Share

Chapter 44

CALLIE IVIANNA

Dahil sa pagod ko sa panganganak ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Ngunit bigla rin naman akong nagising dahil narinig ko ang pag-iyak ng anak ko na si Zoe Celestine.  Kinausap ni Jameson ang doktor na kung pwede ay huwag nang ilagay sa nursery room si Zoe dahil mas gusto niyang natututukan niya ito.

Napalingon naman ako sa kabilang bahagi kung saan natutulog si Jameson, nakaupo sa tabi ko at hawak-hawak ang aking kamay. He was leaning on the side of my bed and snoring. Palihim akong napangiti habang pinagmamasdan ang payapa niyang mukha. Mukhang siya pa ang napagod kaysa sa akin dahil ang sarap at ang lalim ng tulog niya.

Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya para sana malapitan ko si Zoe at mapatahan ito sa pag-iyak, kaso ay mukhang nagising ko ata siya dahil bigla niyang iniangat ang kanyang ulo habang nakapikit pa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status