Share

CHAPTER FOUR

{Kevier's POV}

Pabalang na itinulak ako ni Manly. Wag niyang sasabihin na papatulan niya ang babaeng yan?

Shit! 

They don't know how dangerous she is. 

Lumapit si Manly kay Ksatreyah saka tinitigan ito sa malapitan.

Sinuri nito nang mabuti ang mukha ng demonyitang nag-babalatkayo.

"So ikaw pala 'yun. Hindi ko alam kung kilala mo ako pero dapat ka ng matako-uckhhh"

Napaugok si Manly nang bigla nalang ito gawaran ng suntok ni Ksatreyah sa mukha. 

"Isang tao lang ang kinatatakutan ko. At hindi ikaw yun.."

Sabay nun ang pagsugod ni Ksatreyah sa mga kasama ni Manly.

Hindi ko alam kung paanu niya nagawang na-ipatapon ang mga hawak ng mga ito na baseball bat. 

Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Merong isa na iniinda ang sakit ng tagiliran.

Meron namang isa na halos di na makatayo dahil sa pagkabali ng binti nito.

Merong isa na napaatras nalang.

And now,

Ksatreyah slowly walking towards Manly as if nothings happened.

"Ngayon mo sabihin na dapat akong matakot sa'yo."

Malumanay na sabi nito.

Namilog ang mga mata ko nang bumunot siya ng baril sa jacket na suot niya.

Shit! 

Hindi ito maganda.

Kaagad akong pumagitna sa kanila.

Hindi makapaniwala ang mukha ni Manly habang nakatitig kay Ksatreyah na ngayon ay may hawak ng baril.

"Please.. Ksatreyah let them go."

Pakiusap ko dito.

Ayaw kong masaktan si Mia oras na may mangyaring masama sa kuya nito.

Nilingon ko si Manly na ngayon ay sapo-sapo ang sikmura nito.

Sininyasan ko ang mga itong umalis na.

Bago ang mga ito umalis ay isang napakatalim na titig muna ang iginawad ni Manly kay Ksatreyah..

At tuluyan nang umalis sakay ng mga motorsiklo ng mga ito.

Nakahinga ako nang maluwag saka isa-isang tinignan ang nagkalat na baseball bat sa semento.

Mabuti nalang talaga at walang taong dumaraan at nakakita.

Kundi naisyu na sana ang bahay namin.

"Look what you've done!"

Inis na bulyaw ko dito.

"I'm just protecting you."

Tipid na sagot nito.

"T*ng ina Ksatreyah! Hindi mo sana siya sinaktan!!"

"At bakit hindi? Muntik ka na niyang saktan."

Talagang matigas ang ulo niya.

"Kahit na! Kuya siya ni Mia!"

"Wala akong pakialam kung sinu man siya. Lahat ng mananakit sayo ay pagbabayarin ko. And besides, wala parin siyang karapatan para saktan ka."

"Damn!! Ikaw? Anung karapatan mo para saktan ako?!"

Lumapit pa ako sa kanya at niyuko ang mukha niyang nanatiling nakatitig sa mga mata ko.

"Kailanman ay hindi kita sinaktan--"

"Anung tawag mo sa pang iipit sa'kin?! Sa pananakot sa'kin na sasaktan mo si Mia oras na makipagkita ako sa kanya? Tingin mo hindi ako nasasaktan dun?! Ha?! Mia is my life Ksatreyah! At hindi mo na mababago yun!"

Sabay talikod ko sa kanya.

Pero anu nga naman ang aasahan ko.

Susundan at susundan parin niya ako sa kabila ng mga sinabi ko.

Pumasok ako sa kwarto at akmang e-lock ito nang bigla nalang siyang pumasok.

"Talk to me."

Mababa ang boses niya na tila ba nagtitimpi lang.

Hindi ko alam pero ilang segundo lang ay nasa harap ko na siya at itinulak na naman ako sa kama.

"I'm going to teach you a lesson."

Turan niya sabay ng paghubad ng kanyang saplot.

Lumantad sa'kin ang mukha niyang puno ng pasa.

Kaagad siyang pumaibabaw sa'kin at binigyan ako ng mariing halik sa labi.

"Tell me that you love me, Kev.."

Anas niya sa pamamagitan ng paghalik sakin.

"Please.."

That was the first time I've heard her beg. .

"Obsessed kana Ksa--"

Nahinto ako sa anumang sasabihin ko nang muling angkinin niya ang labi ko.

And this time,

I kissed her back.

Pero hindi yun isang maingat na halik.

Merong diin dun sa halik ko dahilan ng pagbuka ng pasa niya sa labi.

I tasted the blood of evil.

Alam kong nasasaktan siya.

Lalong-lalo na ng hawakan ko nang mahigpit ang likod ng ulo niya at sabunutan siya sa buhok habang pinapalalim ang halik.

"This is what you want right?"

Tinignan ko siya sa mga mata upang makaramdam lang ako ng kakaiba.

Her eyes intently looking at me, 

At hindi nakatakas sa paningin ko ang isang butil ng luha na tumulo mula sa kaliwang mata niya.

Her eyes.

Full of sadness.

Na ngayon ko lang napansin.

{Ksatreyah's POV}

Hindi ko napigilan at tumulo ang isang butil ng luha na kanina ko pa pinipigilan.. Traidor! 

Napayuko na lamang ako.

Ayuko magpakita ng kahit na anung kahinaan.

'Ksatreyah, lumaki kang matapang, Hindi isang duwag kaya wag kang umiyak.'

Pero hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng taong nakapaligid sa'kin ay nag-iisa lang ang kahinaan ko. 

At yun ay ang lalakeng ngayon ay itinulak ako at walang ano-anung lumabas ng kwarto niya.

Siya lang ang kaisa-isang lalakeng nananakit ng damdamin ko at hindi ko yun kayang ibalik sa kanya. Although sinabi niyang nasasaktan siyang iniipit ko siya, 

Pero hindi parin yun matutumbasan ang sakit na iniinda ko sa araw-araw ng pag gising ko.

Anu bang mali? 

Minahal ko lang naman siya.

At ang masaklap pa, 

I love him more than I love myself.

But he didn't even bothered to ask kung napanu yung mga pasa sa mukha ko,

'You're nothing to him, Ksatreyah. So wag kang mag expect na mag-aalala siya para sayo.'

Bumaba ako sa kama niya at lumabas na. 

Hindi ko na muna siya aabalahin.

Bumaba ako at nadaanan siya sa sala. 

Ni hindi niya ako tinitignan.

And that really hurts me a lot.

I was about to open their main door ng bumalik ako sa kinaruruonan niya at humalik sa noo niya.

"I have to go."

Pagkuway binigyan ko siya ng isang pekeng matamis na ngiti.

As if walang nangyari.

As if hindi ako naaapektuhan.

Ngunit mas lalo lang lumalim ang gitla sa noo niya at nagkasalubong ang makakapal na kilay nito.

Ni hindi parin ako tinitignan.

Dumiretso na lamang ako sa pinto saka tuluyan ng umalis.

Narating ko ang bahay ng may pagtataka.

Meron isang di pamilyar na sasakyan na nakaparada sa garage.

Baka bisita ng mga magulang ko. 

Dire-diretso lang ako sa loob ng may tumawag sakin sa malaking sala ng groundfloor. 

"Hija, Glad you're here. May bisita ka.."

Nakangiting sinalubong ako ni mom at iginiya sa sofa kung saan tumayo ang isang di pamilyar na lalake.

"Hija, meet Diel Montero, He's going to be your d--"

"I don't need him."

Yun lang at lumakwatsa na ako papasok sa elevator.

Ayuko mang maging bastos pero wala ako sa mood ngayon.

Hindi paman nagsasara ang elevator ng pigilan yun ng mom ko.

"Ksatreyah, what happened to your face?!"

Napatiim bagang ako ng mapansin nito ang mga pasa sa mukha ko.

"Come.."

Hinila ako nito palabas ngunit binawi ko yung braso ko.

"I can handle myself mom. Don't worry." 

Tinakbo ko na lamang ang hagdan para hindi na ako sundan nito.

Hindi ako mabuting anak. 

Pero hindi naman ako masama.

Gusto ko lang magrebelde dahil sa kalagayan ko.

Dumagdag pa si kevier na walang ibang ginawa kundi itaboy ako.

Hindi siguro siya makapaghintay na mawala na ako sa buhay niya.

Buong araw akong natulog at di na nag abalang lumabas upang kumain.

At kinabukasan nun ay maaga na naman akong umalis para bulabugin ang mahal kong kevier.

Medyu nabawasan nadin ang mga pasa sa mukha ko kaya isang simpleng Dress ang isinuot ko. Nilagyan ko nalang ng concealer ang ibang pasa para di na masyadong halata.

And as always,

Nadatnan ko si kev na masaya habang may kausap sa phone nito.

Alam ko kung sino ang kausap nito.

So I grab his phone saka yun isinilid sa sling bag ko.

"What the h--"

Napasabunot pa ito sa buhok.

"Lumabas tayo."

Aya ko dito at pilit pinapakalma ang sarili.

"Ayuko."

Matigas na saad nito.

"Gusto ko. Kaya wala kang magagawa."

Hinila ko pa siya pero nanatili siyang nakatuod.

"Ibalik mo muna yung phone ko."

"Lumabas tayo."

"Ibalik mo nga muna yung---"

"Papayag akong makipagkita ka kay mia. Yan ang reward mo."

Natigilan ito at tila ba hindi makapaniwala sa narinig.

{Kevier's POV}

Panay ang mga matatalim na sulyap ko kay ksatreyah habang nag da-drive ito. Naisahan na naman n'ya ako.

Tsk

Sana lang talaga tumupad siya sa sinabi niyang papayagan niya akong makipagkita kay Mia mamayang hapun. 

Ni hindi ako umimik sa byahe. 

Wala akong pakialam kung san man ako dalhin nito.

Basta ang gusto ko lang bumilis ang oras at matapos na ang araw.

Hindi ko alam pero kapag'ka siya talaga 'yung kasama ko, parang gusto ko nalang tumakbo palayo.

Naiirita ako at gustong-gusto kong ipamukha sa kanya na sana lubayan na niya ako. 

Na sana tigilan na niya ang kabaliwan niya.

Bakit ba kasi nakilala ko pa siya?

Nasa ganu'n akong pag-iisip nang pumarada ang sasakyan sa isang sikat at napakagandang beach resort.

Wag niyang sasabihin na may balak siyang mag swimming dahil wala ako sa mood ngayon. 

Well palagi naman akong wala sa mood eh, 'pag kasama siya.

Bumaba na ito at pinagbuksan pa ako ng sasakyan. 

Tss. 

Bumaliktad na pala ang mundo ngayon,siya na 'yung lalake.

Disgusting.

Ilang saglit pa ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa isang naka-reserve na table at kaharap si ksatreyah.

Nakaharap yun sa dagat at kahit papa'nu ay na re-relax ako sa simoy ng hangin.

Ibat-ibang pagkain ang naka-hain pero nawawalan lang ako ng gana.

Nilagyan ako nito ng pagkain sa plato saka bumuntong hininga. 

Ramdam ko ang bigat du'n sa pag-hinga niya pero di ko pinansin.

Bahala siya.

Kung sa tingin niya ay makikipag-sabayan ako sa kahibangan niya ay bahala siya.

"Are you really that desperate para layuan kita? Ang ipakita sakin na ayaw mo sa lahat ng ginagawa ko?"

Rinig kong saad nito na ngayon ay uminom ng tubig.

"Let's have a deal."

Dugtong nito ng hindi parin ako umiimik.

Umangat ako ng tingin dahilan ng pagsalubong ng mga mata namin.

"Anong deal?"

Walang kagana-ganang sagot-tanung ko dito.

"Come- "

Hindi ko alam kung ba't biglang natigilan ito pagkuway tumayo at naglakad ng mabilis.

Sa'n naman kaya pupunta 'yon?

Napailing na lamang ako pagkuway umismid.

Ilang minuto pa bago ito bumalik.

Wala na akong nababasang kahit na anong emosyon dito.

Umupo ito sa pwesto at muli akong hinarap.

Ni hindi ko tinanong kung anu ang ginawa nito.

Hindi din naman ako interesado.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status