IRENE“HI Ms.Irene!” “Good morning Ms.Irene!” “Ms.Irene!” Ilang beses ko na bang naririnig ang pangalan ko ngayong araw? Isang linggo na simula nang magsimula ako bilabg sekretarya ni Eugene at masasabi ko na naging maayos naman ang trabaho ko at sa awa ng Dyos ay wala ng kakaibang nangyari sa nakalipas na mga araw. Hindi nawawala ang takot ko na maaaring mayroon nanamang mangyari pero mabuti at wala at sana lang ay tuloy-tuloy na iyon. Sa nakalipas na isang linggo ay naging sikat ako sa kumpanya ng asawa ko. Hindi ko alam pero siguro dahil sa buhok ko? Tuwang-tuwa kasi sila sa wig ko tapos ang pangalan ko pa ay violet. Sabi nila ay bagay na bagay daw saakin ang buhok ko at ang ganda-ganda ko lalo na kulay asul ang mata ko. Namangha pa nga sila na marunong ako magtagalog. Akala nila taga ibang bansa talaga ako. Masaya naman ako kahit na medyo sumikat ako ang problema lang marami talaga akong trabaho. Sa lahat ng napasukan ko bilang sekretarya ay itong kumapanya ni Eugene ang pin
Tatawa-tawa ako habang nasa loob ng elevator. Noon pa niya ako gustong makasabay sa lunch pero hindi talaga pwede dahil mahahalata ng mga katrabaho ko ang bagay na ‘yon. Pagdating ko sa cafeteria as usual madaming tao at patuloy nila akong binabati. Pakiramdam ko tuloy ako pa ‘rin si Juliette Clarke dahil sa atensyon na binibigay nila saakin e. Nag-order lang ako ng pagkain at agad na naupo sa isang table. Ang kaninang wala akong katabi ay napuno ng mga taong nakikilala ko na. “Ms. Violet! Late ka ngayon ah!” “Siguradong busy ‘yan mag-aaniversarry na e!” Napasimangot ako sa sinabi nila. Sino ba namang hindi mapapasimangot dahil kanina ko lang nalaman ang tungkol doon. “’Yun na nga problema ko. Kanina ko lang nalaman na anniversary na pala the day after tomorrow,” “Kanina mo lang nalaman?!” sabay-sabay na sabi ng tatlo na ikinangiwi ko. Sila si Jess, Lyn, at RC sila ang pinakang close ko sa mga employees dito dahil hindi na ‘rin sila tumigil kakadikit saakin. Ayos lang naman dah
“A-AH eh okay?” Gusto kong kotongan ang sarili ko dahil sa naging sagot ko at biglang tumahimik ang paligid. Ramdam ko ang tingin nilang lahat saamin ni Ivan. Nasa likuran ko kasi siya at napaharap ako sa kaniya dahil kinuha niya ang phone ko. “Kinausap siya ng anak ni sir!” “As expected from Ms. Violet!” “Baka close sila dahil secretary siya ni sir!” “Siguro nga! Tignan mo mukang naiinis si baby boy dahil hindi kumakain si Ms. Violet!” Napapikit ako sandali sa nagsimulang kumalat.na bulungan sa paligid. Akala ko naman tumahimik na sila pero may dumaan lang palang anghel at nagpatuloy sila kaka-daldal. “OMG! Dimo naman sinabi saamin na close pala kayo Ms.Violet!” Bulong ni Jess saakin. “Oo nga! Pakilala mo kami dali!” sabi pa ni Lyn pero sinamaan ko lang sila ng tingin na ikinatigil nila habang natatawa. Muli kong hinarap si Ivan at ngumiti ng alanganin dito. Paaalisin ko nalang muna siya at tyaka ko itutuloy ang ginagawa ko pero habang kumakain. “Uhm, don’t worry I will sto
KATULAD kahapon ay mabilis na lumipas ang maghapon. Masakit na ang batok ko dahil sa daming kailangang gawin lalo na bukas na ang event. I still need to contact someone for entertainment purposes hindi naman pwedeng pure party lang iyon at walang mag peperform. Since mafia theme ang party, need ko ng singer na kumakanta ng cool and sexy song, yung ma-fe-feel mo na ikaw ang bida sa isang penikula. At mayroon akong kakilala na makakatulong saakin. “Hello good after what can I do for you?” Boses palang niya kilala ko na. “Hi madam, I’m Violet—”“OMG Violet?!” Napangiti ako sa naging reaction niya, ang boss ko sa pinagpapasahan ko ng mga songs ko. “Yes madam. I called you dahil kailangan ko ng tulong mo. Bukas na ang anniversary ng kumapanya ni sir and since magka-partner naman kayo sa negosyo sure akong imbitado ka. Kung pwede sana magdala ka na ‘din ng isang singer mo na kakanta ng sexy-cool songs na pasok sa mafia theme ng party.” Mahaba kong sabi sa kaniya na ikinatahimik ng nas
NAGISING ako nang mayroong humahalik sa labi ko kung kaya naidilat ko ang aking mata at sumalubong saakin ang muka ng aking asawa. “What time is it?” antok na tanong ko sa kaniya. “It’s 4am my angel. Kailangan na nating umali, sa kotse ka nalng matulog.” Sabi niya saakin at muli nanamang hinalikan ang labi ko kaya napangiti ako at itinaas ang aking dalawang sa kaniya tanda ng pagpapabuhat. Narinig ko ang mahinang tawa niya at binuhat ako na parang bagong kasal. Hinahalikan niya ang buhok ko habang naglalakad kami at ako’y nakahawak lang sa kaniyang batok dahil ayokong mahulog. Inaantok pa talaga ako. “Hubby, hindi ba tayo magpapa-alam sa kambal?” “No need. Magkikta ‘din naman kayo e,” “What?” napadilat ako dahil sa narinig ko at nakangiting umiling ‘din ito saakin. “Nothing. Sabi ko it’s okay nasabihan na naman natin ang kambal. Sige na matulog ka na muna.” Tumango nalang ako sa sinabi niya at ipinikit na ang aking mga mata. Siguro dahil sa sobrang antok at pagod ko nitong nak
NAGISING ako sa sunod-sunod na doorbell sa room na tinutuluyan ko. Tinakpan ko pa ang tenga ko ng unan para hindi marinig ang istorbo sa tulog ko pero hindi nalang doorbell ang naririnig ko kundi maging malakas na kalabog ng pinto na tila sisirain nan ang taong iyon ang pintuan. “Sino ba ‘yan?!” Inis na sabi ko at lumabas sa kwarto ko. Hindi ko kasi sinara ang pinto niyon tutal wala akong kasama. Pagbukas ko ng pintuan ay naabutan ko ang akmang pagsipa ni Mason at Eugene sa pintuan. Mabuti ‘di ako tinamaan! “W-wife!” Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Eugene at nakita ko na nakahinga ng maluwag si Mason. “M-mommy bakit hindi ka sumasagot?! Kanina ka pa namin hinahanap!” iyak na sabi ni Kylie at doon ko lang napansin na kumpleto sila doon. Si manong, Randy, Kyla, Mason ang magulang ni Mason at ang kambal. Pero ano ‘daw? “Bakit niyo naman ako hinahanap?” kunot noo kong tanong na ikinahiwalay ng yakap saakin ni Eugene. “What are you saying wife?! Ngayon ang anniversary na pina
“NOW we prepared an singing performance for all you hope you enjoy her voice and chill while waiting for the next flow of this anniversary. Let’s give her a round of applause everyone!” Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao sa paligid ng sabihin iyon ng MC. “Did you see my wife Mason?” Bulong na tanong ni Eugene kay Mason na nasa kanang parte nito. “Si Irene? Hindi, diba kasama mo?” Kuno’t noo na tanong ni Mason pero dahil nagsimula na ang performance sa stage ay hindi na natuloy pa ang kanilang usapan. Ang paalam kasi ni Irene kay Eugene ay may i-che-check lang ‘daw ito ngunit hindi pa ‘rin ito bumabalik matapos ang ilang minuto. Nagsisimula na siyang mag-alala dahil natatakot siya na mawala nanaman ito sa kaniya. Hindi na niya napigilan at tumayo na para umalis doon pero nang marinig niya ang boses ng kumakanta sa stage ay natigilan siya. “Wife?” Hinding-hindi niya makakalimutan ang boses ng asawa. Sigurado siyang si Irene ang kumakanta kaya naudlot ang pag-alis niya at kusan
MABILIS na lumipas ang araw at bumalik na sila sa manila. Maging ang pasok nila ay bumalik na ‘din sa dati kaya kumpanya at bahay nanaman ang tuloy ni Irene at Eugene. Nang dahil na ‘rin sa nangyari sa anniversary ni Eugene ay mas maraming nakakilala kay Irene at halos lahat nang mga tao sa kumpanya nito ay binabati siya. Syempre hindi mawawala ng mga inggit at naiinis sa kaniya pero pinagtatanggol siya ng iba pang mga employees. Wala namang pakialam si Irene sa sasabihin ng iba basta gagawin niya ang trabaho niya. “That would be all of your schedule sir,” ngiting sabi ni Irene matapos niyang basahin ang schedule ni Eugene. “Cancel all my appointment today, we have an important meeting to attend.” “Ha? Saan?” gulat na tanong ni Irene ngunit hindi siya sinagot ng asawa dahil mayroon itong inaayos na mga papeles. Alam ni Irene na busy nanaman ito dahil marami pa itong naiwan na trabaho at kanina lang ay marami ulit siyang inilagay na papeles na dapat nitong pirmahan. Napatingin si