and the fact that he is the one that I am hugging instead of a pillow. Pumula ang mukha ko at mas lalo pang pumula iyon ng parang may nagtwitched sa kamay ko kaya tinignan ko iyon. Napalunok ako ng makita kung ano ang hawak nito. Why am I holding his thing?

Nanlalaki ang mga mata ko at pakiramdam ko mahihimatay ako dahil sa hiya. How the hell did I end up holding his thing?! As far as I remember--oh fvck. So it is him all along? Kaya ba hindi pamilyar sa akin ang fabric conditioner because it is his natural scent?

Para akong napapaso na kinuha ang kamay ko dun bago nag angat ng tingin sa kanya. Sinalubong ako ng mukha nyang nakangisi. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya at gusto ko nalang mapasigaw ng makitang tayong tayo ang ano nya. Bakit parang handa na agad itong sumuong sa laban? Boy scout din pala to.

Tinakpan ko ang bibig ko at nanlalaki ang mata syang tinignan. It is not because of the aftermath of what I did but because I feel like vomiting.

"Parang nakakita ka ng multo." Nakangising sabi nito at inilapit ang mukha sa mukha ko. Hindi nito mabasa ang ekspresyon ko at akala nya ay hiyang hiya lang ako sa nangyari.

 Yikes! Morning sickness.

Agad akong tumayo at tumakbo papuntang banyo. Nagsuka ako sa toilet bowl at naramdaman ko naman ang paghagod nito sa likod ko. Sinikop nito ang buhok ko gamit ang kamay habang ang isa naman nitong kamay ay nakahagod sa likod ko.

"Manang can you give us a water?" Rinig kong turan nito sa intercom. Pagkatapos nito ay agad itong bumalik sa tabi ko.

Nang matapos ako ay nanghihina akong napahawak sa bowl. Binigyan naman ako nito ng tubig at binuhat papunta sa kama. He look at me with his worried eyes. Mukhang aware naman sya sa morning sickness ng mga buntis pero mukhang hindi ito sanay.

"How are you feeling?" Tanong nito kaya bumuntong-hininga ako.

"Okay na ako. Morning sickness lang." Sagot ko kaya naman tumango ito at tinabihan ako ng upo.

"Is that so?" Tanong nito kaya tumango ako. 

"If that is, we need to go downstairs to eat. Kailangan nyo ng kumain ni baby." Anito at tumango naman ako.

Agad naman itong umalis para magsuot ng desinteng damit.  News flash, he is just wearing his boxer while I am fully clothed. Is he the one who dressed me? I bet it is him. As if he wants someone to know that something happened between us 'again.' Well, I have so many hickeys while he has so many scratches in his back.

"Ahm boss." Tawag ko dito ng makalabas ito galing walk in closet. Nilingon naman ako nito at nagtatakang tinignan.

Tumikhim ako bago sya tinanong. "Ikaw ba yung nagbihis sa akin?" I don't even know why I still asked him. Mema lang?

Mas lalong kumunot ang noo nito at sinagot ang tanong ko. "Yes. Why? Giniginaw ka kagabi kaya binihisan kita. I was also worried na baka mapano si baby." Sagot nito at inilalayan akong lumabas para bumaba.

Tumango naman ako sa tinuran nito. I don't even know if it is okay to have sexual intercourse with your partner while you are pregnant. Should I ask my ob-gyne? Pero nakakahiya naman. Tsaka I still remember what he said to his cousin. I don't want her to pity me. Not when I am also planning something. I will not just going to sit in the corner while crying. 

"Good morning ate maria!" Masiglang bati sakin ni Ma'am Artemis. Ngumiti naman ako at binati silang lahat na nasa dining table na at mukhang hinihintay kami.

Nakagat ko ang labi ko at nahihiyang umupo. Mukhang kanina pa sila naghihintay sa pagbaba namin. Nakakahiya naman dahil pinaghintay ko pa sila. 

"Take a sit hija." Turan ng padre de pamilya ng mga Moncuedo. Ngumiti naman ako at tumango. Pinaghila naman ako ni Denrick ng upuan kaya umupo ako doon at nagpasalamat sa kanya.

Nakangiti lang ang lahat habang nakamasid samin. Nahihiya naman akong ngumiti at yumuko. Hindi pa rin talaga ako sanay sa mga sweet gestures nito lalong lalo na sa harap ng pamilya nya.

"I heard, you experience morning sickness. Nagsuka ka daw hija?" Tanong ni Madam Aria ng magsimula na kaming kumain. Yung bestfriend ko naman ay masayang nakikipagkwentuhan kay Artemis at mukhang close na silang dalawa. Kahit nga batiin ako ay hindi nagawa dahil busy ito sa pakikipagchikahan. Gusto nalang mapaikot ng mga mata ko habang tinitignan ito.

Tumikhim ako at sumagot sa tanong ng ginang. "Opo." 

She smiled at me.

"It's just normal. Paano kaya kung dito ka nalang muna tumira hija? Hanggang sa makabili ng bahay tong si denrick para tirhan nyo. Para naman may mag aalaga sayo. May trabaho naman kasi itong si Macey kaya hindi ka nya maasikaso. Dito ay nandito kami at sina manang na mag babantay sayo." Turan ni Madam Aria. 

Nakagat ko ang labi at binalingan ang boss ko. Nakatingin lang ito sakin at parang pinag iisipan din ang suhesyon ng mommy nya. 

He cleared his throat before he nod his head.

"Mom is right, Maria. You can stay here. In here, maraming magbabantay sayo." Saad naman nito kaya naman napanguso ako.

"Pero boss--" Pagprotesta ko pa pero pinutol nya na ang dapat na sasabihin ko.

"No buts maria." Sagot nito at ipinagpatuloy na ang pagkain. Ngumuso naman ako at hindi na napigilan ang sarili na irapan sya. I even mimick his words, and I forgot that we are in the middle of eating. Narinig ko nalang ang mahinang tawa nila kaya naman nahihiya akong yumuko. 

Tumikhim nalang ako at nagsalita. "Sige po Ma'am Aria." Pagpayag ko at nagulat ako ng tumawa ang ginang.

"Ano ka ba naman hija. Wag mo na akong tawaging Ma'am Aria! Mama Aria nalang dahil magiging parte ka na din naman ng pamilya namin." Sabi ito kaya agad namula ang pisngi ko. 

Nakangiti naman ang ama nito na minsan lang nito gawin. 

"My wife is right, and you can call me daddy too." Sang ayon naman nito sa asawa kaya naman pulang pula na ang mukha ko at nahihiya silang tignan. 

"Oo nga mayang! Tsaka bakit boss pa din ang tawag mo kay Sir Denrick? Eh fiancee mo na sya kaya pwede mo syang matawag sa pangalan nya o di kaya gaya nung tinawag mo sa kanya kagabi. Yung honey." Singit naman ng daldalera kong kaibigan. Agad naman itong sinegundahan ni Ma'am Artemis.

"Oo nga Ate Maria! Mas maganda pagtinawag mo syang honey tas itatawag naman sayo ni kuya ay sweety." Nakangiting sabi nito kaya nahihiya kong kinagat ang ibabang labi at binalingan ang katabi kong mataman lang na nakatitig sa akin.

He pursed his lips then shrugged. "Just call me by my name or if you want you can call me honey or so whatever." Sabi nito at rinig ko ang pagtili ng dalawa sa tabi ko. 

Napatikhim ako bago ngumiti. "Sige Denrick nalang ang itatawag ko sayo." Sabi ko kaya ngumuso si Ma'am Artemis. Mukhang hindi ito nasiyahan sa napili kong itawag sa kuya nya.

"Bakit Denrick lang? Eh pwede din namang honey." Sabi nito at sinamahan pa ng nakakalokong tawa na sinabayan naman ng bestfriend ko. Parang hindi ito nahiya na nandito ang mag asawang Moncuedo. Feel at home talagang bakla.

Kumibit balikat nalang ako sa pang aasar nila.

Ganoon ang nangyari sa buong umagahan namin. Natapos lang yun ng aalis na si Denrick para pumunta sa office. He took a half day today to assist me. Sasama na nga sana ako kaso hindi ako nito pinayagan. Sinabi nito na kailangan kong magpahinga buong maghapon dahil buong magdamag akong napagod. And we both know what is the reason why. Aside from the party, we also had an after 'party' inside his shower room. 

"Ah bos--denrick!" Tawag ko sa kanya kaya lumingon ito sakin. Tinignan ako nito bago lumapit sa'kin. Naisip ko kasi na ihinatid ito ng aalis na ito para magtrabaho.

"Yes?" Tanong nito kaya lumunok ako.

"Ingat ka po." I said and he pursed his lips before he nod.

"I will and you too. Mag ingat ka at wag kayong magpagod ni baby." Turan nito at hinaplos pa ang impis kong tyan bago sumakay sa sasakyan.

Wala sa sariling napangiti naman ako. Alam ko naman na maalaga sya sa pamilya nya pero masarap palang maramdaman mo mismo iyon. Ngayon mukhang mas lalo lamang akong nahulog sa kanya.

"Sayang saya ka bakla ah." Singit ng baklang kaibigan ko kaya nilingon ko ito bago irapan.

"Pake mo ba?" Tanong ko kaya humagikhik ito.

Mahinang hinampas ako nito sa braso. "Masaya ako para sayo bakla." Turan nito. Nginitian ko naman ito bago nakangusong niyakap sya.

"Salamat bakla." Sagot ko. I am very emotional right now.

"Basta bakla pag sinaktan ka nya ay sabihin mo lang at reresbakan kita. Kahit na sobrang yummy nya ay hindi ako papayag na saktan nya ang bestfriend ko." Sabi nito kaya naman sunod-sunod na tumulo ang luha ko. I bet, it is because of my pregnancy that is why my emotions is too shallow. 

"Salamat talaga bakla. Ang swerte ko dahil ikaw ang naging bestfriend ko." Emosyonal kong sabi na umani naman ng mahinang tawa mula dito.

"Ang swerte ko din dahil ikaw ang naging bestfriend ko. Tsaka hindi natin kailangang magdrama dito no!" Turan nito at sabay kaming natawa.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na din itong umalis dahil may trabaho pa ito. Pumasok naman ako at agad kong inaliw ang sarili sa panonood ng movie kasama ni Artemis.

Artemis Moncuedo, 22 years old. Ngayon nasa 4th year college na ito at kinukuha nya ay BSBM.

Mabilis naman na lumipas ang oras at pagtingin ko sa orasan ay alas singko na pala ng hapon. Tumayo ako at tutulungan sana sina manang sa kusina pero hindi nila ako pinayagan kaya umakyat nalang ako sa kwarto ni Denrick.

I decided to look for a picture, a picture of someone very important to him. Hmmm.. napapatingin ako sa mga picture na nasa loob pero wala akong makitang kahit isang picture ni Denise. Bakit kaya wala syang picture dito?

Napalingon ako sa bintana ng marinig ko ang ugong ng sasakyan. Napangiti ako at tinignan kung sino iyon. Nakita kong bumaba si Denrick na mukhang maganda ang mood na may bitbit na mga paper bags. 

Sinara ko naman ang bintana at hinintay ang pagpasok nito sa kwarto. Hindi nga ako naghintay ng matagal dahil agad itong pumasok ng kwarto na may bitbit na paper bag. 

"Ano po yan?" Tanong ko kaya nilingon ako nito at pinakita sa akin ang laman ng mga iyon. 

Wala sa sariling napangiti ako ng makitang puno iyon ng mga baby stuff. Mukhang namili ito ng mga gamit ng baby.

"I was having a meeting near the mall, so I just decided to buy some baby stuff. I even chose the color white because we don't know yet the gender of the baby." Anito at nakangiti lamang akong nakamasid sa kanya. 

I am so happy seeing him like this. I know that he will be a good father.  And for the first time, I saw one emotion in his eyes. Thanks to our baby. He is not lost anymore.

**Written by Stringlily**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status