Share

Making up

Mahilig si Lucian sa malalaking banyo. Kaya naman, ang banyo ay napakalaki na may mga pedestal na mga lababo at may mga mukhang magagarbong gripo sa isang gilid.

May isang bidet toilet na malapit sa may shower sa kabilang dulo. Sa gitna naman nakalagay ang isang malaking mamahalin na whirlpool tub, na may mga puting marmol na sahig na kumikinang sa medyo madilim na ilaw (dim). Ang mga dingding na gawa sa tiles ay purong puti at sa dulo ng mga ito ay may kulay asul. Sa isang mababang bangko na gawa sa mahogany nakalagay ang puting malambot na mga tuwalya sa may banyo, habang ang mga nakapaso na halaman ay mahusay naman na ipinwesto malapit dito para magmukhang spa.

Gayunpaman, ang ikinagulat ko ay ang mga kandilang nakasindi sa palibot nito, at maraming nagkalat na mga petals ng mga rosas sa may tub, at nilagyan ng scented oil ang tubig nito.

“Ano ang mga ‘to?” tanong ko, inaalam kung anong nangyayari.

 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status