Share

Chapter 5

CALLIE IVIANNA

"Cal?" a familiar voice called me. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. My vision was still blurry that's why I kept on blinking hanggang sa maging klaro na ulit ang paningin ko. "Thank goodness, you're awake now," he said as he slowly flashed his smile.

Inilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng kwarto. I am in the hospital. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Nagtataka ako kung bakit si Caelan lamang ang kasama ko rito ngayon but then a sudden realization hit me.

I started to cry again nang maalala ko ang nangyari sa pamamahay ng mga Alcantara. Naalala ko kung gaano kagalit sila Mommy at Daddy sa akin. Naalala ko ang mga huling salitang binitawan ng mga magulang ko sa akin. I suddenly felt a warm embrace from someone while I was shedding a lot of tears. Caelan. Siya lang ang nandito ngayon. Wala ang mga magulang ko, wala ang mga magulang niya.

"Hush now, Cal. I'm here," he uttered while patting my back. "You got me, Cal. Tahan na. It's not good for the baby."

Hindi ko na inisip kung gaano kawirdo ang ganitong sitwasyon naming dalawa ni Caelan. Hindi kami halos nag-uusap noong nasa kolehiyo pa kami, ni hindi ko rin siya halos nakakasama araw-araw noon. Ang iniisip ko lamang ay kung paano ako makakahingi ulit ng tawad sa mga magulang ko, at kung paano na akomagpapatuloy sa buhay ko sa mga susunod pang araw na dadaan.

A doctor suddenly came in and Caelan immediately broke the hug. Isang tipid na ngiti ang kanyang ibinigay sa akin nang magtama ang aming mga mata. "I'll go out to buy some food for you. Babalik ako kaagad."

Tumango na lamang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas siya dito sa kwartong ito. The doctor walked towards me and she checked my vitals. Hindi ako umiimik. Hinintay ko lang na matapos ang doctor sa kanyang ginagawa.

"You fainted awhile ago. Mabuti at naidala ka agad dito sa hospital, hija," sambit ng doktor. "Is he your husband? He was so worried. He almost screamed dahil natagalan pa bago ka asikasuhin ng isa sa mga nurse namin dito."

Yumuko ako at umiling. Why would he even do that? "H-Hindi po. Hindi po siya ang ama ng ipinagbubuntis ko," sagot ko sa tanong ng doktor. Kita ko naman kung paano siya napakagat ng kanyang pang-ibabang labi at tumango-tango na lamang.

"Anyways, you should not stress yourself, Mommy. Kailangan mo mag-dobleng ingat, though the baby is strong and healthy," aniya habang tinitignan ang chart na hawak niya. "Pwede ka nang makalabas dito if you feel better."

I nodded at pilit na ngumiti sa doktor na kausap ko, "S-salamat po, Doc."

Ilang  sandali pa'y dumating na rin si Caelan na may dalang dalawang paper bag. Umalis na rin ang doktor pagkatapos niyang maghabilin ng mga bagay na dapat kong iwasan, at kung ano ang iba pang gagawin ko na makabubuti sa aming dalawa ng--- ng anak ko.

"How are you feeling?" Caelan asked me while he was taking the food out of the paper bag. "Do you still feel nauseous? Do you feel like vomiting? You know, you can tell me---"

I shut him off. "I'm fine, thanks for asking," sagot ko sa kanya. "Y-you know, you don't have to do this. May mga babae namang akong kaibigan na pwedeng mag-alaga sa akin dito. Hindi mo na kailangang magsayang ng oras dito sa---"

"Even though you are not my responsibility ay hindi ko rin naman hahayaan na nakahandusay ka lang sa sahig noong nawalan ka ng malay." Natigilan ako sa sinabi niya. "Oo, hindi tayo ganoon ka-close, but let me just help you, Cal."

I bit my lower lip. Hindi na ako makaimik dahil sa mga sinabi niya. Nilingon niya ako saglit at muling binigyan ng isang tipid na ngiti saka niya itinuloy ang paghahanda sa mga pagkaing binili niya. Inilagay niya ang mga iyon sa isang tray saka niya ipinatong sa ibabaw ng higaan ko. Naupo naman ako ng maayos para hindi ko masagi ang tray at matapon ang mga pagkain.

"You should eat a lot," he said as he took a  bite of his food, too. "I also bought fruits for you. Medyo marami ito. Hindi ko kasi alam kung ano'ng mga prutas ang gusto mo at ang pwede sa'yo."

I nodded at him and gave him an awkward smile. "Thank you, Caelan. Pero sobra na ata ito. Hindi mo naman talaga kailangang gawin ito---"

"A simple thank you is enough for me," nakangiti niyang sabi sa akin while his mouth was stuffed with food. "Kumain ka na para makapagpahinga na ulit ng konti bago ka makauwi mamaya."

I put down the spoon and fork and smirked. Hindi ko nga alam kung saan ako uuwi. Sa mga oras na ito, alam kong inihanda na nga nila Mommy ang lahat ng gamit ko. Alam kong desidido na rin sila sa naging desisyon nila. Pilit kong nilalabanan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko, pero hindi ko magawa.

Caelan stopped from eating and went straight to me. He placed his hand on my shoulder, "Cal..."

"Hindi ko alam kung saan ako uuwi," iyan lamang ang tangi kong nasabi sa kanya. "W-Wala na akong uuwian, Caelan."

He gave me a hug again. Hindi ko alam kung ilang beses na niya itong ginawa sa akin ngayong araw, pero ito ang kailangan ko sa mga oras na ito. Ito ang gusto kong maramdaman ngayon. Isang yakap lang.

"I'll help you, Cal," he uttered and broke the hug. He leaned towards me and looked straight into my eyes. "Let me help you. You can stay in my condo. Hindi ko na napupuntahan iyon for almost a year. Pwedeng pwede ka roon mag-stay, Cal."

Agad naman akong tumanggi sa kanyang alok. "N-no, Caelan. Ayoko. Sa'yo iyon, hindi mo na ako kargo. Hindi mo na kailangang gawin 'to sa akin. H-hindi ako papayag."

He sighed. "And where will you stay?" nag-aalala niyang tanong. "Where will you stay?"

"I'll stay at my friend's condo," I answered while sobbing. "Doon ako, Caelan. Pansamantala, hangga't hindi pa ako nakakahanap ng sariling matitirhan." Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. "A-ayokong maging abala sa'yo."

He heaved out a sigh again and he stood up straight while looking at me. "Okay. But please, just allow me to help you, okay? I already offered you my condo just in case hindi ka maging komportable doon sa tutuluyan mo. I-ihahatid na rin kita papunta roon."

"Salamat," sambit ko sa kanya. "Maraming salamat, Caelan."

He pursed his lips at ilang minuto muna niya akong tinignan bago pa man siya muling nagsalita. "W-what are you going to do next?" tanong niya na ikinabigla ko.

Nagkibit-balikat naman ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko. Ayokong isipin niya na gumagawa lamang ako ng kwento. Ayokong isipin niya na sinisiraan ko lang si Jameson. They are best friends, or more like brothers.

"M-maybe... Maybe I'll talk to him," iyan na lamang ang sinabi ko sa kanya.

He suddenly furrowed his eyes. "Who?"

"The father of my... child," sagot ko naman. "I-I'll talk to him and will tell him about... about this."

"But it's not that easy, Cal," sambit naman niya sa akin. "Do you know him? Do you know where he lives?"

Oo. Kilala ko, at kilalang kilala mo rin. I wanted to tell him that, but my mind tells me the opposite. "I-I know him," nauutal kong sabi sa kanya. "I know him. I-I know it's not that easy to talk to him but I won't let him escape from this. Caelan, h-hindi ko yata kayang walang kikilalaning ama ang anak ko sa paglaki niya."

"B-but what if he won't believe you?" tanong niya.

I sighed. Alam ko namang ganyan ang magiging reaksyon niya kapag kinausap ko siya at sabihin ang totoo. "B-bahala na," I replied.

Bahala na, dahil hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko pinag-iisipan ang gagawin ko. Kaya, bahala na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status