BUMUKAS ang pintuan. There he was. Halatang hinihintay siya nito. And damn the man smells so good. Kahit simpleng pambahay na shirt at shorts ay nakakapaglaway na ito. Tumikhim siya bago pumasok sa loob. Hindi naman pala makalat ang binata. Maaliwalas ang lugar. Pinag-isipan ang mga kasangkapan kung saan iyon dapat nakapuwesto. He's an established engineer after all. He got all the things that he wanted."Shall we start?" he asked her."Ano ba'ng gagawin ko?" tanong niya kahit alam na niya ang gusto nitong mangyari.Pilyo ang naging ngiti nito. "You'll clean my room, wash my clothes, cook for me, and see those books?" Nakita niya ang mga nakasalansan na mga libro sa ibabaw ng mesa."Read them. All of them. Cover to cover. Then make a summary and give it to me.""Ano?" taka niyang tanong. Nilapitan niya ang mga itinuro nitong libro. Maths, hydraulics, surveying, design and constructions. All about what she's taking at school right now. Napaupo siya at binuklat-buklat ang ilan sa mga li
NAKABIHIS na siya nang lumabas ng kanyang silid si River. Kasunod niya si Kyla na agad kumawit sa kanyang braso. Iiwas sana siya nang may ibulong ito. "Let's test her if she'll get jealous. So you'll know if she longs you back." Napatitig siya kay Kyla at pilya ang naging ngiti nito. "Told you I like competition. If she falls for this, you'll never see me again. But if she's not into you, you're mine, Mr President." Pinalo nito ang pang-upo niya kaya napaigtad siya. Huling-huli iyon ni Maris na kasalukuyang naghahanda ng makakain sa mesa. But to his disappointment, she didn't respond to that kind of acting. She just continued working like they never existed. Muling bumulong si Kyla sa kanya. "Mukhang mahihirapan ka sa kanya. Baka naman may ibang gusto?""H-ha?" Nagulat siya sa tanong nito. Ayon kay Hawk, walang nobyo si Maris. Ngunit paano nga kung may iba itong gusto? Ngayon pa lamang ay nagngingitngit na siya. "Oh wow, arroz caldo! Matagal na 'kong hin
NAKAAWANG ang pintuan at nauulinigan ni River ang mga nag-uusap. May kausap si Maris. Halos matumba si River sa kinatatayuan nang pumasok sa kanyang condo ang isang lalaki at hawak pa ni Maris ang kamay nito. Her smiles were ear to ear. "Napadaan ka, Shawn. Ano ba kasing kailangan mo? Puwede naman sa school mo ako puntahan." Sobrang lambing ng boses ni Maris. Ngayon lang niya nakitang ngumiti ito ng ganoon. Hindi na nito naisip na narito siya. Hindi na nahiya!Napatuon ang tingin sa kanya ng lalaki at halatang nagulat ito. "Ay oo nga pala, Shawn. Siya ang boss ko rito. Si Engr. River Andrada. At siya naman ang girlfriend niya," pagpapakilala nito.Napakislot siya dahil sa pagkawit ni Kyla sa braso niya. Ngunit hindi niya ito magawang bugawin. Gusto niyang magmura sa mga oras na iyon. Sino ang lalaking ito? Humanda sa kanya si Hawk dahil mali ang imbestigasyon nito tungkol kay Maris. "This is Shawn Oliveros. He was my manager noong nag-
GUSTONG mag-alsa balutan ni Maris. Nais niyang layasan si River dahil sa mga panunumbat nito sa kanya sa harapan pa ni Shawn. Ipinamukha nito sa kanya lahat ng mga pagkakautang niya. Tama lahat ng sinabi nito ngunit wala itong karapatan na ipagyabang iyon sa iba. Hindi niya alam kung ano'ng mukha ang ihaharap niya kay Shawn. Kumatok ito sa condo ni River upang kumustahin siya. Nalaman daw nito kay Vookie ang tungkol sa pagkaka-ospital ng kanyang ama pati na ang pagkakatanggal niya sa hotel. Si Vookie rin ang nagbigay ng address ni River. She wanted to confront her why the hell did she tell Shawn everything about what happened to her. Gusto tuloy niyang magsisi kung bakit nagkuwento pa siya kay Vookie. Pero hindi rin niya maaaring sisihin si Vookie. Matagal na nitong nirereto si Shawn sa kanya. Mabuting tao ang binata ngunit hindi kailanman sumagi sa isip niya ang patulan ito kahit gaano pa ito kabait sa kanya. But still. He wants to help her in any possible way he could. N
RIVER woke up at the middle of the night with the same dream again. Bumangon siya at tinungo ang kusina upang uminom ng tubig. There are still food on the table. Lumamig na ang mga iyon. Hindi niya nagalaw dahil dumiretso siya sa kanyang silid nang maabutan niya si Maris na nagluluto. She already knows how to cook, to make up his house and to keep silent. Tinungo niya ang kanyang gym at dinampot ang mabigat na dumb bells. Still, Maris' innocent face traversed his mind. Noon ay madalas silang magtalo. May mga sandaling inis na inis ito sa kanya at kung minsan naman ay halos maghubad na ito sa harapan niya. Ibang-iba na ito sa dalagang nakilala niya noon. It's torturing him on the idea how she came up to be like this. Finding her walking inside his very own territory was another torture. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya na manatili muna sa Pilipinas. Marami siyang gustong sabihin at itanong kay Maris. Maraming gustong ipagawa sa dalaga. At isa
MAAYOS naman ang lagay ng papa ni Maris sa kanyang pag-uwi. Hindi pinababayaan ni Nurse Lita ang ama niya at naroon din nga si Manang Bola na palaging nakabantay. Madalas pa nga itong makipag-agawan sa nurse sa pag-aalaga sa professor na ngayon ay unti-unti na niyang nakikitaan ng paggaling. She just prayed that God will give her father a longer life. May kailangan pa siyang abutin para rito.Naghintay si River sa kotse nito 'di kalayuan sa bahay nila. Ayaw pa rin nilang malaman ng ama na lahat ng tulong ay mula sa binata. Well, utang niya ang tulong na iyon. Minsan ay ibig na niyang magtapat sa ama ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula. Ang alam ng ama ay may group study siya sa gabing iyon. Nagkatinginan na lang sila ni Manang at naintindihan na niya. Hindi rin naman siya nagsisinungaling. Tambak nga ang mga aralin nila ni River. She couldn't understand why he's cramming to study. "The board exam is in a month." Napakunot-noo siya dahil sa ibin
NAGMULAT ng mga mata si Maris. Napabalikwas siya. Mataas na ang araw at hindi niya alam kung anong oras na. Baka nag-aalala na rin ang papa niya. Iniligid niya ang mga mata. She's not in the room where she used to stay. Silid ito ni River. Napapikit siyang muli at inalala ang nagdaang gabi. Nakatulog siya sa pagod at naalimpungatan na buhat na siya ni River. She was touched to her core and her heart was pumping like crazy last night. Kundi lang sa sinabi nito bago siya iniwan.Nagbanyo na siya at mabilis na inayos ang sarili. Kailangan na niyang umuwi.Amoy na amoy niya ang bango ng niluluto sa kusina. Alam niya noon pa man na mahusay magluto si River. Hindi nga siya nagkamali. Nakaharap sa kalan ang binata. Walang pang-itaas at boxers lang ang suot. He's wearing a white cap backwards. The tie of his black apron was slightly loose. Sa kamay ay hawak ang sandok habang may hinahalo sa kawali.Ilang beses siyang napabuntonghininga. Kung pu
DUMATING ang araw ng exam. Maagang nagising si Maris dahil susunduin siya ni River. Gusto nito na kasama siya sa mahalagang araw na iyon. Humalik siya sa pisngi ng kanyang ama. "Gamot n'yo po Papa, ha," paalala niya rito."Huwag mo akong alalahanin at marami ang nag-aalaga sa akin. Napakabuti ng boss mo, anak para gawin sa atin ito. Kaya pagbutihin mo ang trabaho mo sa hotel." Nakonsensiya tuloy siya. Iyon pa rin kasi ang alam ng papa niya. Na sa hotel pa rin siya pumapasok bilang room attendant."O-Opo, Papa." Hinaplos pa niya ang humpak na pisngi nito. He missed her father so much. Kung puwede lang na huwag niya itong iwan. Pero kailangan niyang lisanin ito para rin dito. Gagawin niya ang lahat madugtungan lang ng mas marami pang taon ang buhay ng kanyang ama.***"WHAT took you so long?" tanong agad ni River. Nagmamadaling binuhay nito ang makina ng sasakyan. Maaga pa naman kung bakit tila nagmamadali ito. Tulad niya ay nakasuot din i