Share

Chapter 86

THREE days has passed. Nanatili nga sa tabi ni Professor Leandro Pulumbarit si Maris. Bawat araw ay bumubuti ang kalagayan ng kanyang ama. Masigla na rin ito sa lahat ng bagay. Ilang beses niyang narinig ang pagtawa nito.

Ngunit kung kailan unti-unti na sanang nagiging maayos ang lahat, saka naman siya babagyuhin ng panibagong problema.

"Maris, gumising ka!" natatarantang sabi ni Manang Bola.

Pupungas-pungas siyang bumangon. "Bakit po, Manang?"

"Narito si River."

"A-Ano?" Nawala ang antok niya. "Manang, hindi puwedeng pumasok dito sa bahay si River. Itago mo siya. Hindi siya maaaring makita ni Papa." Nagmamadali siyang bumaba ng kama.

"Huli na, Maris. Magkaharap sila ngayon ni Leandro."

Tila nawalan ng dugo ang buong katawan niya. Hindi puwede. Magagalit ang papa niya. Sasama ang loob nito. Baka kung ano na naman ang mangyari rito.

Napatiim-bagang siya. Ano ba ang gusto ni River? Bakit ito nagpakita sa ama?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status