Chapter 19Nakatitig lang ako sa kanya habang nagtitipa siya sa loptop niya. I admit, na sobrang gwapo niya sa suot niyang salamin, pero hindi iyon ang issue dito. "Can you just let me go? Please?" pakiusap pero para lang akong hangin sa kanya dahil patuloy lang siya sa ginagawa.Ibinagsak ko ang dalawang kamay sa mesa niya. "Kailan mo’ko balak paalisin?" kunot noo kong tanong at sa wakas ay nagangat na siya ng tingin, tinanggal niya ang salamin at hinimas himas ang baba niya na parang nagiisip."Hmm? How about," pagputol niya na kaagad kong ikinairita. "I don't have a plan on letting you go." Marahas akong napabuntong hininga dahil sa isinagot niya. Padabog akong bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kaniya."Argh!"Inis na asik ko matapos ay ginulo ang buhok. Isang araw na akong nandito at paniguradong hinahanap na ako ng tatlo, hindi rin naman kasi 'yon uuwi nang hindi ako kasama kaya nakakasiguro akong nag-check in lang sila, hindi rin nam
Chapter 20"Bes naman, nasa'n ka ba kasi?" rinig kong reklamo ni lily sa kabilang linya, pasalamat na lang ako at ibinalik ni Tyler ang phone ko. "Ano ha? Nagtanan na ba kayo? Bakit naman kung kailan may anak na kayo?" Napairap ako sa kabaliwan niya, kung nandito lang siguro siya ay baka nabatukan ko na siya. Masiyadong oa. "Bruha ka, h'wag ka ngang maingay," pabulong kong saway, tinanaw ko mula rito si Tyler na nakaupo sa sofa. Kaagad akong nakahinga nang maluwag matapos makitang busy ito sa panonood nang tv."E' kasi naman po, nade-drain na ang utak ko sa kakaisip ng palusot sa tatlong 'to, bes 'di ko na kaya," reklamo niya dahilan ng pagbuntong hininga ko, naawa naman ako sa sinabi niya. "Magisip ka na lang muna ng kahit ano, gagawa na ako ng paraan para makaalis dito," pabulong kong sagot."Oo na! Basta bilisan mo, nagdududa na ang tatlo. And for sure, hihiritan na nila akong hanapin ka sa kahit saang sulok ng Baguio," aniya sa nangungunsuming tono. "Kung kailangan kong talun
Chapter 21Isinandal ko ang ulo sa bintana puro ilaw ang mga nadadaan at naliliwanag ang paligid sa kabila ng dilim, gabi na rin kasi at papunta ako sa pinag-check-in-an nila Lily. Habang nakatingin sa labas ay hindi ko sinasadiyang mapatingin sa repleksyon ko mula sa bintana nang sinasakyan kong taxi.Mugto ang mata ko namumula rin ang ilong at pisngi ko, agad kong pinunasan ang luhang tumulo na naman sa pisngi ko. I've been through so much today. Parang gusto ko na lang mahiga sa kama kasama ng mga anak ko. Pagkatigil sa tapat nang hotel ay bumaba na ako. Pumasok na ako sa loob at saka dumiretso sa unit na sinabi ni Lily.Pinunasan ko ang mukha at saka kinalma ang sarili bago pinindot ang door bell. Matapos ng ilang minuto ay bumukas ang pinto. Sumalubong sa 'kin ang tatlo ko, siguro ay dala na rin ng pagod padausdos akong lumuhod para bigyan sila ng mahigpit na yakap. "Where have you been mom?" usisang tanong nang panganay ko."Z is worried, Z is worried," malungkot namang aniy
Chapter 22Naabutan ko si X na nakasubsob sa unan niya. Hays, kanina pa siya nandito hindi manlang siya lumabas para sa ama niya mukha nga talagang galit siya. Tumabi ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Xyler, baby are you mad?" malambing kong pagaalo sa kaniya, tumambad sa 'kin ang namumula niyang mata na may bahid pa ng luha, na kaagad ko namang pinunasan."Are you mad at mommy?" paguulit ko sa sinabi kanina."No, I hate him!" Niyakap ko siya dahil sa sinagot niya matapos ay sinilip ko siya sa gitna ng mga braso ko."Why do you hate him hmm?" tanong koHumiwalay siya sa pagkakayakap ko. "’Cause you're hurting because of him," pumupungas pungas niyang sagot dahilan para mas lalo ko siyang ikulong sa mga bisig ko. This is the reason why I love the three of them, they're always here for me, they're always protecting me."Hmm? Then mommy will hate herself too." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tinuran ko. "You hate your daddy because of me, so mommy will hate herself also."Ih
Chapter 23"Hi, mom!" Nakipagbeso ako sa kaniya pagkapasok namin sa venue, as usual puro businesses ang mga pinaguusapan. This party was more like a business meeting than a freaking party."Misha my daughter you're here." Nagbaba ang tingin niya at tumama ito sa tatlong bata na nasa tabi ko. Malamlam ang mga mata niya pero kaagad ding nagiwas nang mapansin ko.Sakto at sumingit si Kuya Mico. "Lil sis, sa akin na muna ’tong tatlong itlog para makapag party-party ka naman!" Napangiwi ako nang sumayaw sayaw pa siya. If I know gusto niya lang makatakas doon sa mga babaeng nilalandi niya kanina lang."Where's dad?" Sumilay ang ngiti sa mukha ni mom bago itinuro ang isang lamesa. "Ayun kausap ang mga kasosyo niya." Tango na lamang ang naging sagot ko.Inilibot ko ang paningin sa buong venue, all of the designs screams elegance hindi na ako magtatakang puro mga businessman ang nandito. Iniwan ako ni mom sa isang table kaya wala akong nagawa kundi tumunganga, kinuha ko ang baso ng tequila
Chapter 24Chapter 24“X, come here don't pick a fight god damnit!”“Z, you can’t eat that. That’s a freaking table mattress,”“Y, son! Where are you!”Prente lamang akong nakaupo at nakadekwatro. Nakuha ko pang isandal ang likod sa upuang kahoy dito sa balkonahe at saka sumimsim sa tsaang nadukot ko pa mula sa mga regalo nang mga kaibigan ni Papa. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa itsura ni Tyler ngayon, hindi kasi siya magkandaugaga sa kasasaway sa tatlo. Well he deserves it. Iyan lang naman ho ang sitwasyon ko everyday. Lintik lang ang walang ganti!Sinundan ko siya nang tingin matapos niyang tumabi sa ’kin, nanlalatang isinandal ang ulo sa balikat ko. “Ano kaya pa? Bukas ang gate p’wede ka pa namang mag-back out,” natatawang biro. Hindi siya umimik ngunit kapagkuwan ay tumango. “Yeah, the gate is open. . .” Mabilis na nagbago ang timpla ko sa ibinulong niya. Hinila niya ang balikat ko para maiharap ako sa kaniya, at hindi ko maitago ang dismaya sa mukha ko. “Would y
Chapter 25Chapter 25Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, sumalubong sa ’kin ang sinag ng araw na nagmumula sa labas, nakabukas ang bintana at nilipad ng hangin ang asul na kurtina.Napangiti ako nang bumaling ang pangit ko sa apat. Nakadapa si Z sa tiyan ni Tyler nakaunan naman sa paa niya si X habang nakasiksik naman sa braso niya si Y.Matapos makaramdam ng uhaw ay napagpasiyahan kong bumaba. Maingat ang ginawa kong paglalakad para hindi makabulabog sa ibang natutulog pa. Mukhang ako pa lamang ang gising, satingin ko rin ay ala-sais pa lamang ng umaga.Tinungo ko ang kusina at kaagad na dumiretso sa tapat ng refrigerator. Kumuha ako ng malamig na tubig doon at mabilisang nilagok. I immediately feel refreshed. Akmang babalik na akong muli sa taas nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone mula sa bulsa nang suot kong pajama. “Ano?” wala ng pagbati pang sagot ko sa kabilang linya. Tanging katahimikan lamang ang nakuha kong sagot kaya naman mabilis kong tiningnan ang telep
Chapter 26Chapter 26Nakatulala lang ako dito sa may bintana naglalakbay ang utak hindi parin ako matahimik kung tama ba ang naging desisyon ko.Isang linggo na ang nakalipas at anumang oras ay alam kong ipapatawag ako ni Dad. It's not like I had a choice.Kinuha ko ang cellphone at tinipa ang number ni Lily. Matapos ng ilang ring ay sawakas sinagot niya na ito.“Hello lily na saan ka na ba? Bakit hindi ka pa nagpapakita? H’wag mong sabihin na na-kidnap ka?” sunod sunod kong tanong, lumipas ang isang mahabang katahimikan na hindi ito sumasagot. Tiningnan kong muli at ongoing naman ang tawag. Akmang ibaba ko na sana ito nang isang mababa ngunit baritonong boses ang marinig ko mula sa kabilang linya.“Who’s this? How are you related to Aristella?” Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok matapos marinig ang nakakapangilabot nitong boses.“S-sino ka? Bakit na sa ’yo ang cellphone ng kaibigan ko?” taranta kong wika.Kung ano anong senaryo na ang mga pumasok sa utak ko. Nagaalala kung sak