Share

Kabanata 26

KABANATA 26

Diovanni's POV

Ilang buwan na rin mula nang huli kong nakita si Shuen, at aaminin ko na hindi ko pa rin lubos matanggap na wala na siya sa tabi ko at hindi ko na siya makikita araw-araw. Nitong mga nakaraang araw, mabigat ang loob ko dahil sa ginawa kong desisyon. Pero hindi ko maikakaila na kahit paano'y naging masaya ako, lalo na ngayon na marami na akong nagagawa kasama si Dionne na hindi ko magawa noon.

Naisasama ko na siya sa mga paborito niyang lugar, natutulog sa tabi niya gabi-gabi, nasasamahan siya papuntang eskwela, at sabay kaming kumakain. Tuwing umuuwi ako galing trabaho, may yakap na naghihintay sa akin. Simula nang magpasya akong pakasalan si Shuen at panindigan ang nararamdaman ko, doon ko lang napansin ang mga pagkukulang ko kay Dionne.

Pero tuwing nakikita ko ang kasiyahan ng anak ko, napagtanto ko kung gaano pala ako nangulila sa kanya, dahil natabunan ito ng presensya ni Shuen. Sa kabilang banda, hindi ko maikakaila na hinahanap-hanap ko pa rin ang pagma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status