Special Chapter 3: XIsang masayang okasyon ang kasal, sagrado, minsan pang-habang buhay kadasalan nagtatapos sa katapusan.Isang mahabang red carpet ang nakalatag sa sahig. Magagandang bulaklak ang nakasabit sa mga upuan maging sa kisame nang simbahan. Ilang sandali pa at isa-isang nagsidatingan ang mga saksi sa magagananap na kasalan. Kulay asul ang suot nang mga bisita. Hindi gaya nang langit na kulay abo at nagbabadya ang pag-ulan. “This will be the chance for our family to connect, hindi magtatagal at magiging isang pamilya na rin tayo. You can just always treat our family as your very own. Don’t worry our daughter is a good kid, hindi kayo magsisisi na siya ang napili niyo.” Umarko ang labi ni Asterelle nang marinig iyon sa labas nang kinalalagyan niyang sasakyan. Boses iyon ng kaniyang ina, at hindi niya nagugustuhan ang lumalabas sa bibig nito. “Kung makapagsalita, ay parang hindi ako anak pero isang tuta na ibinebenta sa bagsak presyo,” “Stop saying that, Elle. Mother kn
Special Chapter 4: XPalakpakan ang namutawi sa buong simbahan nang ilang hakbang na lamang ay mararating na ni Asterelle ang kaniyang mapapangasawa. Mula pa lamang sa kaniyang kinatatayuan ay tanaw na niya ang lalaking mapapangasawa niya. Tanawin pa lamang ito ay hindi na niya nagustuhan. Lalo pa noong tuluyan na siyang nakalapit dito. Hindi naman sa panlalait, aniya sa kaniyang isipan. Mas matangkad pa siya rito mayroon din itong katabaan, nakasalamin at noong ngumiti ay hindi niya nagustuhan dahil naninilaw ang ngipin. “Maybe I expect too much,” pagbulong niya. Labag man sa kaniyang loob ay iniangkla niya ang kamay sa braso nito. Kaagad siyang nairita nang mahina pa itong kumanta kanta habang naglalakad sila papunta sa altar. “Asterelle, right?” Nilingon niya ito nang tawagin ang pangalan niya. Sinipat sipat siya nito na ani mo ay pinagaaralan ang itsura niya. “Pwede na.” Nanguyom ang kamao ni Asterelle. Kaunting-kaunti na lang talaga at makakapanakit na siya. Tunay nga ang
Special Chapter 5: X“What are you saying?” Iyan na lamang ang nasabi ni Xyler sa nagmamaktol na babae. He might admit that he was caught off guard. Mas naging malawak ang pagngiti ni Asterelle. Ikinatutuwa niya ang nakapaskil na inis sa mukha ni Xyler ngayon. “You can now get out of there,” saad nito. Doon lamang niya napagtantong nakabukas na ang selda hindi kagaya kahapon na nakakandado siya sa loob. “Hindi na.” Umaarte pa rin niyang ani. Bumangon siya at hinawakan ang pintuan nang selda matapos ay akmang isasarado iyon ngunit iniharang ni X ang kaniyang paa. “Ano ba? Hindi mo tatanggalin, ayos na nga kami. Hindi mo na kailangang magalala, dito na lang kami habang buhay nang anak mo sa selda!” asik pa niya. “Sus ginoo ang mga kabataan ngayon, kakasal pa lamang ay nagaaway na kaagad,” komento nang isang matandang lalaki gaya nang ninais ni Asterelle. “Mga lalaki nga naman, walang away sa mga asawang babae. Tabi nga!” Napaatras si Xyler nang sabihin iyon nang isang babaeng s
Special Chapter 6: X“Seryoso ka na ba rito? Alam mo naman sigurong matalino at tuso ang mga Montero hindi ba. Paano na lang kung malaman nila na hindi ka talaga tunay na buntis?” nagaalalang wika ni Shelly matapos ay inilagay nito ang tiniklop na damit ni Asterelle sa maletang nakalapag sa kama. Kasalukuyan silang nasa condo na tinutuluyan ni Asterelle. Tinutulungan siya ni Shelly na magimpake sapagkat sa tinutuluyan na siya ni Xyler maglalagi. “Hindi nila malalaman kung hindi ka magsasalita, Shell. Itikom mo na lang ang bibig mo, okay?” sagot naman ni Asterelle at saka i-ziniper ang maleta nang makitang puno na iyon. Napabuntong hininga na lamang si Shelly at wala nang nagawa pa kung hindi sumangayon. Mula pagkabata ay magkasama na silang dalawa. Sila na ang naging sandalan nang isat-isa sa tuwing nagiging mahirap ang gulo sa kanilang pamilya. Gustuhin mang itago ni Asterelle ang kasinungalingan kay Shelly ay hindi niya magawa. Umamin pa rin siya rito na hindi tunay ang kaniyang
Special Chapter 7: X “What’s the matter, ma'am? Didn't have a good night sleep?” Iyan ang naging tanong ni Yves nang sandaling pumasok ito sa opisina ni Asterelle at makita siyang nakatulala. Napahawak sa kaniyang dibdib si Yves dahil sa gulat matapos humiyaw ni Asterelle at sabunutan ang sariling buhok. Napangiwi ang sekretarya nang iuntog untog pa nang kaniyang boss ang ulo sa lamesa. “Kahihiyan . . .” mahinang saad ni Asterelle habang nakayukyok pa rin ang ulo sa lamesa. Napailing na lamang si Yves at saka ipinatong ang mala-bundok na papeles sa lamesa. Naging dahilan iyon para mas lalong manlumo si Asterelle. “Hindi ko alam kung anong problema, pero marami pa ho tayong trabaho. Na-cancel ang meeting ngayon kay Mr. Chua, kaya naman may oras na kayo para basahin ang lahat nang proposals ngayong buwan.” Inayos nito ang pagkakasalansan nang papel.Pagkatapos ay saka nito tinungo ang pintuan. “Good luck, ma'am,” saad nito at nag-thumbs up pa bago tuluyang lumabas. Asterelle brus
Special Chapter 8: XHuminto ang kanilang sasakyan sa isang jewelry shop. Tingnan pa lamang ito mula sa labas ay masasalamin na ang mga mahal na bilihin sa loob. “Ferrell’s, even the name sounds expensive,” komento ni Asterelle. Mayroon siyang narinig na pag-click sa kaniyang tabi. At saka niya lamang namalayan na nakalabas na pala si Xyler sa kotse at naroon na sa labas nang pintuan sa kaniyang gilid. Binuksan nito ang pintuan at saka siya inalalayang lumabas. “Anong nakain mo at mabait ka yata ngayon?” takang tanong niya sa lalaki. Inirapan lamang siya ni Xyler at sa halip ay hinawakan siya sa kamay para hilahin na papasok nang jewelery shop. “Good afternoon, sir. How may I help you?” saad ng isang staff nang sila ay pumasok sa loob ng shop. “I’d like to see Cassidy,” sagot ni Xyler. Mabilis na nagbago ang ekspresyon nang staff. Naging aligaga ito at ilang beses pang yumuko kay Xyler. “I-I’m sorry Mr. Montero, hindi ko ho kayo namukhaan,” may kabang wika nang staff. Dali-dal
Special Chapter 9: XNakatutok ang mga mata ni Asterelle sa mga numerong nakalinya na nagsisilbing pindutan para sa pagtaas o pagbaba nang elevator. Nalipat ang paningin niya sa itaas kung saan nakalagay ang indikasyon kung naasan na siyang palapag ng kaniyang kumpanya. Habang pababa nang pababa ang numero na nakapaskil doon ay pataas nang pataas ang kabang namumuo sa kaniyang dibdib.“Handa na ba ’ko? Nakakakaba,” aniya sa kaniyang sarili habang nakatitig sa kaniyang repleksyon sa bakal na pader nang elevator. Kasabay nang kaniyang pagbuntong hininga ay ang pagsandal niya sa malamig na pader. “They always said that it will hurt at first, sana naman hindi ganoong kasakit.” Hinilot hilot niya ang sintido habang sinasabi iyon. Bumukas ang pintuan nang elevator. Napapikit pa siya nang tamaan ng liwanag ang mga mata niya. “Does your head hurt? Are you alright? Should we cancel it?” Doon lamang niya na-realize na nasa ground floor na pala siya at nasa harapan na niya si Xyler. “H-Hi
Special Chapter 10: XNaging mabibigat ang paghinga ni Xyler. Nakatingala ang kaniyang at nakaawang nang kaunti ang bibig. Damang-dama niya ang init nang kamay ni Asterelle na nakahawak sa kaniyang pagkalalaki. Just before he could lose his mind, he immediately remove her hand inside his pants. Hawak niya ang dalawang braso ni Asterelle nang harapin niya ito. Masasalamin ang libog sa mga mata nang babae. “Are you sure you won't regret this?” tanong niya rito, sapagkat alam niya sa sarili niyang maging siya ay nauubusan na rin ng pasensya. “I won’t,” determinadong sagot ni Asterelle sa kaniya. Pagkarinig sa sinabi nito ay mabilis niyang sinunggaban ang mga labi ni Asterelle. Naglaban ang kanilang mga labi, palalim nang palalim. Humawak ang kamay ni Asterelle sa batok ni Xyler, para mas palalimin pa ang paghalukay sa labi nang isat-isa. Nagsimulang maglakad ang lalaki. Binuhat naman siya nito gamit ang kaniyang pangupo na hindi pa rin pinuputol ang halik. “Haah. . .” Paghahabol