Share

Kabanata LXI

Buong akala ko ay biro lamang ang sinabi ni Tyler sa loob saksakyan, ngunit napatunayan kong totoo iyon ng umuwi kaming bahay ilang araw na ang nakakaraan. Tuwing umaga ay nagigising na lamang akong nakahawak siya sa dibdib ko at pinipisil pisil 'yon. Tuwing gabi naman ay ganoon din! Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa dahil may isang salita siya.

“Morning,” bulong niya sa tenga ko ng isang umagang parehas kaming nakahiga sa ibabaw ng kama. Parehas kaming walang damit pero hindi ibig sabihin noon ay may nangyari ng kababalaghan. Nawalan kasi ng kuryente kagabi kaya sobrang init, idagdag mo pang maharot siya, mabuti ay parehas naming napigilan kahit ramdam ko na ang paghihirap niya.

“Can I hear your thoughts?” Suminghap ako ng mas inilapit niya pa ang kaniyang katawan. Dama ko ang balahibo niya sa binti na nakapatong sa binti ko.

“Usog ka. Masyado kang nakagitgit eh ang luwag luwag ng kama.”

Imbis na lumayo ay dumapa siya ng higa at iniyakap sa leeg ko ang kaniyang bisig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status