Share

Kabanata 35

Isang linggong walang pasok. Kaya gano'n na lang ang tuwa ko dahil binigyan kami ng suweldo na halos doble sa pinakamalaking suweldo ko noon. Nagdadalawang-isip pa nga ako pero buo na rin ang desisyon ko na bisitahin sina mama sa probinsya, sobrang kabado ako dahil ngayon ko na lang ulit sila makikita sa halos isang taong pag-ta-trabaho ko rito.

Inayos ko na agad ang maleta ko, naroon ang mga pasalubong kina mama at sa mga kapatid kong maliliit, paniguradong magugustuhan nila iyon, paborito pa naman nila ang mga laruang barbie, dahil hindi sila nakaranas nito.

"Grabe, dinaig ang OFW," anas ni Maylene kaya ako napatawa.

"Ngayon ko lang naman ulit sila makikita, e. At saka okay na rin ito, may kikitain pa naman ako. At saka babalik din ako rito sa linggo ng gabi," sabi ko saka tumayo. "Pakisabi kay Jona na mauuna na ako, ah?"

"Keri lang, at saka siya nagsabi na gisingin ka ng maaga para makapag-asikaso ng sarili. Anyway, nandiyan na ang boyfie mo, punta ka na," ngiting sabi niya at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status