Special Chapter 2.3: Y“Lui?” Mabilis na hinaklat ni Lualhati ang bra na naka-display sa pinasukan niyang clothing shop. Dali-dali niya iyong itinakip sa kaniyang mukha para magtago sa babaeng nakapansin sa kaniya. Mariin siyang napapikit. “What the heck is she doing here?” inis niyang bulong sa sarili. Isa ang babaeng iyon sa mga kaibigan nang kaniyang ina. Lagot siya kung sakaling makilala siya nito at maisumbong sa kaniyang ina. Paniguradong ipapatapon na naman siya sa ibang bansa. “Huh? Namamalikmata lang ba ’ko?” Dahan-dahang sinilip ni Lualhati ang babae. May pagtataka na sa mukha nito. Agad siyang yumuko at nagtago sa kumpol ng mga damit nang sandaling napatingin na naman ito sa gawi niya. Halos mabali na ang kaniyang leeg sa pagsunod ng tingin dito. Nang masigurong wala na ito sa paningin niya ay saka siya tumayo. “That was extremely rude, Lui.” Marahas siyang napalingon. Kaagad na nanlaki ang mga mata niya nang mabungaran ang pamilyar na babae. “Millana? O.M.G y-you’
Special Chapter 2.4: Y“What did you mean how to appease a girl?” Malakas ang naging paghagalpak nang tawa ni Asterelle nang sandaling itanong iyon nang kaniyang asawang si Xyler sa kapatid nitong si Y. “Sa kaniya ka pa talaga nagtanong?” Humahalakhak pa ring saad ni Asterelle bago binalingan si Yhler na siya namang nakakunot ang noo dahil sa naging reaksyon nang babae sa kaniya. “What’s so funny?” halos pabulong niyang ani.Tahasan namang napaubo si Asterelle para pigilan ang kaniyang kumakawalang tawa. She fake coughed before leaning in front of him. “Alam mo, you shouldn't ask him but me. If you want to appease a girl, of course you must ask a girl!” Nalukot ang mukha ni Yhler. Hindi pa man siya nakapagsasalita ay tumayo si Asterelle mula sa pagkakaupo sa sofa. Lumapit ito sa naglalakihang kahon na nagkalat sa buong sala. Naglalaman iyon ng mga gamit nilang dalawa ni Xyler. Kasalukuyan kasi silang nagaayos nang mga gamit sapagkat kalilipat lamang nila bilang opisyal na mag-asa
Special Chapter 2.5: YTumatagos mula sa nakabukas na veranda ang linawanag na nagmumula sa sikat ng araw. Hinahangin din ang mumunting laylayan nang kurtinang tumatakip sa kalahating bahagi noon. Napamulagat ang mga mata ni Lualhati. Kaagad siyang napabangon ngunit mabilis na napadaing nang maramdaman ang pagguhit ng sakit sa kaniyang ulo. “O-Ouch!” daing niya at saka napahawak sa kaniyang ulo, pinukpok pukpok niya pa iyon nagbabakasakaling maibsan ang sakit. “So you're choosing violence the time you woke up.” Napatingala siya at nabaling ang paningin sa pintuan. Doon ay nabungaran niya si Yhler na siyang nakasandal sa doorframe. Napaatras siya nang magsimula itong lumapit sa kama. “W-What—” Mariin siyang napapikit nang umakyat ito sa kama at seryoso siyang pinakatitigan. Halos magdikit na ang mukha nila nang magsalita ito. “Gising ka na ’di ba? Get off the bed then, I'll sleep,” pabalang na saad nito sa kaniya. Inis na napabukas ang mga mata ni Lui dahil doon. Umarko ang lab
“You didn't tell me you’re coming, kuya?” pagbungad ni Helliot nang pumasok si Yhler sa loob ng bar at ito ay pasalampak na naupo sa couch. Umaga pa kaya naman wala pang customer at sila-sila lamang ang nasa loob. Nagsilbi na kasing kanilang tambayan ang bar ng mga Montagne mula pa noong unang mabuo ang kanilang banda. “I think I'm sick,” panimula ni Yhler. Naging dahilan naman iyon para makuha ang atensyon ni Helliot at Thunder. Siya namang pag-ubo ni Dee sapagkat nabulunan sa iniinom nitong coke in can. Napatakip sa kaniyang bibig si Thunder at saka ito umamba nang yakap kay Yhler. Bago pa man dumikit ang katawan nito sa kaniya ay naigilid na niya ang katawan kaya naman natumba lamang si Thunder sa sofa. “Don’t tell me mamamatay ka na? Cancer ba? Malala na ba? Stage ano na? Kailangan na ba naming pag-ipunan ang burol mo?” Napangiwi at napaayos nang upo si Yhler habang nakatingin dito. Si Benedict na ang nagpatigil sa pagsasalita ni Thunder gamit ang unan na ibinato nito sa lal
Tumatapik tapik ang paa ni Lui sa sahig. Naka-dekwatro ang kaniyang mga paa at nakapatong doon ang kaniyang siko na siya namang pinapatungan nang kaniyang baba. Magkatapat sila ni Yhler. At sa tabi nito ay nagsisiksikan ang lima, habang solo naman niya ang isang mahabang sofa. “Matakot ka na, Y,” pilyong bulong ni Thunder kay bago bumaling kay Lui at pilit na ngumiti. “Miss, may boyfriend ka na ba?” walang pakundangan nitong pagtatanong. Pasimpleng sinagi ni Yhler gamit ang siko nito ang tagiliran ni Thunder. Mabilis naman itong tumiklop at napaigik dahil sa sakit. “Aray naman!” pagrereklamo pa nito. Masamang tingin lamang ang ipinukol ni Yhler kay Thunder dahilan para manahimik na lamang ang huli. Nakuha ang atensyon nang anim nang umubo si Lualhati para alisin ang nakabara sa kaniyang lalamunan. “Bakit mo ’ko iniiwasan?” Naniningkit ang mga matang tanong ni Lui kay Yhler. Seryoso lamang ang mukha ni Yhler. Pinipigilan ang sariling matawa dahil sa ginagawang expression ni Lui s
Special Chapter 2.8: Y[Flashback] Fifteen years ago. . . “What’s that? A rocket launcher?” pagbungad na tanong ni Zyler sa kapatid na si Y nang makita niya ito sa kanilang bakuran. “Stop bullying him, Z,” pagsita naman nanf kararating lamang na si X. May hawak pa itong isang garapon ng ice cream. Hindi sila pinansin ni Y at sa halip ay mas itinutok nito ang buong atensyon sa ginagawa. Mayroon itong hawak na fuzzy wire o iyong tamsi na mayroong mga bala-balahibo sa paligid. Kaniya iyong tinutupi tupi. Ang chismosong si Z ay naupo rin sa lapag. Tumabi sa kaniyang kapatid at mas sinilip pa ang ginagawa nito. “That definitely is a rocket launcher,” komento niya. Napairap si Yhler at padabog na niligpit ang kaniyang mga gamit. Sabi na nga ba’t hindi niya matatapos ang ginagawa niya kung naroon ang mga kapatid. “This is a flower, you idiot,” bulyaw ni Yhler at saka marahas na tumayo. Umarkong ang bibig ni Z tinakpan pa niya iyon umaaktong nagulat sa ikinilos ng kaniyang kapatid. “N
Special Chapter 2.9: Y“You can stay here all you want, until you’ve decided to go back. Don't worry I won't be back as long as you're here.” Nagpapaulit-ulit ang mga katagang iyan sa utak ni Lui. Kinagat niya ang mga kuko dahil sa frustration at nararamdamang inis kay Yhler. Matapos kasi noong pangyayari sa lawa ay tahimik lamang siyang ihinatid ni Yhler pabalik sa bahay nito. Hindi gaya nang plano ay hindi sila nag-usap, hindi niya rin mahanap ang kaniyang sasabihin nang mga oras na iyon kaya naman mas pinili na lang niyang manahimik. He caught her off guard, real bad. Hindi niya alam na uungkatin pa rin ni Yhler ang nakaraan nila. Hindi pa siya handang harapin iyon.Inumpog umpog niya ang ulo sa lamesa. “Argh! Lui, anong katangahan na naman ba ang nagawa mo?” bulyaw niya sa sarili.Napabalikwas siya nang bangon mula sa pagkakayukyok nang marinig ang matinis na pagtunog ng electric kettle na isinaksak niya kanina sapagkat balak niyang uminom ng mainit na gatas. Dali-dali siyang
“What do you mean you don't want me?” Marahas na napabuntong hininga si Yhler nang sa likuran niya ay may sumulpot na isang babae. Isinara niya ang cubicle at lumapit sa lababo. Binuksan niya ang gripo at nagsalita habang hindi manlang tinatapunan ng tingin ang babae. “This is the men’s bathroom, Miss. You're not allowed to be in here,” aniya sa mababang tono. “H’wag mong ibahin ang usapan. I am your girlfriend!” asik nang babaeng hindi niya alam ang pangalan sa kaniya. May inis sa mukha nito at tila anumang oras ay sasabog na.Ipinagpag ni Yhler ang kaniyang dalawang kamay dahilan para tumilamsik ang mga butil ng tubig mula roon. “How many times do I have to tell that I am not,” nauubos ang pasensyang ani ni Y at saka mariing napapikit. “Z, that jerk!” iritable niyang asik. Alam niyang isa ang babaeng ito sa mga nabiktima nang kapatid niya. Hindi na rin kasi ito ang unang beses na may lumapit sa kaniyang babae na galit na galit kahit pa hindi naman niya kilala. Malabo namang ang