—THIRD PERSON—Tulak-tulak ni Elle ang stroller ng panganay niyang anak, samantalang naka carrier belt naman ang anak niyang si Elisha. Dahil hindi niya kayang buhatin ang tatlo, buhat-buhat ni Mina si Hayden. Nasa mall sila ngayon, namamasyal. Nagtungo sila sa baby's store sa loob ng mall. Upang mamili ng mga bagong gamit ng tatlo niyang anak. “Ate, ito oh. Bagay kay, baby Elisha.” Sambit ni Mina kay Elle ng ipakita nito ang kulay pink na dress. “Oo nga 'no, sige isama mo na 'yan, Mina. Pagkatapos natin dito, bumili tayo ng mga damit natin. Huwag kang mag-alala, treat ko.” Nakangiting saad ni Elle. Masaya namang tumango si Mina at muli nitong binalingan ang pamimili ng mga gamit ng inaanak niya. Nalilibang naman si Elle sa pamimili ng mga laruan ng mga anak niya. Kaya kumuha siya ng ilang laruan at nilagay sa cart. Habang abala sila sa pamimili, biglang nahagip ng mata ni Elle ang dalawang taong naglalakad sa labas ng store. Dumaloy sa buong sistema niya ang kaba. Bigla s
-ELLE-Ilang araw na ang lumipas noong pumunta kami sa mall ni Mina at ng mga anak ko. Ngayon, patungo kami ni baby Elisha sa pinaka malapit na ospital sa apartment na tinutuluyan namin. Sobrang taas kasi ng lagnat ng anak ko, ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya naman napagdesisyunan ko na dalhin na lamang ang anak ko sa ospital. Pagkarating namin sa ospital kaagad ako lumapit sa nurse at sinabi ko ang kondisyon ng anak ko. Na sobrang daming pantal sa buong katawan at mukha ng anak ko. Kaagad naman nila akong dinala sa isang bakanteng hospital bed. Sa sobrang taranta ko kanina noong nasa apartment pa kami, hindi ko napansin na naka pantulog lang pala ang suot ko. Pasado alas otso na kasi ng gabi, at patulog na kaming lahat. Napatingala ako ng lapitan ako ng isang may edad na nurse, kaagad kong nilingon ang anak ko. May nakakabit na kay baby elisha na isang suwero, nagtataka ko namang muling binalingan ang nurse. “Bakit kailangan pang isuwero ang anak ko, nurse?” taka
—ELLE—" Hindi ko naalala ang lahat. Sa tingin mo ba, kung may naalala ako, sasayangin ko ba ang taong lumipas ng hindi ka hanapin. Para sabihin sa 'yo na I'm sorry and please forgive me. Kung alam ko ang nangyari noon, sa tingin mo ba hindi ako magtatanong sa 'yo?" Paulit-ulit na rumirihistro sa isipan ko ang huling sinabi ni Harris bago ako maglaro ng pagkakataon na makaalis. Hanggang ngayon, binabagabag ako ng mga salitang sinabi niya. Nawalan talaga siya ng alaala? Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o ano. Naguguluhan ako …Pero ano 'yung sinabi ni Cindy sa akin noong nasa restaurant kaming dalawa?Ano ba talaga ang totoo?Sino na ang nagsasabi ng totoo?Si Cindy ba o si Harris?Ang sabi ni Cindy, kinalimutan na ako ni Harris, dahil magsisimula na silang dalawa bilang magkasintahan. Pero bakit ganito? Bakit biglang nagkrus ang landas namin ng lalaking pinakamamahal ko at sasabihing wala siyang naalala.Pero kung totoo man na nawalan siya ng alaala. Hindi pa rin mag
—ELLE—MAGAAN ang pakiramdam ko pagkauwi ko sa apartment namin ni Mina. May kasama akong isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Walang iba kundi si Stella ang kapatid ni Harris. Matapos ng pag-uusap namin ni Stella sa labas, napagtanto ko na kailangan ko ng sabihin sa kaniya. Nang sa ganun ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Matapos kong sabihin kay Stella na sa pag-alis ko sa puder ni Harris, ay buntis na ako no'n. Nang sabihin ko na hindi lang isa ang dinadala kong sanggol sa loob ng sinapupunan ko ay laking gulat niya. Hindi siya makapaniwala na shooter daw ang kuya niya. Dahil naka-tatlo raw kaagad si Kuya Harris niya. Humingi siya sa akin ng favor na kung pwede niya makita ang mga pamangkin niya. Dahil kita ko sa mukha ni Stella ang pagnanasa na nais niyang makita ang anak namin ni Harris ay kaagad akong pumayag. Sino ba naman ako para pagbawalan siya? Si Harris lang naman ang nagkasala sa akin at si Cindy. Nilinaw ko naman kay Stella na kahit nagka amnesia ang
—STELLA—PAGKAAPAK ko pa lamang sa pinto ng bahay namin ay nakita na kaagad ng dalawang mata ko ang pagmumukha ni Ate Cindy. Kausap nito ang mga magulang ko. Napairap ako bago nagtungo sa puwesto nila. Galing ako kila Ate Elle, dahil binisita ko ang mga pamangkin ko. Araw -araw akong pumupunta do'n, at worth it naman lahat ng effort ko dahil lagi kong nakikita ang mga pamangkin ko. Kinikilig ako dahil sa mga pamangkin ko. Pero ng makita ko ang pagmumukha ng malanding ahas na 'to. Biglang humapdi ang sikmura ko. All this time, pinapaikot lang kami ng ex-bestfriend ni Ate Elle. Saan kaya ito nakakuha ng lakas ng loob para gawin 'yun? “Hello, Mom, Dad. ” Masayang bati ko sa parents namin ni Kuya, humalik ako sa pisngi nila except kay Ate Cindy. The hell… sino siya para galangin at batiin 'di ba? Siya ang dahilan kung bakit nasira sila ate Elle at Kuya. Kung alam ko lang talaga na ganito ang sistema. Tiyak na nilampaso ko na, noon pa ang pagmumukha ng babaeng 'to. “Oh, nandit
—CINDY—INAYOS ko ang sarili ko habang nasa loob ako ng kotse ko. Nakatanggap ako ng tawag na nasa bar si Harris. At may kinakausap daw ito, hindi lalaki, kundi babae. Nakakapang init ng dugo. Nakakabwisit rin si Stella dahil parang pinaprangka na ako nito. Ano bang nakain no'n? Okay pa naman kami noong nakaraang araw, pero ngayon, parang ramdam ko na itinataboy na niya ko. Pero hindi ako magpapasindak. Kung inaakala niya lulubayan ko ang Kuya niya, puwes diyan sila nagkakamali. I'm Cindy Dizon. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. At malapit ko ng makuha si Harris, kaunting tiis na lang. At ngayong nasa bar si Harris, kakalbuhin ko ang babaeng didikit sa kaniya. Ako lang ang puwedeng dumikit kay Harris, wala ng iba. Nandito na ako sa parking' lot ng bar. Bumaba ako ng sasakyan at bitbit ko ang shoulder bag ko at pumasok sa loob ng bar. Lahat ng nakakakita sa akin ay binabati ako. Suki na kaya ako ng Bar na 'to. Binuksan ko ang cellphone ko at tinext si Harris. Habang nililibo
—HARRIS—Napasuntok ako sa pader dahil sa matinding galit. Hindi ko maramdaman ang kirot at hapdi because of my anger. Gusto ko pa sanang kumprontahin si Cindy sa parking' lot, pero hinila na ako ni Carl papasok sa kotse. Pinagmaneho ako ni Carl at dinala sa condo niya. Ilang araw na ang nakalipas nang malaman ko na buntis si Elle at ako ang ama. Doon nag-umpisa ang paunti-unting pagbabalik ng alaala ko. Simula sapul, kung paano ako nakarating sa condo ni Cindy ay naalala ko na. I love Elle… simula ng iparamdam niya sa 'kin ang tunay na pagmamahal. Ang tanga ko lang dahil hindi ako naniwala sa pamilya ko. Mas naniwala pa ko kay Cindy na akala ko ay nagsasabi ng totoo. Ang daming araw na nasayang. Kung sana lang noon pa bumalik ang alaala ko, sana kasama ko na ngayon ang asawa at anak ko. Pero nangyari na ang dapat mangyari… Gusto ko man ibalik ang nakaraan but I can't. “Carl, sa tingin mo ang gago ko?” sarkastiko kong tanong sa kaibigan ko. “Bro, huwag mong itanong sa 'kin
—STELLA—“Kuya, let's talk tomorrow. Lasing ka,” sabi ko ng makaupo sa tabi ni mom. Nandito kami sa living room at nakasuot na ako ng pantulog. Nang biglang katukin ng katulong namin ang pinto ng kwarto ko para sabihin na nandito si Kuya Harris. Kailangan daw kaming makausap. At dahil hindi ako puwedeng mahuli sa balita, kahit inaantok pa ako ay bumangon kaagad ako. Pati si mom and dad ay pinapunta ni kuya sa living room. Malaking katanungan sa kin kung ano kaya ang pumasok sa isip ni Kuya at naisipan niyang kausapin kaming lahat. Sila na kaya ni Ate Cindy? Ang babaeng ahas na 'yun?Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari 'yon.Tutol ako!“May kailangan akong sabihin sa inyo. Lasing ako pero alam ko ang sinasabi ko.” Saad ni Kuya. Seryosong seryoso ang mukha niya.“Ano ba ang sasabihin mo, Ijo? Importante ba 'yan, para gisingin mo kami?” tanong ni Mom. “Say it, Harris. ” Segunda naman ni Dad. Huminga ng malalim si Kuya Harris at pinagsalikom niya ang kamay niya. “Naalala ko n