Share

Chapter 43

20 of May (Fiesta)

“Let’s go and watch, Ary! May kilala ako sa maglalaro sa plaza ngayon.” Sabi ni Ivory dahil may maglalaro ng basketball mamaya sa plaza at nakita nila ang poster ng mga players.

Kumunot naman ang noo ni Ary at nagtatakang binalingan nang tingin si Ivory. “Sino naman itong tinutukoy mo, ma’am Ivory?”

Inalala ni Ivory ang mukha ni Masson at nawala ang ngiti sa labi niya nang maalala na hindi pala niya alam ang pangalan no’ng lalaking nakausap niya no’ng nakaraan.

“Hindi ko alam e,” ani ni Ivory kaya mahinang natawa si Ary.

Tumuloy na si Ivory at Ary sa plaza, particular sa loob ng court at naupo sa pinaka itaas lalo’t wala pa namang masiyadong tao sa loob. Habang hinihintay nila na magsimula ang game ay dumating si Oliver na nagmamasid kay Ivory sa malayo.

“Kuya, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cedric na 12 years old na. Hindi sumagot si Oliver dahil hindi niya narinig ang tanong ng kapatid lalo’t occupied ang isipan niya sa kapatid niyang nasa mga tao ang tin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status