Share

Chapter 69 Visitor

Keisha pov:

PALAKAD-LAKAD AKO sa gawi ng garden nitong mansion. Hindi mawala-wala sa isip ko ang napanood na live video ni Eivo kung saan ipinakilala na niya kami ni Eisha bilang mag-ina nito sa lahat. Parang hinahaplos ang puso ko sa ginawa nito. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib na pinapatunayan nitong mahal niya ako at seryoso siya sa bagay na naisaad sa aking lalantad na kami sa publiko.

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na nangilid ang luha. Nami-mis ko na tuloy siya. Gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap. Nananabik na akong muling madama ang yakap nito.

"Hey" natigil ako sa paglakad-lakad ng magsalita si Mikael mula sa likuran ko.

"Hi" pilit akong ngumiti ditong may dalang meryenda.

Inakay ako nitong maupo sa katabing swing at inabutan ng dala nitong maha blanca at orange juice na ikinangiti ko.

"Thank you"

"You're welcome honey" nakangiting saad nito.

Napatitig ito sa akin na may munting ngiti sa mga labi.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status