KABANATA 7.2
Papasok na nga kami sa loob nitong public school kagaya ng old school ko, private nga lang. Pero rito naman ay masasabi ko ring malinis naman at organisado rin ang entrance dahil may security guard na bubungad sa bawat estudyante.
"Hala, ang taba naman ng babaeng iyan."
"Oo nga ano, bakit kasama niya si Ikee? Kaano-ano niya ba iyan?"
"Hala, oo nga si Ikee nga kasama niya."
Hindi ko na lang pinansin pa, nakasunod lang ako kay Esra sa paglalakad. Nakahawak lang ako sa magkabilang sling ng backpack ko. At ang buhok ko ngayo'y nakalugay la
Kabanata 8May nakikiusyoso namang mga pogong estudyante sa awayang nagaganap sa aming dalawa nitong---ah, basta! Hindi ko kilala kung anong pangalan ng nilalang na ito. May lahing unggoy at tarsier yata ito. Malaki ang mga mata na halos lumuwa na idagdag mo pa ang ilong na parang nahiya kaya hindi magawang lumabas sa lungga, iyong sa sobrang pagdapa, halos wala ng butas na makikita. Gets niyo iyon? Kung hindi o sige. Pango siya!
Kabanata 9Sa kadahilanang nakipagkaibigan na sa akin si Krissa, nag-offer siya sa akin kanina na mas maganda kung magkatabi kami ng upuan. At dahil na sa pang-unang hilera kami sa panghuling hanay, in short na sa pinakadulong bahagi ng upuang inuukopahan ni Krissa dahil mataas na babae siya kagaya ko mataba nga lang ako. Kaya sumang-ayon na rin ako sa kanya na makipagswap ng upuan sa isang estudyanteng katabi niya. Mabuti na rin lang at hindi na umapila ang kaklase."Ayan. Sakto sa 'yo ang upuan." kaagad na pambungad ni Krissa sa akin sabayan pa ng isang masiglang palakpak."Ganoon? Nang-aano ka e." pabiro kong pag-angas kay Krissa
Kabanata 10"Bakit ka nandito?" pambungad na tanong ko sa kanya nang na sa pasilyo na kami nitong eskwelahan."Kakain," mahinang sagot niyang patuloy pa ring nakasunod sa akin.Napalingon naman ako sa kanya dahil sa kanyang naging sagot."Kakain? Bakit? Ako ba ang may dala ng pagkain na kakainin mo?" makahulugan kong pahayag.Hindi siya sumagot, kaya mas pinili kong sadyaing huminto para magpaiwan. At saka nang hindi na niya ako napansing nagpaiwan ay pinili kong ilihis a
Kabanata 11INIILING-ILING ko na naman ang ulo ko dahil sa naalalang mga pangyayari sa nakalipas na siyam na taon. Kahit anong pilit kong iwas na maalala siya, hindi ko pa rin talaga mawala sa isip ko at sa nakaraan ko ang lalaking nakasama ko sa iisang bahay sa loob nang tatlong taon. Kapag napunta ako rito sa favorite fastfood ko, naalala ko ang mga kahapon. Sa totoo nga lang, ngayon na lang ulit ako nabalik sa kainang ito. Akala ko kasi nakalimutan ko na talaga siya. Natawa naman ako na parang ewan sa aking naiisip."Bakit mo pa siya inaalala Triah! Hindi ka na talaga nadadala! Bakit siya
KABANATA 12Nagising ang diwa ko nang may mapansing kumakati sa kanang braso ko. Automatic rin na nagtaas ang kamay ko kahit na nakayuko pa rin ako. At malakas na tinampal ang kanang braso gamit ang kaliwang kamay ko. At! -PAK!-Marahan naman akong nagtaas ng ulo atsaka diretso ang tungo nang mata sa mismong parte kung saan ko tinampal ang makating naramdaman. At tama ang hinala ko, lamok ang may sala sa pagkati ng balat ko! Argh! I forgot to apply some mosquito free lotion!Matapos kong tanggalin ang lamok na dumikit at namatay
Kabanata 13May kuryente ang bawat titigan namin ni Esra. Hindi sana magpapatalo sa titigan ang isa sa amin nang biglang malakas na pinalakpak ni Direk ang kanyang mga palad at tumalikod na sa aming dalawa."Okay! Okay! Let's start the shoot na para matapos tayo agad! Edgar, pakitawag na sina Karmi at Jen sa office, sabihan mong bumalik na rito para maayosan na si Triah, atsaka si Lotlot na baklang mag-aayos rin kay Mr. Fuenteciville," Pautos na sigaw ni Direk.Nakatalikod na si Esra sa akin kaya may pagkakataon akong belatan siya at ismiran sa kanyang likuran. Nakakainis talaga ang lalaking ito! May balat ba ako sa pwet kaya ako minamalas? At siya ang kamalasan ko! Ano ba ito!Na
Kabanata 14Halos mag-iisang oras na ako rito sa sa loob nitong opisina ni Direk at kasalukuyan pa rin akong hindi mapakali. Hindi ko alam ano ang maaari kong gawin, lalabas na ba rito sa opisina at aaktong wala lang, o mag-stay lang rito hanggang uwian. Ano? Tapos na naman ang isang shoot for today. At ang next schedule ay- Shocks! Oo nga pala! May sasabihin pa si Direk sa amin ni Esra patungkol sa next schedule kung kailan ulit ang next taping. At kung saan na naman ang setting. Juskolord! Help me. Give me some courage na makahinga kung makita ko si Esra mamaya. Sana hindi ako mahiya. Teka nga muna Triah! Bakit ka ba umaaktong parang apektado? 'Di ba nga artista ka? So kaya mong kumilos na parang walang nangyari, kaya 'wag kang aligaga! Nasabi ko na lang sa aki
Kabanata 15Nakakabinging ugong nang isang sasakyan ang pumukaw sa aking napakahimbing na pagtulog. Umagang tapat! Nabubuwiset na ako! Siraulong driver iyon! Matignan nga't lalampasuhin ko ang mukha! Nagpunas na muna ako ng mata't mukha atsaka tinalian ko ang buhok para hindi mapagkamalang nakipag-away ng sabunotan.Hindi pa rin tumitigil sa pagbubusina ang naturang sasakyan at rinig na rinig ko pa rin ito hanggang dito sa may kusina. Nagsisipilyo kasi ako ngayon, ganito na tala