Share

Kabanata 19

Mabilis ang lakad ko dahil sa inis na nararamdaman. The guts of him to remain calm when I am almost bursting out!

Hindi pa ako nakakalayo ay may humila na sa braso ko na ikinainis ko lalo. Iwinaksi ko ang kamay ni Forth pero para itong bakal na nakakabit sa braso ko. Matalim ko siyang tinignan.

"Bitawan mo ako! Uuwi na ako!" inis kong sabi ngunit hindi siya nakinig at tumitig lang sa akin. Tanging liwanag lang sa poste at ang liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito ngunit malinaw kong nakikita ang seryoso niyang tingin.

"Mag-uusap muna tayo bago kita iuwi," aniya sa seryosong boses. Muli akong nagpumiglas pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.

"Wala tayong dapat pag-usapan. Uuwi na ako," mariin kong singhal. "Kung ayaw mo akong ihatid ay magta-taxi na lang ako. Bumalik ka nalang doon at mukhang nag-eenjoy ka naman!" bahagyang tumaas ang boses ko.

"You want me to take body shots again?" nanunuya niyang sabi na ikinagalit ko na talaga.

Here I am thinking that he's already done with his asshole phase ngunit ganito pa rin pala siya hanggang ngayon! How dare him act like this is nothing! Samantalang ako, kulang na lang ay bubuga na ng apoy sa galit.

"Bahala ka sa buhay mo! Basta huwag ka nang makipagkita sa akin kahit kailan! Bitaw!" asik ko ngunit hinigpitan niya lang ang hawak sa pulso ko. 

"What are you mad about, hmm?"

Natigilan ako sa tanong niya ngunit agad ding nakabawi at muling pumiglas.

"Stop wriggling."

"Let me go! Bumalik ka roon sa loob at humanap ng kalandian o anuman! Tutal ay mukhang tigang ka dahil ilang buwan kang hindi nakakalandi dahil sa kakadikit mo sa akin, diba? This is your fucking chance!" I yelled this time. Napabuga siya ng hangin na tila frustrated na sa akin. Ano? Naiinis ka na? Eh di bitawan mo ako at magpakasaya ka na doon sa loob!

" I tried to stop her, alright? You saw everything. Hindi nga lang ako nagtagumpay na pigilan siya pero hindi ko naman gusto iyon," malambing niyang sabi. "Come on. Calm down, please," alo niya.

"Sinungaling ka! Ginusto mo rin iyon!" nagsisimula nang manlabo ang paningin ko dahil sa luhang kumawala sa aking mata.

Stupid tears! I don't need it! Pero dahil sa inis ko ay hindi ko mapigilan!

"Just let me go and fuck that woman tutal ay parang gustong gusto ka! Leave me alone!" sigaw ko pa.

He gripped my hand tighter and watched me closely. Papahirin ko na sana ang aking luha ngunit hinawakan niya rin ang isa kong kamay. I glared at him.

"Hindi ko ginusto yon--"

"Stop lying to me!-"

"Did you even hear me moan? Or did you saw me close my eyes as if savoring her kiss? Hindi, diba? Hindi ko gusto iyon. I even pushed her after--"

"Fuck you!" sigaw ko sa mukha niya.

Hannah's image while kissing his neck flashed on my mind. At iniisip ko pa lang na napapapikit siya habang ginagawa iyon ng babae sa kaniya ay parang gusto kong kalmutin ang mukha niya!

"Calm down, please. Stop crying," pang-aalo niya. "I didn't like it, okay? Unless you're the one doing it to me, then--"

"Shut up! You perv!" he chuckled at my angry face. Natutuwa pa!

"But seriously," he tilted his head while staring at me. "Para saan ang pag-iyak mo? Were you jealous?"

Natutop ang bibig ko sa sinabi niya. Umiling ako kahit taliwas naman ang sagot doon.

"Hmm, really? Bakit ka umiiyak kung ganoon?"

Napakurap ako at natigilan. Ano ang idadahilan ko?

"You're jealous,"he stated." You don't have to tell me. You're jealous of her. Kaya ka umiiyak."

Muli akong umiling. I am trying to save my pride here!

" Hmm?" he probed.

Hindi ako nakapagasalita.

"Is my baby jealous?" he asked softly.

I swallowed hard as my heart raced wildly. Napasinghap ako at lalong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"I got my answer, though," he said hoarsely and gently held my chin para magkatinginan kami. I glared at him.

"Hindi ako nagseselos! At least not with that type of girl!" I hissed, trying to save face but I know he is not convinced. I know I'm too obvious. And he finds it amusing.

His eyes widened a bit as his lips pursed as if he's supressing a smirk. Tinampal ko kamay niyang marahang nakahawak sa baba ko ngunit napunta lang iyon sa pisngi ko. Nagkasalubong ang aking kilay.

"Stop denying it. It's okay," he teased.

"Uuwi na ako!" masama ko siyang tinignan.

"Yes, love. Calm down first and I'll take you home," he said softly and caressed my cheek.

"I can go home alone. Huwag mo na akong ihatid. Bumalik ka na ro'n sa babae mo!"

He chuckled.

"What are you saying? Ikaw lang naman ang babae ko," malambing niyang sabi.

Liar. I know you too well. Alam na alam ko kung paano mo pinaglalaruan ang mga babae na parang mga kagamitan mo. Ngunit kahit mahirap paniwalaaan ang mga sinasabi niya ay may nagtutulak sa aking gawin iyon. At nakakainis na kagaya ng ibang babae ay nahulog na din ako sa kaniyang bitag.

"You act like this is nothing," maktol ko.

"Because what happened meant nothing to me. Kung hindi ka lang galit sa akin ngayon, hindi ko na iisipin pa ang bagay na iyon. I don't want you to think that it meant someting to me...or I was affected by what that girl did when in fact, I'm not even interested."

Natahimik ako.

"I'm only focused on you. Isn't it obvious? I could never feel something from the other girls. I am under your curse, Selene."

Suminghap ako at agad na dinagundong ng pamilyar na pagkabog ng dibdib.

"Huwag ka nang magselos," suyo niya at hinaplos ang aking pisngi. My shoulders loosened. I am slowly calming down but I remained glaring at him while my heart was beating fast. 

"I'm sorry for making you feel that way. I don't like her or anyone else. I don't like their kisses or their touch. It's just you, baby," he whispered softly.

"I'm all yours since day one, Selene. Walang makakaagaw sa iyo ng pag-aari mo. I'm only for you. Always."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status