Share

Chapter 8

KAI woke up early the next day. Matapos niyang  linisin ang kanyang sugat ay sakto namang pumasok si North sa kanyang silid.

“The prince is awake. I'm on my way there. Dumaan lang talaga ako dito para ipaalam sayo.”

Gulat na tumayo si Kai at lumapit sa kanya, “I'll go with you.”

Tumango naman si North saka sila naglakad patungo sa silid ng prinsipe.

“Good morning, Your Highness.”

Nanatiling nakatago sa likod ng malaking pintuan si Kai habang naghihintay na marinig ang boses ng prinsipe.

“How was he? Did he get back safely?”

“I'm sorry, Prince Sebastian. But—”

Nakataas ang kilay na tumingin si Sebastian kay North. “But what?”

North exhaled deeply before looking at Kai, mouthing him to get inside.

“Your bride is still here.”

Lumulunok na pinasok ni Kai ang silid ng prinsipe.

Ang kanina'y matamlay na mukha ng prinsipe ay mabilis na napalitan ng pagkagulat. Shock was evident on Sebastian's face and both of them saw it.

“W-What are you doing here?”

Kinakabahang tiningnan ni Kai ang prinsipe. Why the hell am I nervous? Goodness!

“Why?” Kinakabahan man ay pinilit ni Kai na taasan ng kilay ang prinsipe. “So what if I'm still here?”

Mabilis na nairita ang prinsipe sa inastang iyon ng binata. 

“I'm asking you clearly, Kai. I thought you wanna go home? Eh, bakit andito ka pa?” Anito na may inis sa tono.

North faked a cough and excused himself bago tinapik ang balikat ni Kai.

‘What the hell is wrong with him? Bakit ba siya nagagalit? I can't understand him! Dapat nga magpasalamat pa siya dahil mas pinili kong manatili kesa sa iwan siyang nakahandusay at duguan! Tangina niya.’ 

Kai tsked. “Wag kang mag-alala, uuwi rin naman ako. Just wait. Hindi rin magtatagal at aalis na talaga ako rito.”

Sebastian smirks while looking at him. “See? Gusto mo rin naman palang umuwi, eh, bakit hindi ka na lang kasi umuwi?”

“Stupid b*stard.” Kai scoffed saka padabog na umalis sa silid ng prinsipe.

Sebastian stared at his room's door. ‘What the f*ck.’

Naiinis na ipinikit ni Sebastian ang mga mata trying to not lose all his patience. 

“If he wants to f*cking leave, then he should've left!” He can't believe him! 

Seeing him would just make everything worse. He hates seeing him around knowing na aalis din naman pala siya. 

“Haah. . .”

He waited so long to see him again. And seeing him here and him staring like some kind of an idiot is just. . .

“D*mn it!”

“Your Highness?”

Sebastian look up and saw North. 

“Why is he still here, North? I thought he left?”

North sigh, “I told him to leave before the portal closes pero masyadong matigas ang ulo niya. Now he'll have to wait before the portal would once again open.”

Sebastian sigh.

“What about you, Your Highness? This was your idea at the very beginning. Akala ko ba gusto mong makitang muli si Kai?”

“I do,” tipid na sambit ng prinsipe.

“Then why are you pushing him away? Siya na nga 'yung pumiling manatili na lang dito para masiguradong maayos ang kalagayan mo.”

Sebastian shakes his head, “He'll leave anyways. What's the point?”

“Sabihan na kita dati pa kung ano ang mga posibleng magiging kahinatnan ng plano mo, mahal na prinsipe. And Kai leaving, is expected. Kaya dapat ay inaasahan mo na rin na ganyan talaga ang posibleng mangyari.”

Sebastian looks away, “So you're saying?”

North rolled his eyes. “What I'm saying is.. instead of pushing Kai away, why won't you just be with him even for the shortest time. Malay mo magbago ang desisyon niya. Gusto niyang makaalis sa mundong 'to but he chooses to stay for you. This is your second chance, Your highness. Just be with him, this is what you want, right? To be with him, again? We don't know when the portal will open. You might regret not spending time with him. And it'll be all a total waste.”

Sebastian sigh. “F*ck. . .”

“Anyways, your breakfast will be served in two minutes. I'll be on my way, Your Highness. Just call me if you need any help.”

Sebastian nodded his head and wave, dismissing him.

AFTER having his breakfast Kai made his way to the palace's garden. He finds comfort just by staring and appreciating every flowers.

He still couldn't forget how Sebastian's eyes gleamed with anger when he went inside his room and asked why the hell he was still here. 

“Idiot,” he muttered.

Wala sa sariling tumitig si Kai sa mga nakatanim na mga rosas saka siya umupo at pinagmasdan iyon nang biglang may naglahad sa kanya ng puting rosas.

Kai looked up and saw a beautiful maiden na nakangiting nakatingin sa kanya habang inilahad ang puting bulaklak. Smiling, Kai accepted the roses.

“Hi. What's your name?”

Nagniningning ang matang tinitigan siya ng dalagang babae saka ito tumuwid ng tayo.

“Ako nga pala si Khaila.” Anito na animo'y natutuwa pa.

“I'm Kai. It's nice to see you.” Aniya sabay lahad ng kamay.

Halata ang tuwa at galak sa hitsura ng babae matapos nitong tanggapin ang kanyang kamay habang pinapkinggan ang boses ng lalaki.

“Naglilinis po kasi ako sa hardin nang makita kita rito. Natutuwa po ako't nakita na rin kita sa wakas! Grabe, ang ganda niyo po! " Anito at hindi na napigilan pang magsalita. 

Huli na nang mapagtanto ng babae ang ginawa saka mabilis na yumuko. Napatawa na lamang si Kai sa naging asta ng babae.

“Pasensya na po.” Anito sabay kamot sa ulo. “Masyado lang po kasi along natutuwa. Matagal na rin naming hinihintay na makita po kayo. Saka excited kaming makita ang kabiyak ng mahal na prinsipe, syempre.”

K-Kabiyak?

Kai smiled awkwardly at her saka hinaplos na lamang ang puting bulaklak. “Ang ganda talaga ng hardin sa palasyo.”

Nakangiting tumango-tango naman ang babae sa kanyang sinabi saka nagsalita. “Mm. Syempre dapat lang! Matagal-tagal na rin kasing nabuhay ang hardin na ito sa palasyo. Bata pa lang ako palaging kinukwento sa akin ng ama kong hardinero kung paano ito inaalagaan ng yumaong ina ng mahal na hari.”

Kai looked at her.

“Talaga? Mabuti naman at inaalagaan pa rin ito hanggang ngayon.”

“Mahigit po talaga naming inaalagaan ang naiwang alaala ng yumaong mahal na reyna bilang utos na rin ng hari, ang kanyang anak.”

Mabilis na inilibot ni Kai ang tingin sa hardin. Ganoon na lamang ang paghangang naramdaman niya sa mga hardinero ng palasyo dahil sa ibayong sipag nito para mapanatili ang kagandahan ng napakalaking hardin.

“Alam niyo po ba na dito rin noon palaging naglalaro ang mahal na prinsipe? Si prinsipe Sebastian?”

Muling ibalik ni Kai ang paningin sa babae. 

“Noon kasi, palagi niyang kalaro ang yumaong ina ng mahal na hari dito sa harding ito. Napakasaya ng mga panahong iyon.” Anito na animo'y binabalikan pa ang alaala noon.

“Nagbago lang ang lahat matapos mamatay ang mahal na reyna, ang ama ng hari. Syempre, nalungkot lahat ng mamamayan sa kaharian. Nang mamatay ang lola ng mahal na prinsipe, nahirapan kaming palabasin ito sa kanyang silid. Malimit lamang itong kumakain saka palaging nasa mga aklat ang paningin.” Malungkot nitong tugon.

“Ang dating masayahing prinsipe na meron kami noon ay biglang nawala. Hanggang ngayon, himala na lamang kung ngingiti ang mahal na prinsipe. Nakakalungkot lang.”

Bigla ay nakaramdam ng awa si Kai kay Sebastian matapos marinig ang kwento ng babae. 

“Bakit namatay ang lola ni Sebastian?” Tanong niya.

Malungkot na tumingin sa kanya ang babae. “Wala rin pong may alam maliban sa mahal na hari at ang pamilya nito. Inilihim iyon ng pamilya. Pero ang dinig ko'y inatake raw ito sa puso, syempre, hindi ako naniwala ron 'nung una. Pero kung ano mang dahilan, nakakalungkot pa rin isipin kahit hanggang ngayon. Malaking parte rin kasi sa pagkatao ng prinsipe ang kanyang lola. Silang dalawa kasi ang pinakamalapit sa isa't-isa.”

“How about Sebastian's mother? Hindi ko pa siya nakikilala hanggang ngayon.”

Pero hindi na nakasagot pa si Khaila nang biglang may tumawag kay Kai. Nagugulat na tiningnan ni Kai ang tumawag sa kanya. It was Sebastian.

Dali-daling napatayo si Kai nang mabilis itong humakbang papalapit sa kanya.

“What the hell are you doing here? Hindi ba't sinabi ng doktor sayo na huwag ka munang lumabas sa iyong silid?”

Ngunit hindi siya pinansin ng prinsipe at seryosong nakatingin lamang ito kay Khaila na ngayon ay nakayuko na.

“Why are you two talking to each other?” Anito sa napakaseryosong boses.

“P-Pasensya na po.” Ani Khaila saka nanatiling nakayuko.

“H-Hey. . .” Sambit ni Kai habang tinatapik si Sebastian na seryoso pa ring tumingin sa dalaga. “Hey! You're scaring her! Nag-uusap lang naman kami. Wala namang masama 'ron.”

Sebastian sigh. “I know. Come with me.”

“Huh?”

Ngunit hindi na nagawa pang umangal ni Kai nang mabilis siyang hinila ni Sebastian sa palapulsuhan patungo sa kung saan.

Kai looked back and waved his hand goodbye to Khaila na ngayon ay nakangiti ng nakatingin sa kanilang dalawa saka pumapalakpalakpak pa.

Habang hinihila, mabilis na nagbago ang hitsura ni Kai when he felt the stingy feeling from his hand.

“F*ck! B-Bitawan mo ako! Masakit!”

Sebastian instantly loosened his grip before finally releasing Kai's hand.

“Ouch. . .” Ani Kai habang hinahaplos-haplos pa ang pulsuhan.

Lumapit si Sebastian sa kanya saka kinuha ang isa niyang kamay saka nagpatuloy sa paglalakad.

“Saan mo ba kasi ako dadalhin?”

“Let's head to my room first, gagamutin ko muna iyang sugat mo.”

Hindi na lamang umimik si Kai at sumabay na lamang sa paglalakad habang hawak pa rin nito ang kanyang kamay.

Nang makarating ay agad na ginamot ni Sebastian ang namumulang parte ng kamay na iyon ni Kai.

“I'm sorry.” Sebastian muttered habang ginagamot ang pulsuhan ni Kai.

“It's fine. Hindi naman gaanong masakit.” Ani Kai habang nanatili ang paningin sa kamay nitong ginagamot ni Sebastian. 

“I acted rudely. I'm sorry.”

Iniangat ni Kai ang paningin ngunit nanatiling nakapokus sa paggamot ang prinsipe. Kapansin-pansin pa rin ang mga galos sa katawan nito.

“Tsk. Did the doctor allowed you to leave your room? Kitang-kita pa rin ang galos sa kamay mo at leeg.”

“I'm okay now.”

Nakataas ang kilay na tiningnan niya ang prinsipe. 

“Yeah. Whatever you say.”

Matapos siyang gamutin ay muling inilahad ni Sebastian ang kamay niya kay Kai saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. 

“Wanna come with me?” Sambit ni Sebastian sabay lahad ng kamay.

“Where?”

“Outside the palace.”

Agad na nanlaki ang mata ni Kai matapos iyong marinig.

“So, do you wanna come?” Anito nang nakangiti saka iminuwestra ang kamay na nakalahad. “I'll hold you gently this time.”

Kai doesn't know what to say. It was weird how his heart was pounding eratically. He doesn't know if it was because of Sebastian's invitation or because of the way Sebastian said those words. And instead of saying no, his heart chooses the opposite and accepted his hands.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status