Share

Chapter 82

Mag-aalas sais na rin ng gabi, puro kuwentuhan lang ang ginawa namin, tungkol sa mga experience lang naman noong bata pa kami. Nakuwento niyang marami pala siyang suitor noon at hanggang ngayon. Ako naman ay walang makuwento dahil kay Travis lang naman umiikot ang aking mundo noong dalaga pa ako. Ni isang lalaki ay walang nangangahas na lapitan ako dahil nakabakod palagi si Travis sa akin. Nakakainis nga kung alam ko lang na hihiwalayan at lolokohin niya ako ay hindi ko na siya sineryoso.

Nang gumabi na ay agad na nagsi-ilawan ang mga kabahayan sa harapan namin. Namangha ako dahil sa naggagandahang ilaw roon, sobrang ganda na animo’y alitaptap na kumikinang-kinang.

“Ang ganda!” namamanghang saad ko sa kaniya. Umihip ang malakas na hangin at tila ba sumasayaw ang mga puno dahil doon. Bigla ako nilamig kaya napayakap ako sa aking sarili.

“Mukhang uulan pa ate, mas maiging umuwi na tayo baka maabutan pa tayo ng ulan,” saad ni Isabella

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status