Hello po, maraming salamat po. Good night po at ingat po kayo palagi. Bukas po ulit ang update, salamat at nakahabol pa ako. Nandoon pa kaya si Prexie. Nakakaawa po siya diba? ❤️❤️❤️
LIYANNA’S POV“Okay babe, pupuntahan natin siya. Tumahan kana, okay ba?” Sabi niya sa akin. Habang pinapakalma ako. Sa school ni Mireya kami pumunta. Dahil sa tingin ko pumasok si Prexie. Nang makarating kami ay hinintay namin na mag-uwian ang mga bata. Mabilis na tumakbo si Mireya nang makita niya ang daddy niya. Kinarga naman ito kaagad ni Carlos. Hinintay namin si Prexie na lumabas. Naghaharutan muna ang mag-ama at ako naman ay nakaabang para makita ko si Prexie. Nang makita niya ako ay kaagad itong lumapit sa akin at niyakap ako.“Tita Liya,” nakangiti na tawag niya sa akin.“How are you, Prexie?” Nakangiti na tanong ko sa kanya.“I’m okay po, siya po ba ang daddy ni Mireya?” Mahina na tanong niya sa akin na para bang nahihiya siya.“Opo, gusto mo bang sumama sa amin? Sabay ka sa amin na maglunch,” tanong ko sa kanya.“Okay lang po ba?” Parang nahihiya na tanong niya sa akin.“Opo, hinintay ka talaga namin. Dahil gusto ka namin makasama,” sagot ko sa kanya.“Thank you po,” nakang
THIRD PERSON POVMay isang lalaking naka-jacket na itim ang laging nakasunod kay Mireya. Kumukuha ito ng tiyempo kung paano ba niya makukuha ang bata. "Mukhang naka-tunog sila sa akin na sinusundan ko sila." Sabi ng lalaki sa kausap niya sa telepono."Galingan mo ang pagsunod sa kanila ng hindi ka nahuhuli. Dahil kapag ikaw nahuli malilintikan tayo! Kunin mo na kaagad ang bata!" Galit na sigaw ng babae."Okay, hayaan mo na ako sa diskarte ko." Sabi pa nito sa kausap niya."Diskarte mo! Siguraduhin mo lang na gagawin mo ang trabaho mo. Bantayan mo rin si Liya. Mukhang napapaamo na niya si Carlos gamit ang anak niya. Kumuha ka ng magandang tyempo para ilayo sa kanila ang anak nila. Hindi sila pwedeng maging masaya." Sabi pa nito."Okay boss," sagot ng lalaki bago niya ibinaba ang tawag.Ilang araw na niyang binabantayan ang mga bata. Noong una ay isang bata lang ang binabantayan niya pero may dumagdag pa na isa at hindi niya alam kung sino ang bata na 'yun. Habang sinusundan ng lalaki
LIYANNA'S POV"Inaantok na ako," sabi ko sa kanya."Hindi ba tayo puwedeng, you know. Catch up somethin—""Tigilan mo ako Carlos Ballarta. Kakabigay ko pa nga lang ng chance sa 'yo humihirit ka na agad." Mataray na sabi ko sa kanya dahil alam ko ang ibig niyang sabihin."Baka makalusot lang naman." Nakangiti na sabi niya sa 'kin."Wala ganun, kung ako sa 'yo matulog kana. Kasi inaantok na ako at puwede ba. Pakalmahin mo nga 'yan, akala mo siguro hindi ko 'yan mapapansin." Pagtataray ko sa kanya."Ang sungit naman ng future misis ko. Pero lalo kang gumaganda kapag nagtataray ka." Sabi niya sa akin.Inirapan ko pa siya lalo dahil medyo nahiya ako sa mga sinabi niya. Karga pa rin kasi niya ako at wala yata siyang balak na ibaba ako."Ibaba mo na ako, inaantok na talaga ako." Sabi ko sa kanya."Okay, babe." Sagot niya sa akin at naglakad na siya papunta sa kama ko."Matulog kana rin pagkatapos mong uminom." Sabi ko sa kanya."I will, nagpapaantok lang ako. Good night. I love you," sabi niy
LIYANNA'S POV"Throwback thursday ba ngayon?" Pabiro na sabi ko sa kanya. Ayaw ko na maging madrama kaming dalawa.Nakita ko na nahihiya siya. Bumabalik ang younger version ni Carlos. Wala pa rin pa lang nagbago sa kanya. Nagmature lang siya pero siya pa rin si Carlos."Let's forget the past. Paano tayo magiging masaya kung ganyan ka lagi? And 'wag mo ng isipin na ipakulong ang sarili mo. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Iiyak siya kapag nalaman niyang nasa kulungan ka." Saad ko sa kanya."Pero babe—""Nagugutom ako, kumain na lang tayo. Puwede na ba tayong mag lunch date ngayon?" Putol ko sa sasabihin niya. Gusto kong ilihis ang usapan dahil alam ko na babalik na naman siya sa nakaraan.Oo hindi madaling kalimutan pero nais ko na subukan naming maging masaya at bumuo ng mga bagong memories. Kasama si Mireya at bilang isang pamilya."Okay," tipid na sagot niya sa akin."Malungkot ka pa rin ba? Sige 'wag na lang tayong kumain sa restaurant, umuwi na lang tayo." Naiinis na sabi ko sa kanya
WARNING MATURED CONTENT!!READ AT YOUR OWN RISK!! R18+LIYANNA'S POVHindi na niya ako ibinaba pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng pintuan ng silid namin. Pinihit niya ang doorknob para buksan ang pinto."Puwede mo na siguro akong ibaba diba?" Tanong ko sa kanya."Close your eyes, babe." Pabulong na utos niya sa akin.Sinunod ko naman siya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig kong bumukas ang pinto. Ramdam ko na naglakad niya siya. Nakapikit pa rin ako at hindi ako dumidilat hangga't wala siyang sinasabi."Open your eyes now," malambing na utos niya sa akin.I slowly open my eyes. Unang bumungad sa akin ang dim na kulay ng ilaw. Tumingin ako sa sahig my mga maliit na kandila. Naamoy ko ang buong paligid. Scented candles ang ginamit nila at sobrang bango.Naamaze ako nang dumako ang mga mata ko sa kama. Kinikilig ako, 'yung kilig na, pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Sobrang lakas ng t*bok ng puso ko. Sobrang ganda kasi ng set-up. Siguro para sa iba ay common na ang ganito n
LIYANNA’S POVHalos hindi ko maigalaw ang katawan ko nang magising ako. Pakiramdam ko ay nabugbog ako ng sobra. Sobrang sakit ng likod ko at balakang ko. I feel sore in my private part. Namamaga yata ang akin. Wala na si Carlos sa tabi ko. Nakaramdam ako ng lungkot. Gusto ko kasi sana na nasa tabi ko siya paggising ko. Gusto ko siya ang una kong makita pagdilat pa lang nang mga mata ko. Pumasok na siguro siya sa trabaho at iniwan na lang ako ng ganito. Pagkatapos niyang makaanim na rounds na katumbas ng paghihiwalay namin ay nakuha pa niyang pumasok sa trabaho. Ano oras na kaya? Tanong ko sa sarili ko. Hindi rin kasi pumasok si Mireya dito sa silid ko. Dumako ang mga mata ko sa orasan na nakapatong sa side table ko. Alas diyes na pala ng umaga. Napabuntong hininga ako kasi paano ba ako babangon? Sobrang bigat ng pakiramdam ko lalo na ang nasa gitnang bahagi ko. Sa tingin ko ay hindi ko kayang iangat ang likod ko.Ikaw ba naman ang hindi tigilan. Kaya talagang magiging lantang gulay ka
LIYANNA’S POV“Vava, bakit siya nandito?” Tanong ko kay Carlos.“Babe, can we talk?” Tanong niya rin sa akin.“Okay,” sagot ko sa kanya.Naglalakad kami papunta sa may garden area. Nang makarating kami doon ay hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin naman ako sa kanya. Nahuhulaan ko na ang sasabihin niya kahit hindi pa niya ito sinasabi sa akin.“Babe, hindi ko na alam ang gagawin ko.” panimula niyang sabi sa akin.“Bakit siya nandito? Nasaan si Pia? Bakit mag-isa lang siya?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Ang sabi ng driver namin. Umalis kaninang umaga si Pia at hanggang kaninang hapon ay hindi pa bumabalik. Nang umakyat sila sa silid ay may nakita silang maleta at sulat. Here,” sagot niya sa akin at inabot ang isang sulat.“Mang Berto, pakidala po si Precious sa bahay nila Liya.” Basa ko sa nakasulat sa papel.“Saan siya nagpunta? Bakit niya iniwan ang anak niya?” Naiinis na tanong ko kay Carlos.“Hindi ko rin alam, kaya nagagalit ako dahil bakit niya iniwan na lang ang anak niya.
LIYANNA’S POVSobrang gaan ng pakiramdam ko paggising ko. Unang bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Carlos. Nakayakap siya sa akin habang tulog na tulog. Hinalikan ko siya sa pisngi at akmang babangon na ako pero lalo niya akong niyakap ng mahigpit.“Vava, babangon na ako. Silipin ko muna ang mga bata sa kabilang kwarto.” Sabi ko sa kanya.“Mamaya na, babe. Gusto pa kitang kayakap.” Inaantok na sagot niya sa akin.“Okay, pero five minutes lang ha.” Sabi ko sa kanya.“Hindi ba puwedeng whole day?”“Minutes lang po, saka may trabaho ka pa diba. Kailangan natin ng pera, marami na ang anak natin.” Pabiro na sabi ko sa kanya.“Gawa tayo ng lalaki, babe. Kung sakaling babae pa rin ay hindi ako titigil hangga’t wala tayong na lalaking anak.” aniya sa akin.“Puwede naman kung ikaw lang naman ang magbubuntis at manganganak.” Sagot ko sa kanya.“Babe,” tawag niya sa akin.“Hmmm.. Why?”“Gusto ko,” mahinang bulong niya sa tainga ko.“Anong gusto mo?”“Ikaw, gustong-gusto kita.” Sagot niya sa ak