Share

CHAPTER 34

Sunod-sunod ang naging paglunok ni Jossa nang tuluyang makalapit sa kinaroroonan nila sina Lemuel at Masha. Napaupo pa siya nang tuwid nang sa may mismong likuran nila tumayo ang dating kasintahan.

"Hello..." sambit ni Lemuel na laan para kay Lianna. May masuyong ekspresyon pang nakarehistro sa mga mata nito habang nakatitig sa kanilang anak.

"Nariyan ka na pala, Lemuel," saad ni Brix. Ito ang gumawa ng hakbang para maputol ang nakaiilang na sitwasyon.

"Brix, I-I... sinundo ko lang si Masha, my girlfriend---"

"We've met," mabilis na sansala ng kaibigan niya. "She's the event coordinator in Darlene's birthday, remember?"

Lemuel cleared his throat. "Anyway, Mash, s-si... si Lianna, my daughter," saad ni Lemuel. Nakatukod pa ang dalawang kamay nito sa sandalan ng kinauupuan ni Lianna.

For a moment, no one spoke among them. Sila ni Brix ay waring kapwa naghihintay kung ano ang sasabihin ni Masha, kung ano ang magiging reaksyon nito ngayong kaharap na ang anak nila ni Lemuel.

Pero hindi ag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Eden
haist sana maisip ni limuel kung sakaling buntis man c masha,kelan lng cla nagsiping tapos buntis agad,haist masha sarap mong....haaahy! kaluka
goodnovel comment avatar
Laica Tambago-Laga
Sana malaman mo agad Lemuel na hindi ikaw ang ama...
goodnovel comment avatar
Jackielyn Tumbaga Adriano
totoong buntis pero hndi cguro c lemuel ang ama..ok lng yn jossa wla nmn kung relasyon.dpt lng umalis kna jn ksma c brix at mga bata.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status