Chapter 20Tahimik kaming pareho habang naglalakad pabalik sa cabin. Walang kahit na anong maririnig na ingay mula sa amin, liban na lamang sa mga kaluskos ng aming mga hakbang sa damuhan. Hindi man ako sanay ngunit hindi ko naman masisisi si Lily. She was too shocked just like me the first I saw that footage. I guess, kahit si Lily na pinakamaingay na taong nakilala ko ay mananahimik dahil sa nalaman niya ngayon.Hindi ko alam kung sino ang nag-send ng footage na iyon sa ’kin, hindi ko alam kung paano sapagkat alam ko kung gaano kahigpit ang Montero Corporation. “But why do I care?” Masiyadong masakit para aalalahin ko pa. I know for sure that Tyler will do something if it was a hacker or something. Sa pagkakataong ito ay wala na akong lakas pa para alalahanin ang kahit na ano. I just want some peace. Tama na muna. Inilagay ko ang dalawang kamay sa likod bago humawak ang isang kamay ko sa braso ko. Napakaganda ng buwan mula rito. Parang malaki at malawak na kristal ang dagat na
Chapter 21 “What do you want to eat? I can pull over to a restaurant you want.” Umakyat pa lalo ang inis at galit sa ulo ko nang ibahin niya lamang ang usapan, at hindi pansinin ang sinabi ko. “Stop changing the topic, Tyler. Akin na ang mga papeles at pipirmahan ko.” Diretso at seryoso lamang ang tingin niya sa kalsada, maging kanina ay saglit lamang din ang pagkagulat sa kaniyang mukha at mabilis na nakabawi na para bang nahulaan na naman niya ako.“Alam ko bukas pa iyong paborito mong seafood restaurant. How about we eat dinner there?” Bumalatay ang frustration sa mukha ko nang muli ay isantabi niya ang sinabi ko. “Hindi mo na kailangang alalahanin iyong tatlo. Luna texted me, they already ate.” Ang pasensya kong mas naging manipis pa nang malaman kong buntis ako ay madaling napigtas. Inis kong sinipa at pinaghahampas ang upuan niya dahil sa inis. “Ano ba, Tyler! H’wag mo na nga akong gaguhin! Hindi mo na kailangan pang magmaang-maangan at umaktong ayos tayo, kahit ang totoo a
Chapter 22Makalipas ng araw na iyon ay wala muling pansinan, o mas magandang sabihin na hindi ko pinapansin si Tyler ni tapunan siya ng tingin ay hindi ko ginawa. “Ingat sa pagpasok sa school, magaral ng mabuti mga anak. Xy take care of your brothers okay?” Napangiti ako nang tumayo at sumaludo sa akin si X na sinegundahan naman nang kaniyang mga kapatid. “We’ll be going na po.” Hinalikan ko sila isa-isa sa noo bago ihinatid sa pinto. Kumaway pa ako ng tuluyan silang makapasok sa sasakyan. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko at nanlalaki ang mga matang lumapit sa sasakyan nang dumungaw ang ulo ni Lualhati mula doon. “Lui!” hiyaw ko bago ito binuhat at niyakap ng mahigpit. “Kaunti na lang talaga, iisipin ko ng inaagaw mo ang anak ko sa ’kin.” Napairap akong napatingin kay Uno. Siya nga pala ang sumundo sa tatlo dahil hiling daw ni Lualhati na makita si Y. Pinayagan ko na lamang sapagkat mga bata pa naman sila at may tiwala naman ako sa mga anak ko. Inismiran ko siya. “P’w
Chapter 23“Hey! Watch where you’re going!” Mabilis akong nabalik sa ulirat nang may malakas na busina akong narinig, hanggang sa nagsunod sunod pa ang pagbusina sa unahan at likuran ng kotseng minamaneho ko. “Sorry . . . . ” Iyan na lamang ang nabigkas ko sapagkat gulong gulo ang isip ko ngayon. Tyler's bitch is pregnant. Iyong obgyne na mismo ang tinanong ko para makasigurado at hindi nga mali ang isinagot sa akin ng babaeng iyon. “Gago! Gago ka!” nanggagalaiti kong sigaw at saka pinaghahampas ang manibela. “Ginago mo ’ko! Akala ko ba ako lang you even swore at our wedding . . . akala ko lang pala.” Nanghihinang bumagsak ang katawan ko sa manibela. Ipinikit ko ang mga mata, hanggang sa tuluyan na iyong bumigat at mabilis akong nakatulog. ***Isang malalakas na katok ang siyang nagpabalikwas sa akin ng bangon. Hinilot hilot ko pa ang leeg at balikat ko sapagkat nangalay iyon sa pwesto ko. Wala ng araw nang tumingin ako sa labas, ganoon ba katagal ang naging tulog ko? Nagsalub
Chapter 24“Salamat.” May iniabot na bote ng tubig sa akin ang kararating lamang na pulis. Tumabi ito sa akin ng upo sa kabilang swing dito sa playground. “Salamat pero parang hindi naman yata katanggap tanggap iyong dinahilan mo para pagtakpan ako,” saad ko bago nilagok ang tubig sa bote. “Why? Gwapo naman ako ah, besides maraming humihiling na maging girlfriend ko. You should consider yourself lucky,” sagot niya habang mahinang tumatawa. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Iyan na ba ang tunay na kulay mo? Lumalabas na ba?” Tinakpan ko pa ang bibig ko para kunwari ay maging kapani-paniwala ang pagkagulat ko. “Hindi ka p’wedeng mag-artista, ang pangit ng pag-arte mo,” aniya bago ako inirapan. Tinaasan ko siya ng kilay. “Of course, I'm a businesswoman after all.” “I know.”Napukaw ang buong atensyon ko dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng nagtatanong. “How?” “Para namang hindi mo alam? Aren't you that Misha Yvonne Hernandez? Iyong palagi kong nakikitang mukha riyan sa bi
Chapter 25Nagliliyab ang mga matang sinipa ko ang gate ng bahay nila Papa. Nasa likuran ko lamang si Tyler at hinahayaan akong ibuhos ang lahat ng galit ko sa gate na iyon. “What is it, anak? Bakit parang gusto mo na yatang wasakin iyang gate?” aligagang tanong ni Mama nang makalabas mula sa bahay. “Nasaan ang lalaking ’yon?” “Sino? Ang papa mo ba?” Sinabunutan ko ang sarili, doon na dumalo sa akin si Tyler para pigilan ang mga kamay ko. “Ma, h’wag ka ng mag-maang maangan pa. Hindi ko mahanap si Luna, saan niyo siya dinala?” Makikita ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ni Mama. Mahahalata na wala siyang ideya sa kung anuman ang nangyayari. Palagi namang ganyan, kailan ba siya nagkaroon ng ideya sa mga nangyayari sa mga anak niya. “You don't have to do this, Misha. Ano ba ang kailangan mo?” Mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ko nang magsimula nang lumabas mula sa loob ang lalaking isa sa kinamumuhian ko. “Where’s Luna? I can't find her anywhere. She's not here either!” Hi
Chapter 26Ilang araw matapos kong makatanggap ng invitation para sa kasal ni Liam at Luna ay ang siyang pagdating ng araw ng kanilang kasal. Hindi ko na kinailangan pang maghanap ng masusuot na sapagkat nakatanggap ang buong pamilya namin nang damit para sa tema ng kasal. I didn't wear the one they gave me, sa halip ay isinuot ko ang long v-neck kong dress na kulay itim. I want them to know that I'm against their wedding. “You’re so tense, calm down okay?” Iwinaksi ko ang kamay ni Tyler, nakasandal ito sa kaniyang kotse habang matamang nakatingin sa akin. “Anong gusto mong gawin ko? Magsaya habang nakikita kong miserable iyong kapatid ko ngayon?” Palakad lakad ako habang nasa labas kami ng simbahan. Nasa loob na ang ibang bisita ngunit hindi ko magawang pumasok din sa loob. I want to see Luna, baka mapigilan ko pa siya. “Bakit ba ang tagal niya?” Kasasabi ko pa lamang noon ay dumating din ang isang puting limousine kung saan lumabas ang kapatid ko hawak ang isang puting bouqu
Chapter 27Mapanglaw ang buong lugar. Makulimlim ang langit at mahihinuha mo ang sakit sa mga puso ng taong naroon. Lahat ng tao ay nakasuot ng kulay itim, nagsisilbing senyales nang kanilang pagluluksa sa yumaong kapamilya. May ilang nakapayong sapagkat walang tigil ang pagambon mula sa langit, habang ang ilan ay hinayaan ang sariling mabasa kasama ng kanilang mga lungkot. “H-Hindi . . . hindi p’wede. Bakit mo naman ako iniwan ng ganito?” Walang humpay ang naging pagpalahaw ni Nerissa Hernandez habang nakayakap sa puting kabaong na nasa harapan ng lahat. Hawak naman ng umiiyak na si Luna ang balikat nito para bigyan ng kaunting suporta ang kaniyang ina. “Mario! Mario!” patuloy na sigaw ni Nerissa. Napatingala si Luna para pigilan ang sariling umiyak. She have cried enough, simula noong malaman niya ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ang kaniyang Ate Misha sapagkat nasa ospital ito at hindi pa rin nagigising. “Shh tahan na, ma,” mahinang wika ng kaniyang kuya Mico na katabi