“Mark!”
Pag-iyak ko habang tumtakbo papalapit sa kanya. Sawakas ay nagbalik na din siya galing sa Germany, at hindi na ako makapaghintay na makulong sa mga braso nya. Sinabi niya sa akin na hindi ko na siya kailangan pang sunduin sa airport pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Ang mga asul na mga mata niya ay kuminang sa sandaling yakapin niya ako sa kanyang mga malalaking mga braso. Mula sa kanyang 6”1 na tangkad laban sa akingf 5”4 na payat na katawan.
“Namiss kita,” namula ako nang halikan niya ako sa aking pisngi.
“Ako rin, kamusta naman ang byahe mo?” tanong ko, habang kinukuha niya ang kanyang mga bag habang palabas ng airport.
“Boring at hectic, ipinagdadasal ko na lamang na huminto na si papa sa kakapadala niya sa akin sa mga byaheng ganito,” ungol niya.
Si Mark ang tagapagmana ng isa sa mga malaking Architecture firms, sa kabilang banda siya ay pinanganak para manahin iyon sa kanyang Panginoon, ang kanyang ama.
Galing siya sa old family ng mga Barons. Sa kaniyang mga asula na mata, maitim na buhok, at well-toned na kulay, isa siya sa mga karapat-dapat na bachelors ng London. Wala akong ideya kung bakit siya nahulog sa akin. Nang tanungin ko siya, sinabi niya na gusto niya ang aking kahinahunan at aking pagkatao na ikinatutuwa niya. Kayang-kaya kong paghiwa-hiwalayin ang katawan niya ng ilang minuto lamang kung nais ko. Pero siyempre, hindi niya alam iyon, at wala akong plano na ibunyag ito sa kanya ...... hindi pa ngayon.
“Nag-drive ka ba?” tanong niya.
Tumango naman ako. Iyon ay isa pa sa aming pribadong mga biro. Ako ay isang napakabilis na driver. Salamat sa aking likas na wolf instinct, sanay ako sa pagmamaneho ng napakabilis. Hindi ako nakagawa ng anumang pagkakamali, ngunit tinatakot nito ang karamihan sa aking mga kaibigan kong tao kasama na si Mark doon. Kaya naman, napipilitan akong magmaneho ng mabagal upang mapanatili silang komportable.
“Huwag kang mag-alala, hindi kita papatayin,” pagngiti ko sa kanya.
Tumango naman siya at inilagay sa sasakyan ang kanyang mga bagahe.
“So, ano ang gagawin mo ngayong sabado?” tanong niya at saka umupo sa may passenger side.
“Wala pa sa ngayon,” sagot ko habang dumaan na kami sa highway.
“Cool! Dadalhin kita sa kungsaan,” sabi niya.
“Saan?”
“Sorpresa iyon,” pinakawalan niya ang nakakalalaking mga ngiti niya.
At natawa naman ako.
Umaga ng Sabado, at bilang plano, sinundo ako ni Mark mula sa aking bahay. Ma-araw sa sandaling iyon, isa sa mga huli bago ang pagdating ng Winter. Nagmaneho kami sa parkeng ito, na walang ibang taong nakikita. Sa sandaling iyon, parang kami lang ang taong naroroon.
Abot tanaw ko ang malinaw na tubig na kristal sa kabila ng kawalan. Ang mga puno ay umuuga sa malamig na simoy ng karagatan. Hinawakan ni Mark ang aking kamay at lumingon kami sa kanan kung saan kami naglakad sa isang arko ng mga rosas.
Sa pagtawid namin sa arko, napunta ako sa pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko.
Isang puting gazebo!
Napapaligiran ito ng mga paborito kong mga bulaklak. Ngumiti ako dito dahil napakaganda ng eksenang ito.
"Para saab ang lahat ng ito, Mark?" tanong ko.
“Halika,” hinawakan niya ang aking kamay, at naglakad kami sa loob ng gazebo.
“Nagustuhan mob a?” tanong niya.
“Sino namang hindi, pero bakit?” tanong ko na may pagtataka.
“Oh! Tumingin ka doon!” biglaang sigaw niya.
Lumingon ako sa likuran ko pero wala naman akong nakita. “Wala ako makita ni anuman.”
“Lumingon ka at makikita mo ang isang bagay na kumikislap.”
Nagtataka akong lumingon pabalik kay Mark. Siya ngayon ay nakaluhod, ang isa niyang tuhod lamamg ang nakababa sa sahig at hawak niya ang isang pinakamagandang singsing sa lahat ng nakita ko.
Nagulat ako sa bumubulong sa looban ko. Umiling ang wolf ko sa hindi pag-apruba sa sitwasyon. Si Mark ay isa lamang distraction at isang pampainit lamang para sa kanya. Ang mate lamang nito ang gusto niya. Hindi ko binigyang pansin ang aking wolf, tinakpan ko ang bibig ko ng may pagtataka. Kinuha niya ang nanginginig kong kamay at tiningnan ng malalim ang aking hazel na mga mata na puno ng pagkalito kaysa sa masayang pagkatuwa.
“Alice, simula pa lamang sa unang beses na nakita kita, ikaw na ang pinakamagandang babae na nakita ko sa lahat. Sinabi ko sa sarili ko, kailangan ko siyang makilala. At natutuwa ako dahil nagawa ko. Kinumpleto mo ako sa napakaraming paraan. Binigyan mo ako ng inspirasyon higit pa sa inaakala mo. Mahal na mahal kita. Hindi ako kumpleto kung wala ka. Ikaw ang aking Reyna. At nakaluhod ako ngayon upang angkinin ang kamay ng aking minamahal para sa isang kasal. Honey, will you do me the honours and be my wife? Let me be your husband.”
“Damn!” sabi ng aking isipan.
Mahal ko si Mark pero napakarami pang bagay akong dapat sabihin sa kanya. Wala siyang anumang ideya kung sino at ano ako.
“Mark… Ito ay masyadyong mabi…” nauutal ako at kinakapa kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Ang mukha niya ay nagging malungkot at hindi ko magawanag magpatuloy.
“Hindi moa ko mahal?”
“Mahal kita… Mahal kita Mark, pero napakarami mong hindi alam tungkol sa akin… isa akong…” bigla na lang akong nanahimik.
“Sa tingin mo ba, baka pwedeng maghintay muna tayo,” nagpapanic na ako sa sandaling ito.
“Mahal kita sa kung anu ka man, Alice, pwede tayong magsama habang buhay habang kinikilala pa natin lalo ang isa’t-isa.”
Tumayo si Mark at kung paano siya tumingin sa akin, pakiramdam ko matutunaw ako. Napakalungkot niyang tignan. Naantig ang puso ko sa maraming dahilan sa mga sinabi niya. Hindi din naman ako naghahanap ng aking mate at si Mark, perpekto na siya.
“Oo, papakasalan kita,” sabi ko.
Napangiti si Mark sa sobrang saya. Isinuot niya ang kumikinang na singsing sa daliri ko. Hinawakan niya ako sa pisngi at saka ako hinalikan ng napakatamis na siyang dahilan para malimutan ko lahat ng pangamba ko. Pinulipot ko ang aking mga kamay sa naglalakihan niyang pangangatawan. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa may kumot at sa ilalim ng Gazebo namin ginawa ng matagal ang bagay na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan.
*****
“Engaged ka na!” sigaw ni Emma na dahilan upang i-mute ko ang laptop ko.
“Bakit? Alam niya na ba kung sino ka?” tanong niya.
“Sasabihin ko na sana sa kanya, pero...” napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba, patay ako rito.
“Alice, alam mo namang may wolf lang diyan sa tabi na maaaring mate mo.”
“Heto na naman siya,” sabi ko sa sarili ko.
“Emma, 24 na taon na ako. Kung mayroon man akong mate, nahanap ko na sana siya ngayon. Mahal ko si Mark. Siya yung tipo ng tao na gusto kong makasama. Hindi ko gustong mapilitang mahalin ang isang tao dahil lamang iyon ang desisyon ng tadhana, kinamumuhian ko ang mga makasariling alpha na mga iyon. Hindi ko maisip na kaya kong mamuhay ng ganun!”
“Pero hindi ko sapilitang minahal si Bobby, mahal ko talaga siya ng buong puso,” pagrereklamo niya.
“Alam ko namang na mahal mo siya, hindi ikaw ang binabanggit ko, Emma. Alam ko ang gusto ko. At sa tingin ko magiging masaya ako kay Mark,” pagpupumilit kong sagot.
“Paano kung nakasalamuha mo ang mate mo?” paulit-ulit parin si Emma sa bagay na iyon.
“Kung ganun, tatanggihan ko siya.”
“Hindi ganun kasimple iyon, Alice, ang wolf mo ay pipilitin kang tanggapin iyon. At yung tungkol sa sex... wala kang ideya kung ano ang pakiramdam ng makipag-sex sa mate mo,” ngiti niya.
“Paano mo naman nalaman? Ginawa niyo lang naman ang bagay na iyon ni Bobby noong 18 ka pa lang!”
Wala akong gaanong experience, maliban kay Mark, isa lang ang naging boyfriend ko noong high school. Nalaman kong niloloko niya ako matapos ng araw na may mangyari sa amin. At hinding hindi na siya makapangloloko pang muli, siniguro ko ang bagay na iyon. Bilang werewolf may kalamangan din kami.
“Alam kung ano ang nagagawa ng mate bond, at ikaw, hindi,” sabi ni Emma sa akin.
Umirap na lamang ako, “Oo na, sige na, panalo ka na, pero pwede bang tapusin na natin ang usapan na ‘to?”
Mas may alam ako kaysa naman sa makipag-away sa isang mated wolf. Masyado nilang prinoprotektahan ang kanilang mga mate. At dinadalangin ko na sana hindi ko kailan man mahanap ang mate ko.
Si Tita Flora ay isa sa mga nasabing kakaiba. Halos lahat ng keepers ay may kakaibang persona. Hindi madaling maging iba sa lahat, ang kakayahan mong makita at makitungo sa mga supernatural na nilalang ay may kaakibat ding hindi maganda. Isa na rito ang kalungkutan. Si tita Flora ay may kasintahang espirito, iyon ang kanyang sinasabi. Hindi ko din iyon nakita kahit kailan, walang kakayahan ang mga werewolves na makakita ng mga multo, napakabait niya, kaya pinaniniwalaan ko siya.Sa ngayon, umiiling siya nang sabihin ko ang tungkol sa pag propose ni Mark.“Hindi iyan magugutuhan ng mate mo,” sagot niya at umiling.50 taong gulang na si tita Flora, pero mukha siyang nasa 35. Napakaganda niya sa maikli at pula niyang mga buhok at sa matikas na taste niya sa mga kasuotan. Naaalala ko sa kanya s
ALICESa sandaling makataas na kami mula sa pool, ang mga kamay niya ay nakapulupot pa rin sa akin. At sa sandaling iyon ay napagmasadan ko ang isang pares ng pinakamagandang pares ng kulay berde na mga mata na nakita ko sa lahat.Tumigil ang oras, tumigil ang paghinga ko. Lahat ay nawala, wala akong ibang makita o maramdaman maliban sa napakagandang lalaking ito na nakatayo sa aking harapan. Hindi dapat napakaganda, masyado iyong pangbabae. Isa siyang kakaibang lalaki.Basang-basa siya at ang magulong kulay kayumanging buhok niya ay naglaglagan sa kanyang noo. Mas mataas siya sa akin at halos tatlong beses ang laki niya sa akin. Mayroon siyang pangangatawan ng isang warrior, na tumigil ng ilang taon sa pag-eensayo. Wala siyang suot na pang-itaas at basang-basa siya na naging dahilan upang mabaliw ang wolf ko.
Dahan-dahan akong nagising at sinusubukang lalahanin ang nangyari na parang bang sinususbukan kong lumangoy pataas mula sa malalim at madilim na tubig.Alas-nuwebe nang muli, at may usok sa paligid. Ang mga tao ay tumatakbo sa paligid at sinusubukang makatakas sa apoy, may mga putok ng baril. Sinara ko ang aking tainga at sinusubukang alisin ang gulong nangyayari nang may humawak sa aking balikat, ang sakit nun.Tumingin ako sa mukha ng lalaki, ngunit malabo ang lahat. Pagkatapos nun ay tumatakbo na ulit ako, nagtago ako sa ilalim ng isang mesa at ipinikit muli ang aking mga mata at tinakpan ang mga tainga ko.“Huwag kang matakot, proprotektahan kita...” sabi ng mahinahon na boses. Lumingon ako at mayroong isang lalaki, mas matanda siya kaunti sa akin. Nagtatago siya kasama ko habang
Nang magpasya akong bisitahin ang club, na ironically na tinatawag na “The Lycans,” ay nagbihis ako na nakaayon dito.Sinabi ni Emma na pwede ko itong maging impromptu bachelorette party at tawa kami ng tawa tungkol dito. Nagmaneho kami sa lungsod kasama si Emma at isa pang batang babae na si Melanie.Si Bobby na isang possessive mate ay nagpumilit na samahan kami, pero gusto namin ng girl’s night out. Nasa bahagi kami ng bayan para sa mga tao, kung saan walang presensya ng kahit anong werewolves, kaya na namin ang sarili namin mula sa mga lalaking mga tao.Noong mga sandali ko sa London, kamuntikan na akong madukutan habang pabalik ako sa amin ng ano ng oras. Ang kinailangan ko lang ay ang aking mga kuko. Ang takot sa mukha ng prospective na mandurukot na iyon ay walang katulad. Ang
Bumukas ng malakas ang pinto at isang matangkad na pigura ang bumungad. Humakbang siya sa silid ng tatlong malalaking hakbang at dumiretso at nagpahinga sa harap ko. Nakasuot siya ng masikip na itim na t-shirt at itim na cargo pants. Ang kanyang itim na bota ay napalibutan ng putik at mukha siyang galit na galit.“Ang mate ko!” Ang aking wolf ay umawit sa kaligayahan habang tinititigan ko siya at hindi makapaniwala.Itinaas niya ang kanyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko at naramdaman ko ang labi niya sa aking buhok. Tinanggal niya ang nakatakip sa aking bibig."Ikaw! Ginawa mo ito sa akin?" Basag ang boses ko. Ito ay higit pa sa isang katanungan kaysa sa isang pahayag.“Salamat sa Diyos at ligtas ka,” bulong niya.
Pakiramdam ko napakalandi ko. Nagawa kong lokohin si Mark!‘Napakasama ko,’ nasa isip ko.‘Siyempre, hindi, hinalikan mo lang ang iyong mate na dapat mo lang gawin,’ natutuwa ang wolf ko.‘Isang pervert ang wolf ko,’ minura ko ang aking sarili.Sawakas at nagawa ko na ding bumaba sa kandungan ni Lucian at saka ibinaba ang skirt ko, pinulipot ko ang mga kamay ko at saka dumungaw sa bintana. Nanatili ang mga kamay niya sa akin. Ang lugar ay pamilyar sa akin. Ang daan ay ilang milya lang ang layo mula sa pack lands. Ganunpaman, hindi pa rin ako makagawa ng kahit ano para maging kunekta
Huli na para sa akin na tumakbo. Nakatingin lang ako sa paparating na mga sasakyan at huminto ang isa sa mga ito sa mismong harapan ko. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang amoy ni Rick.“Alice! Salamat sa Diyos at ligtas ka,” sabi nito sa may taas ng ulo ko, nakasubsob ang ulo ko sa dibdib niya habang yakap niya ako. Agad naman akong pinapasok sa loob ng Van at naupo ako roon kasama si Rick.“Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari?” tanong ni Rick ng mahinahon.Hindi ko alam kung paano ba mag-uumpisa. Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat, kung paano ako dinakip at kinuha ng mga rogues at saka niligtas ni Lucian Blake.Nanigas ang mukha ni Rick. Galit na galit siya, pansin ko iyo
Nakatitig lamang sa akin si Emma na blanko ang ekspresyon sa mukha.“Wow!”Bigla na lamang siyang tumayo at malalim ang iniisip at saka naupo muli.“Wow! Ito at sobrang... sobrag...”“Fucked up?” tanong ko upang tulungan siyang tapusin ang sinasabi.“Hindi, romantik, sobrang romantik nito,” sabi niya at may namamanghang ekspresyon.“Ano?” sigurado akong nababaliw na siya.“Well, pareho kayong nasa magkaaway na kampo, na nahulog sa isa’t isa. At kailangan niyong harapin