CHAPTER:24|KALEM POINT OF VIEW|Tamad akong nakatingin sa labas ng sasakyan ni dad habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.Lunes na ngayon pero hindi ko pa rin ulit nakikita si western Union dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik sa bahay. Hindi ko tuloy maiwasan hindi isipin na baka may nangyari sa kanyang masama no'ng gabing huli kaming magkita.Sa tuwing tatanungin ko naman si Dad ang isasagot niya lang ay ayos lang daw ito at umuwi lang daw muna sa kanila."Nandito na po tayo master Kalem." Saad ng tauhan ni dad na siyang nagda-drive matapos ihinto sa harap ng D.U ang sasakyan namin.Wala naman akong imik na bumaba ng sasakyan tsaka dire-diretsong naglakad papasok ng D.U. at syempre, hindi maiiwasan ang tilian ng mga babae."Dre!" Sigaw nila Mike habang tumatakbo palapit sa akin"Oh?" Walang buhay kong tanong dahil wala ako sa mood ngayon para magsalita ng magsalita."Narinig mo ba yung bali-balitang pinatay sila bon?" Natigilan ako dahil sa sinabi nilaM-ma
CHAPTER:25|THIRD PERSON POV|"Boss siya 'yon hindi ba? Yong babaeng Mayabang?" Usal ng isa sa tropa ni Juan nang makita nila sila Kalem na kasama si West at kasalukuyan ng papunta ang mga ito sa classroom nila"Siya nga! ang lakas ng loob niyang magpakita pa dito at worst dito pa siya mag-aaral." Galit na sagot ni Juan kaya niyakap siya ni Rose"Easy Babe, hindi ba mas maganda 'yon dahil mas mapapahirapan natin siya?" Ngisi nitong wika kaya unti unting nawala ang galit ni Juan kasabay ng pagguhit ng malademonyong ngisi sa labi nito."Tama ka dyan, Babe. Ang talino mo talaga." Ngisi niyang sagot "I know right." Proud na sagot ni Rose "Kaya lang, paano sila Mirco? Mukhang Kilala nila ang bitch na 'yon." Usal niya kaya ngumisi ulit si Juan"Edi, idamay natin sila, tatlo lang naman ang mga gagong 'yon at marami tayo kaya paniguradong wala silang laban sa atin." Mayabang na sagot ni Juan tsaka siya nito siniil ng halik.****"Nandito pala si Bigsis?" Agad na tanong ni Vico sa dalawang ka
CHAPTER:26|KALEM POINT OF VIEW|Nakabusangot akong bumaba ng sasakyan ni dad ng makarating kami sa harap ng D.U. "Bye Son." Hindi ko na pinansin pa si dad na nakangising pinaandar paalis ang sasakyan niya. Siya kasi ang naghatid sa akin dahil ang abnong si Western Union ay hindi bumalik kagabi.Kumunot ang noo ko ng makitang maraming estudyanteng nasa labas ng gate at panay ang reklamo.Ano kayang meron? Pst."No ID No Entry." Tumaas ang kilay ko matapos akong harangin ng gwardiya na sa tingin ko ay nasa edad 40 palang ng akmang papasok na ako sa gate ng D.U."Are you kidding me?! Kailan pa 'yan naging rules ng D.U?!" Iritado kong turan dahil wala namang ganyang rules ang D.U "Hindi kita niloloko ijo, sinabi 'yan ng Dean kaninang umaga lang, kita mo ba 'yong mga 'yon?" Usal nito tsaka itinuro 'yong mga estudyanteng nasa labas rin ng gate"Ofcourse! I have an eyes." Inis kong sagot"May sinabi ba akong wala?" Pabalang niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin "Wala rin silang ID
CHAPTER:27|THIRD PERSON POV|"Ako na ang o-order, just wait me here, baby." Ngiting wika ni West kay Kalem na hindi siya pinansin kaya naiiling siyang dumiretso sa counterPanay ang bulungan ng mga estudyante sa paligid nila. Nagtataka ang mga ito kung ano ba talagang relasyon nilang dalawa."Dre!" Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Kalem sa dalawang kaibigan na bigla nalang humawak sa balikat niya dahilan para magulat siya"Sorry." Peace sign na wika ng mga ito bago naupo sa tabi niya."Ang daya mo dre, iniwan mo kami." Ngusong saad ni Mike dahil iniwan sila ng kaibigan sa kanilang classroom sa pagmamadali na makalayo kay West na hindi naman nito nagawa"Pst." Tanging tugon niya"Here's your orders." Biglang dating ni West tsaka isa isang inilapag sa harapan nila Kalem ang binili niya"Binilhan mo rin kami? Thank you Ms.West." Ngiting wika ni Mike kaya tinanguan nalang siya ni WestTahimik silang kumain ng basagin ni West ang katahimikan."Do you want me to feed you, Baby?" Ma
CHAPTER:28|THIRD PERSON POV|"Hindi pa rin bumabalik si Bigsis?" "Hindi pa," Sagot ni Mirco"Saan kaya siya nag-punta?" Tanong ni Vico pero nagkibit balikat lang si Mirco"Hindi tayo nakalapit sa kanya, Bukas nalang?" Wika naman ni Dan kaya tumango sila Mirco."Pero nakita niyo 'yong kanina di ba? Yong mga pinaggagagawa ni Bigsis kay Kalem? Mukhang gusto niya si Kalem ah." Wika ulit ni Vico dahil nakita nila ang mga ginawa ni West kanina kay Kalem."Tsk, Hindi naman sila bagay." Usal ni Mirco kaya napangiwi sila"Pumunta na nga tayo ng HQ, sabi ni Boss Winston, may training tayo ngayon." Ani Dan kaya nagsimula silang lumakad palabas ng D.U pero napatigil sila ng makita si Kalem na pinapalibutan nila Juan"Tutulungan ba natin siya?" Tanong ni Vico"Tsk, Para kay Bigsis, Tara." Sagot ni Mirco bago sila maangas na lumakad palapit kila JuanLima ang mga ito kasama ang hipon niyang girlfriend na si Rose."Ano bang kailangan niyo?" Inis na tanong ni Kalem kay Juan.Kasalukuyan kasi niyang
CHAPTER:29|THIRD PERSON POV|Napabuga ng marahas na hangin si Kalem tsaka napag-desisyonan na bumangon dahil kanina pa siya hindi makatulog kahit anong pilit niya sa sarili.Lumabas siya sa kanyang kwarto tsaka pumunta sa kwarto ni West, Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari kanina pero isinantabi niya muna iyon dahil may gusto siyang itanong sa babae.Kahit nagda-dalawang isip ay kumatok pa rin siya sa pintuan ng kwarto nito"Pasok." Sagot ng babae kaya unti unti niyang pinihit ang door knob tsaka siya sumilipAgad niya namang nakita si West na nakasandal sa Headboard ng kama nito habang nakatuon ang attention sa librong binabasa nitoAkmang aalis siya dahil mai-istorbo niya lang ito pero agad na itong nagsalita"Come here." Wika nito tsaka siya nilingon kaya napaiwas siya ng tingin"D-did I disturb you? Aalis na ak—""Come here." Pagpuputol nito sa sasabihin niya at nang magtama ang paningin nila ay para siyang na hypnotize dahil kusang gumalaw ang mga paa niya palapit dito
CHAPTER:30|KALEM POINT OF VIEW|"Hahaha! pag-bigyan mo nalang kasi si West, dre." Ngising wika ni Harold tsaka ako tinapik sa balikat bago ito sumunod kay Western Union kaya napasinghal nalang akoPadabog akong sumunod dito kasabay si Mike na naiiling nalang habang nakangiti.Naupo ako sa palagi naming pwesto sa Cafeteria ganon rin naman si Mike samantalang 'yong dalawa ay dumiretso sa counter para mag-order."Pwede ba kaming maki-share?" Ngiting wika nila Vico na bigla nalang sumulpot sa harapan namin.Nagulat naman si Mike dahil nga kilala ang mga ito na Gangster sa D.U tapos bigla nalang lumapit ang mga ito sa amin.Hindi ko pa kasi na kwento sa kanilang dalawa ni Harold ang ginawang pagligtas sa akin nila Mirco kahapon."Sure." Sagot ko kaya nilakihan ako ng mata ni Mike pero nagkibit balikat lang ako."Nandito na ang orde—" Napatigil si Harold sa pagsasalita ng makita kung sino ang kasama namin sa table"Chill, Hindi kami manggugulo." Ngising wika ni Mirco ng makita ang gulat sa
CHAPTER:31|THIRD PERSON POV|"Damn it! It's gross!" Tili ni Rose at halos maiyak na dahil sa lagkit ng mukha niya.Ikaw ba naman ang masubsob sa menudo eh."Babe!" Ani Juan tsaka mabilis na dinaluhan si Rose at pinunasan ang mukha nito"I HATE YOU BITCH!" Galit na baling ni Rose kay West tsaka ito tumakbo palabas ng Cafeteria at malamang sa comfort room ito pupunta"Hindi pa kami tapos sayo babae!" Usal naman ni Juan tsaka siya matalim na tiningnan bago ito umalis para sundan ang kanyang girlfriend"Tch, Wala pa nga akong ginagawa, umalis na agad sila?" Ani West sa kanyang sarili tsaka umilingMukhang hindi pa ito ang tamang araw para gumanti siya sa mga kupal na 'yon dahil sa ginawa nito sa kanya at sa kanyang Asawa."Pfttt! that's funny." Natatawang ani Harold tsaka sila nag-apir ni Mike samantalang napailing naman si Kalem tsaka ito huminga ng malalim dahil sa wakas umalis na sila Juan pero alam niyang hindi pa tapos ang mga ito sa kung ano mang binabalak nila."Gusto mo bang bugb