Share

Chapter 26

Pagkatapos naming maligo ay umakyat na kami sa kwarto namin. Bagsak na nakatulog agad ang mga bata nang matapos magbanlaw. Nag order na lang din ng pagkain si Craine sa kwarto dahil hindi din namin sila maiwan dito. Kaming tatlo na lamang ni Nanay at Craine ang gising. Pagkatapos namang kumain ay nauna nang matulog si Nanay.

“Gusto ko sanang pumunta doon sa mini bar sa rooftop.” Nakangusong lumapit sa akin si Craine at hinawakan ang kamay ko. “Samahan mo ako, please. Hindi naman tayo magtatagal.”

“May mini bar sa taas?” nagugulat kong tanong na kinatango niya.

Dahil na din sa kuryosidad ay sumama ako sa kanya. Pagdating sa taas ay nabigla ako. Totoo ngang may mini bar doon. May swimming pool din sa gitna. Hinila ako ni Craine patungo sa kung saan. Hindi ko iyon napagtuunan ng pansin dahil patuloy akong namamangha sa nakita.

Maraming tao doon. May naliligo at sumasayaw sa isang gilid kung saan may roong umiilaw doon. Umawang ang labi ko nang may makitang naghahalikan sa pool. Akma n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status