Keisha pov:NANIGAS AKO NA NAMIMILOG ang mga matang napakapit sa kanyang mga braso habang malaya nitong sinasabisab ang mga labi ko ng isang malalim, mapang-angkin, mapusok at makapugtong-hiningang halik! "Umpt! T-tama na po!" hinihingal kong sigaw na pilit nilalayo ang mukha ko dito.Napangisi ito na lalong nababalot ng pagnanasa ang mga matang nangingislap na matiim akong tinitigan sa aking mga mata. Napalapat ako ng labi. Pinipigilan ang pagtulo ng luha kong masamang nakatitig dito. "Bakit ka ba nagpapakipot sweetheart hmm? Ayokong mamilit ng babae so hwag mo akong artehan. Bayad na ang buong gabi mo. So just do your job" may kariinang asik nito na bakas na ang pagkairita sa gwapong mukha.Napalapat ako ng labing tumulo ang luha kong matamang nakatitig dito. "I-iba na lang po" pagsusumamo ko. Nagpantig ang panga nitong kitang tumalim ang mapupungay niyang mga mata."Fine. Bring me back my money" anito na umalis sa ibabaw ko.Kaagad akong napaupo ng kama na inayos ang sarili magi
Keisha pov:2years laterNAPAPANGITI AKONG naghahalo sa niluluto kong ulam na tinda ko dito sa maliit kong pwesto sa loob ng palengke. May isa akong kasama dito. Si Ivory na katulungan ko dito habang si Zaira naman ang nag-aalaga sa anak kong si Eisha. Isang taong gulang pa lang ito kaya kailangan ng taga-bantay nito habang inaasikaso ko ang maliit kong karinderya na siyang pinagkukunan ko ng pang-araw-araw naming mag-ina.Dalawang taon na rin ang nakakalipas magmula nang pinalayas ako ng madrasta ko sa bahay namin na mapag-alaman nitong nagdadalang-tao ako sa edad na disisyete. Galit na galit ito noon hanggang sa pinalayas niya ako. Wala naman akong magagawa dahil si papa ay nasa ibang bansa at madalang lang itong tumawag sa akin. Naunahan din ako ni tita Lolita na magsabi ng kalagayan ko dito kaya naman kung anu-ano na namang panunulsol ang isinumbong nito kay papa na pumanig sa kanya at itinakwil din ako.Lumuwas ako ng syudad. Dito nakipagsapalaran. Noong una ay hirap na hirap ako
Keisha pov:KINABUKASAN AY muli kong iniwan si Eisha kay Zaira na nag-aalaga dito. Nagimbal ako na pagkababa ko ng jeep ay nagkakagulo ang mga taong nagsisipasok ng palengke!"Makikiraan po" panay ang singit ko sa mga nagkukumpulan hanggang makarating ako sa harapan.Natuod akong napaayos ng nagulong damit at buhok ko. Nangunotnoo ang noo ko na makitang pinagbabaklas na ang mga pwesto ng kainan kasama ang karinderya ko! Nanikip ang dibdib kong nangatog ang mga tuhod at nanlumo habang pinapanood kung paano nila winawasak ang pwesto namin. Halos hindi ko na maintindihan ang anunsyo ng may-ari sa mga apektado na kailangan lang nilang ipa-renovate ang lugar dahil iba na ang may-ari. Aabutin din ng ilang linggo bago muling magbukas ito at makabalik kami sa aming pwesto. 'Yon nga lang ay mas mataas na ang renta na triple sa dati. Kung susumain ko ay wala ng matitira sa akin non! Paano na lang ang kinabukasan ng anak kong plano kong pag-ipunan na ngayon pa lang!? Bagsak ang balikat kong nan
Kiesha pov:MANGIYAK-NGIYAK AKO na napapalapat ng labing makilala ito. Para akong maiihi na hindi maipaliwanag ang kabang nadarama! Siya ang magiging boss ko? Kung kailan naman naging tahimik na ang buhay namin ng anak ko saka muling magtatagpo ang landas namin ng taong ito. Nang sumagi sa isip ko ang anak namin ay lalong nagwawawala na ang puso ko sa loob ng ribcage nito!Minsan ay hindi ko rin maiwasang mapaisip na ilapit si Eisha sa ama nito pero dahil hindi ko naman alam ang buong pagkatao nito ay nagsusumikap na lamang ako at hindi na umasa pa sa ama nito na panagutan kahit ang anak lang namin. Sino ba namang ina ang hindi kayang lunukin ang pride nito kung para naman iyon sa ikagaganda ng buhay ng kanyang anak. Isa pa ay karapatan 'yon ni Eisha. Ang masustentoan at makilala ang kanyang ama. Napakuyom ako ng kamao na matapang sinalubong ang matiim niyang pagtitig habang nangingiting tinitikman ang niluto ko at nakalarawan sa gwapo niyang mukha ang sarap na ikinangiti ko ng lihim
Keisha pov:"E-EIVO" kabadong pigil ko habang dahan-dahan na ako nitong naihihiga sa sofa!"Hmm?" napagala ako ng paningin sa paligid. Hindi ako komportable. Baka mamaya ay may ibang pumasok ng opisina nito at maabutan kaming dalawa dito sa sala niya na may ginagawang milagro! "No worries sweetheart. This is my office. No one's allowed to come in without my permission okay" saad nito na mukhang nababasa ang inaalala ko."T-talaga?" nagdududang tanong ko. Napangiti itong isa-isang kinalas ang butones ng kanyang long sleeve. Napapalunok akong napapasunod ng tingin sa kamay nitong marahang kinakalas bawat butones na unti-unting ikinasisilip ng kanyang kakisigan sa mga mata ko. "A huh" anas nitong tuluyang hinubad ang polo.Napaawang ang bibig ko na muling mapagmasdan ang kakisigan nito. Mas lalo pang nag-firm ang mga masels nito pagkalipas ng dalawang taon! Napapalunok akong hindi mapigilang mapatitig sa malapad niyang dibdib. Sa mga namumutok niyang pandesal na nakakatakam sa paning
Eivo pov:I CAN'T HELP MYSELF smiling while watching them peacefully sleeping beside me. Napahaplos ako sa pisngi ni Eisha. Although hindi pa dumating ang DNA test na pinagawa ko ay dama kong anak ko siya. Napahinga ako ng malalim na inayos ang comforter nilang mag-ina bago bumangon ng kama at lumabas ng silid.Dumampot ako ng wine na nagtungo sa balcony nitong opisina ko. Napapatungga sa wine na nakamata sa malayo. Napailing akong mapait na napangiting inaalala kung bakit ko ipinahanap si Keisha. *******NAGTUNGO AKO ng bar kung saan kami magkikita-kitang magkakaibigan. Si Mikael Angelo Montereal. Zachary Mondragon. Hades Castañeda at Dwight Keisler Madrigal. Mga galing sa kilalang pamilya ng bansa. Katulad ko ay may kanya-kanyang negosyo na rin ang mga itong pinapatakbo. "What's up dude!" masiglang saad ni Mikael na mabungaran akong bagong dating ng vip room na inakupa namin. Nagtayuan ang mga ito na nakipag-goose-bump sa akin isa-isa. "Anong ganap?" tanong ko na nagkakatinginan
Keisha pov:MAAGA AKONG gumising para maipaghanda ko muna si Eivo ng agahan nito bago pa magising si Eisha. Kapag kasi gising na ang anak ko at walang magbabantay ay maaaksidente ito sa likot niyang bata. Kailangang sa lahat ng minuto ay may nakabantay dito para hindi mapahamak. Napakagaan ng pakiramdam ko sa simula ng araw ko dito sa piling ni Eivo. Bagong buhay, bagong pag-asa. Bagong simula. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nakakapag-focus ang puso at isip ko na walang ibang inaalala lalo na sa kinabukasan ng anak ko. At 'yon ay dahil kay Eivo. Nagsimula akong mag-sangag ng kaning lamig. Ang natira namin kagabi. Sinahugan ko rin ito ng veggies dahil mas masarap siya kapag may nakahalong gulay. Matapos kong maluto ang sinangag ay sunod naman ang bacon, hotdog at itlog. Mabuti na lang kumpleto siya sa stocks ng groceries nito dito.sa opisina niyang ginagawa niyang tahanan. Damang-dama ko tuloy ang pagiging may-bahay nito lalo na't suot-suot ko pa ang white polo nitong ang
Kiesha pov:MATAPOS ANG mainit naming pinagsaluhan ni Eivo sa shower room ay sabay din kaming naligo at nagbihis bago lumabas ng banyo. Mabuti na lang nahihimbing pa ang anak naming nasa gitna ng kama. Hinarangan din ni Eivo ang bawat gilid nito ng unan kaya payapa pa ring nahihimbing. "Let me sweetheart" napangiti akong iniabot dito ang hair blower at hinayaang siya ang tumuyo sa buhok ko.Hindi ko mapigilan ang kilig na nadarama sa mga sandaling ito habang nakamata sa salamin na pinapanood si Eivo na pinapatuyuan ang buhok ko. Nangingiti din naman itong tila enjoy na enjoy sa ginagawa."Eivo""Hmm?" "May naging girlfriend ka na ba dati?" natigilan itong napatitig sa akin. Ngumiti ako na pilit nitong ikinangiting nagpatuloy sa ginagawa."You're the first one sweetheart""Talaga?" "A huh" anito na napatango-tango.Napalapat ako ng labi. Hindi ko mapigilang kiligin na napapangiting malamang una ako sa kanya. "How about you sweetheart, do you have ex?" baliktanong nitong ikinailing