VIENNA'S POV
"Vienna saan natin hihintayin si Michelle?" tanong ni Therese. Kasalukuyan na kaming naglalakad dalawa sa hallway papuntang cafeteria. Katatapos lang ng tatlong class namin at kanina hinanap ng mata ko si Sebastian pero hindi siya pumasok. Ewan ko ba kung bakit ko siya hinahanap?
"Mamayang lunch pa natin makakasama si Michelle. Busy siya ngayon sa council, alam mo naman na siya ang Vice President diba?" sagot ko.
"Ahh gano'n ba.. hala! may nakalimutan ako," wika niya. Ngunit bigla niyang tinampal ang kaniyang noo na ikinagulat ko talaga. Nagtaka naman ako kung bakit niya ginawa 'yun, agad niya namang kinuha ang phone niya sa bag nito.
"Bakit anong problema?" tanong ko.
"Ngayon na kasi ire-release ang bagong ico-cover na kanta ni VnM," masayang sambit niya. So she's one of my listeners? palihim naman akong napangiti. This time mukhang mapapaamin na 'ko sa kaniya, after all she's my friend.
"You know what Vienna, same voice kayo," dugtong pa niya pero 'di siya nakatingin sa 'kin.
"Ako siya," maikling sagot ko na ikinatigil niya sa paglalakad. Napatakip siya ng bibig at gulat na gulat na napatingin sa 'kin.
"Oh my god!" naibulalas niya. Ngunit bago pa siya mag-hysterical dito, agad ko nang tinakpan ang bibig niya.
"Shhh!! 'wag kang maingay, secret lang natin 'to okay?" mahinang sambit ko at nginitian siya.
**********
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, ang isa sa mga paborito kong artist kasama ko na pala, my ghaddd," hindi makapaniwalang usal niya na ikinatawa ko rin naman. Paulit-ulit niya nang sinabi 'yan magmula nung bumili kami ng pagkain sa cafeteria. Ilang beses niya na rin akong niyakap, kumapit sa braso ko nang mahigpit at halikan ako sa pisnge. Sinabi ko na rin naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nakahidden identity pa rin ako. I'm thankful kasi naintindihan niya and sinusuportahan niya 'ko.
"Kumain ka na lang Therese, kanina ka pa ang ingay mo." Napatawa ako agad pero nginitian niya lang ako nang malapad. Kumain na rin naman kaming dalawa at nagkuwentuhan ng kung anu-ano. Nag-enjoy naman akong kausap siya, tawa lang ako nang tawa sa mga kinukuwento niya. Mga halos isang oras din kaming kumain, thankful kaming pareho kasi wala kaming class after break, so we can stay longer here.
"So sa Music Club ka sasali?" tanong niya, tumango naman ako bilang sagot.
"Hindi ka ba natatakot na malaman nila na ikaw si VnM?" muling tanong niya.
"Lahat ng sekreto nabubunyag tiyaka bakit naman ako matatakot? if malaman man nang lahat, I'm willing to explain," sagot ko, inakbayan naman ako agad ni Therese.
"Don't worry, support kita riyan. Uhmm Vienna pwede ba tayong mag-selfie?" nahihiyang tanong niya, ngumiti naman ako at tumango. At ayun nga nag-selfie kaming dalawa, mga limang ulit then after nun niyakap niya na naman ulit ako. Fan na fan niya raw ako for almost 2 years na, hindi naman ako makapaniwala pero lahat ng mga kin-over kong kanta meron siya sa phone niya. Hindi ko rin naman napigilan ang sarili ko na yakapin din siya.
Napatigil naman kaming dalawa nang may marinig kaming nagtitilian na grupo ng mga kababaihan. Napatingin naman kaming dalawa, halatang kilig na kilig silang lahat. Sino naman kaya ang tinitilian nila?
"Mukhang si Sebastian na naman," wika ni Therese.
Tama nga siya dahil kay Sebastian, mula rito sa puwesto namin kitang-kita ko siya. May kasama siyang mga lalaki pero hindi naman sina Britt, siguro kasama niya sa Music Club. May nakasukbit na gitara sa balikat niya plus bagong gupit siya. Kaya pala, alam ko na ang dahilan kung bakit ang lakas talaga ng appeal niya.
"Na gwagwapuhan ka rin ba kay Sebastian?" tanong ni Therese pero nakatingin pa rin siya ro'n kina Sebastian.
"Oo but it doesn't mean na crush ko siya," sagot ko naman.
"Nagtatanong lang naman eh, anyways kaya siguro wala siya sa klase kanina kasi nag-practice sila para sa event." Mukhang naiirita na siya sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya, hindi kasi siya makaalis sa puwesto niya.
Ano bang meron sa lalaking 'yon na all of the sudden na cu-curious ako sa personality niya. The way he look at me parang may meaning, hindi naman sa nag-a-assume ako. Dalawang araw pa lang akong nandito pero parang matagal ko na siyang nakilala.
"Hi Vienna." Muntikan na 'kong mapamura, napapikit na lang ako at humarap sa dalawang lalaking dumating. It's them again, bakit kaya lapit ng lapit to sa 'kin?
"Vienna next class na natin hali ka na," wika ni Therese sabay hila sa 'kin papatayo. Naiwan namang nagtataka yung dalawa. Alam ko naman kung bakit kami umalis do'n, gusto lang talaga ni Therese na umiwas ako sa kanila.
BRITT'S POV
Bakit kaya iniiwas sa'min ni Therese si Vienna? wala naman kaming gagawing masama sa kaniya. Gusto lang naman namin siyang makilala at makausap.
"Ano ang problema ni Therese? kahapon pa siya," naiinis na wika ni Enzo nang makaupo na kami sa bench na inupuan nina Vienna kanina.
"Ewan ko pero sa tingin ko dahil na naman kay Sebastian, tsk! kainis," inis na sagot ko. Paano namin malalaman na si Vienna nga si Vienna na naging kaibigan namin at bespren ko?
"Haysss ano pa nga ba, napakasikat ba naman kasi ng kaibigan natin. Pero bakit hindi tayo nakilala ni Vienna?" malungkot na sambit ni Enzo. Ano kaya ang nangyari kay Vienna 3 years ago?
"Ano kaya ang nangyari sa kaniya? wala naman kasi tayong natanggap na balita 3 years ago. Paano natin malalaman na siya nga si Vienna na kaibigan natin kung iniiwas naman siya sa atin ni Therese?" dugtong ni Enzo.
"Mayroon siyang kapatid si Vince, tanda mo? na-meet natin siya noong 1st year high school tayo, celebration ng birthday ni Vienna." Napa-isip naman si Enzo sa sagot ko, sana naalala pa niya. Noong mga bata pa kasi kami ni Vienna, never ko pang na-meet ang kuya niya, hindi raw kasi ito nakatira sa bahay nila. Pero noong birthday ni Vienna, 'yun pa lang ang unang beses na nakilala ko siya at nakilala niya 'ko. Nakikita ko siya rito sa university, team captain siya nang Engineering soccer team pero hindi pa namin siya nakakalaban sa laro.
"Ano naman ang plano mo? kahit nasa iisang university lang tayo hindi niya naman tayo pinapansin." Tama si Enzo, hindi kami kinakausap ni Vince ewan ko ba kung bakit. Nagkikita kami minsan dito sa university pero parang hindi niya kami kilala.
"Susundan natin siya mamayang uwian," sagot ko.
"Ano tayo stalker? mag-isip ka nga ng mabuti, baka ano pa ang isipin niya sa 'tin."
Ano naman kaya ang pwedeng gawin bukod dun? Kasi ako wala nang maisip na iba pang paraan. Hayss.. isa kang malaking QUESTION MARK sa'min Vienna.
VIENNA'S POV
Lunch time na namin ngayon pero kakain ako mag-isa kasi si Therese lumabas agad ng room at pumunta sa swimming club, may meeting daw. Tapos si Michelle naman busy din at sa council na lang daw siya kakain. Okay lang naman na mag-isa akong kakain, sanay na 'ko ro'n pero mukhang nasanay na 'ko sa presensya ni Therese at Michelle.
Inayos ko na ang mga gamit ko at pinasok ito sa loob ng bag ko. Si Sebastian um-attend na sa klase, siguro tapos na ang practice nila.
"Vienna sabay ka na sa'min," wika ni Sandra. Actually mabait siya at approachable pero hindi ko feel ang presence ng mga kaibigan niya.
"No need Sandra, okay lang thank you," sagot ko at nginitian siya.
"Sige Vienna, see you around." At umalis na rin sila ng mga kaibigan niya. Tumayo na rin naman ako ngunit bigla akong napasinghap nang makarinig ako ng tilian sa labas ng room. Nagtaka tuloy ako, naandito naman sa loob si Sebastian.
"Vienna may naghahanap sa 'yo rito sa labas," wika ni Lester. Sino naman kaya ang tinutukoy niya? lumabas na lang din naman ako para matingnan. Pero hindi ko naman kilala ang taong nandito at tinitilian ng mga kababaihan. Sino naman kaya siya? bakit niya 'ko hinahanap?
"Ako ba ang hinahanap mo?" takang tanong ko na ikinatahimik naman ng lahat. Ano naman ang akala nila na boyfriend ko 'to? Ngunit hindi ko man lang napansin ang presensya ni Sebastian, nasa tabi ko na pala siya. Akala ko pa naman dadaan siya pero hindi, nagtaka tuloy ako.
"Im Tine Alvarez, 4th year Engineering student. Kaibigan ng kuya mo, ngayon alam mo na kung sino ako." Kaibigan siya ni kuya? pero bakit ngayon ko lang ata siya nakilala. Ito na ba ang ganti sa 'kin ng kapatid ko? malalagot talaga sa 'kin ang tukmol na 'yon.
"Let's go, nagugutom na 'ko." At bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak paalis ng room. Naagaw tuloy ang atensiyon ng lahat, ano ba ang problema ng lalaking 'to? Inaalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero ayaw niyang bitawan tapos ang tangkad pa niya.
"Pwede bang tumigil ka muna? Hey! ano ba? kanina ka pa! sabing bitawan mo 'ko!" inis na sigaw ko. Bumitiw nga siya sa pagkakahawak ng kamay ko, parang gusto ko tuloy siyang sampalin.
"I can walk on my own okay? and I don't need you, tiyaka bakit ka ba nanghahatak? close ba tayo? Kaibigan ka lang ni kuya pero hindi kita kilala," naiinis na sambit ko sa kaniya. Nakakapikon siya actually, pero hindi siya sumagot at tiningnan lang ako.
"I'm sorry okay? gusto ko lang makaalis sa room mo, nakakairita kasi 'yung mga classmates mong babae. And yes, inutusan ako ng kuya mo na samahan kang kumain. Huwag ka nang magalit, nandito na rin naman na tayo pwede bang pumayag ka na lang?" sagot niya.
"Okay fine, payag na pero lumayo ka sa 'kin." At nauna na 'kong maglakad kaysa sa kaniya, sumunod din naman siya hanggang sa makarating kami nang cafeteria. Napatingin tuloy lahat ng estudyante sa'min nung sabay kaming pumasok.
"Ako na ang bibili, hanap ka na lang ng bakanteng table." Hindi na 'ko naka-react kasi iniwan niya na 'ko para bumili. Ayoko na rin namang mag-inarte, nagugutom na rin kasi ako. Nakahanap din naman ako ng bakanteng table at naupo na. After mga 15 minutes, nakabili na rin 'yung si Tine ng pagkain. Nilapag niya rin naman ito sa mesa, yung sa 'kin steak with rice and bottled water at ang sa kaniya naman menudo with 3 rice and 2 bottled water.
'Gutom na gutom yarn?'
"I know what you're thinking." Nabasa niya ang iniisip ko, kahiya!
"Gutom na gutom ka? hati na lang tayo rito sa steak, malaki rin naman 'to." Nagsisi tuloy ako sa naging approach ko sa kaniya kanina. Tapos itong si kuya napag-utusan pa siya na samahan ako. Hinati ko rin naman ang steak at nilagay ito sa plato niya.
"Mabait ka pala, thank you," nahihiya niyang sabi ngunit hindi na 'ko sumagot at kumain na lang.
"After lunch may practice kayo?" tanong ko at tumango naman siya. Paano ba naman kasi may laman ang bibig niya at punong-puno pa.
"Dahan-dahan lang, hindi ko naman kukunin ang pagkain mo," biro ko na ikinatawa niya.
"Oo, next Friday na kasi ang laro namin kaya todo practice kami," sagot niya nang mailunok niya na ang kinakain niya.
"Sino ang makakalaban niyo?" muling tanong ko. Ewan ko ba pero ang daldal ko yata ngayon.
"Political Science," maikling sagot niya. So sina Sebastian? pero bakit parang hindi naman sila nagpa-practice?
"Hi Tine," bati sa kaniya nang isang grupo ng kababaihan na lumapit sa table namin. Napatingin rin naman sila sa 'kin sabay irap. Are they really a seniors?
"I'm with someone, so leave," walang emosyong sagot ni Tine.
"Girlfriend mo ba siya? ngayon lang namin siya nakita na kasama mo," tanong ng isang babaeng matangkad. Umiwas na lang ako nang tingin dahil baka ano pa ang masabi ko.
"Kung sasabihin kong girlfriend ko siya titigilan niyo na ba 'ko?" Napatingin talaga ako bigla kay Tine nang sabihin niya 'yun. Pinagsasabi nito? nang-aasar ba siya? Pero bigla siyang lumapit sa direksyon ko sabay bitbit ng upuan niya. Ito na nga ba ang iniisip ko, ipapahamak niya 'ko.
Napasinghap ako nang bigla siyang umakbay sa 'kin at 'yung mga babae gulat na gulat habang nakatingin sa'min. Siniko-siko ko siya ngunit parang wala lang sa kaniya.
"Baby look at me." Mygaddd Tine anong balak mong gawin? Mapapatay kita kapag may sinabi kang kung anu-ano sa kanila.
"Hey baby look at me," malambing na usal niya at marahang hinawakan ako sa baba para iharap sa kaniya.
"I love you," agad niyang sabi na ikinagulat talaga ng lahat lalo na ako. Kinakabahan ako sobra.. this time I'm dead.
*************
"Ayieeee Vienna.. kinikilig ako. Kung nandoon lang talaga ako sa cafeteria, masasakal kita."
Ngayon lang ako nagsisi kung bakit ako sumama sa tukmol na 'yun kundi pinag-uusapan na ako nang lahat. Ang bilis mag-spread ng chismis kahit na fake lang 'yun, kaasar! Pagkatapos ng gano'ng eksena hindi na 'ko tinantanan ng mga fans niya. Panay tanong kung kailan naging kami, ang iba naman binati ako at sinabihan ng congrats pero yung iba, ang sasama ng tingin sa 'kin. Parang gusto ko na lang hilingin na lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.
"Michelle tumigil ka nga, sasabunutan na talaga kita." She's with me now at kanina pa niya 'ko inaasar.
"AHAHAHAHA friend ang gwapo kaya ni Tine. Maputi, friendly, matangkad, sporty, makinis, walang pimples o scars." 'Yun talaga ang napansin niya, ang sarap niyang sabunutan, gigil niya 'ko.
"VIENNAAAAA!!!!" Here she comes, no other than si Therese. For sure, aasarin din niya 'ko at tutuksuhin kay Tine. Pagkarating niya sa direksyon namin, umakbay agad siya sa 'kin at niyugyog ako.
"Ano ang feeling na sinabihan ng I love you ni Tine Alvarez?" I rolled my eyes at inalis ang kamay niya na nakaakbay sa 'kin.
"Wala, I don't feel anything. Ang na fe-feel ko ngayon, inis at galit dahil sa ginawa niya."
Alam ko naman na ginawa niya lang 'yun para tigilan siya ng mga babae kanina pero kainis lang talaga dahil 'yon pa ang sinabi niya.
"Hindi ka man lang ba kinilig? ang gwapo kaya ni Tine," dugtong pa ni Therese. Nag-apir naman silang dalawa ni Michelle. Natutuwa pa talaga sila habang ako naiinis na, kagigil 'yung si Tine ito pa lang ang unang pagkikita namin pero pinahamak niya na 'ko.
"Ako? Kinilig? ASA!" inis na sagot ko.
Kapag nakita ko ulit ang tukmol na 'yun, malalagot talaga siya sa 'kin. Ano ba namang araw 'to? nakakaasar, nakakapikon at nakakainis. Tama si kuya, maiiyak talaga ako. Grabeng ganti naman 'to sa 'kin, hindi nakakatuwa.
VIENNA'S POV Wala namang ibang ganap noong weekends pero chinichismis pa rin ako sa social media. At yung si Tine panay ang sorry sa 'kin through text, messenger, f******k at email. Wala akong idea kung paano niya nalaman ang social media accounts at number ko. But I think because of my brother and you know what, pagkauwi ko no'ng Friday 'di niya 'ko tinigilan sa kakatukso kahit na oras na ng pagtulog ko tinutukso niya pa rin ako. Tumigil lang ang pang-aasar niya sa 'kin nung wala siya sa bahay dahil sa soccer practice. Nalaman ko na lang kay Therese by Sunday morning na nai-post na sa social media yung tungkol sa'min ni Tine. An'daming against kahit hindi naman 'yon totoo, an'daming nag-post sa mga f******k walls nila about me and Tine. Wala naman akong pakealam tungkol do'n pero nakakairita na kasi, an'daming nagddm sa 'kin. Kaya na i-deactivate ko ng wala sa oras ang lahat ng account ko sa social media dahil sa mga fans ni Tine. This
VIENNA'S POV Kinabukasan, close na ang registration sa Music Club dahil nga sa sumobra na ang mga sumali. Kaya yung iba nanghinayang at nalungkot. Ang unfair lang kasi ang mas deserving na makapasok sa club hindi nakasali dahil lang sa mga fans ni Sebastian. Hindi muna sila nag-isip ng maayos bago sila sumali. Bitbit ko lang ngayon ay ang gitara ko, wala na rin namang klase at continue pa rin ang event. Gusto kong mag-practice sa tahimik na lugar kaya naisipan kong sa Music Department ako pupunta. Nakapagpaalam na rin naman ako kaya ayos lang na pumasok ako ro'n para mag-practice. Kina-reer ko na ang pagsuot ng sombrero, yung cap na bigay ni Britt kahapon plus pa na sobrang init ng panahon kaya kailangan ko ito ngayon. Nakarating naman ako ng Music Department, tamang-tama lang ang dating ko kasi walang tao. Kompleto naman na pala ang mga instrume
VIENNA'S POV Hindi ako pumasok kinabukasan hindi dahil sa umiiwas ako kundi dahil sa magpa-practice ako buong araw. After nung nangyari, hindi na 'ko nagtagal pa sa university, umuwi na 'ko agad before lunch. Kumalat na sa social media ang litrato namin ni Sebastian at naging usap-usapan na rin ito sa university. Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nagpa-practice. Kabisado ko naman na kaso inuulit ko para maging perfect. Kasama ko rin ngayon si kuya, mamayang 1 pm pa ang practice niya tapos si mom at tito nasa trabaho na. "Vienna.." Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pinto, si kuya. "Yes?" sagot ko na lang. "Kakain na, nakahanda na ang lunch sa baba," sabi niya pero umiling ako, 'di pa naman ako nagugutom. "Hindi ka pupunta ng university?" tanong niya at umiling na naman ako bilang sagot. "Vienna iwasan mo nga si S
TINE'S POV After naming kumain ng dinner, niyaya ko muna si Vienna sa garden para na rin makausap ko siya at maging malinaw saakin ang lahat. Nagtataka kasi ako kanina, nameet na ni mom si Vienna before pero bakit hindi ko siya nameet sa kaarawan ni Vince? How come eh nandoon ako sa celebration? alam ko si Vienna lang ang makakasagot nito. Nakaupo siya sa isang swing, alam kong nag-iisip siya at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya kanina. My mom still remember her pero siya hindi na, kahit matagal na panahon na 'yun I still remember what happened sa party. Naupo naman ako sa bakanteng swing at tiningnan siya pero nakatingin siya sa malayo. Anong nangyari kaya sa kaniya before? bakit parang wala siyang naaalala? "Vienna, is it okay to ask you some questions?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot. "If nameet ka na ni mom before, how come na hindi kita nakilala
SEBASTIAN'S POVNakasunod lang kaming tatlo sa likod nina Vienna pero hindi niya napapansin ang presensya namin. Kanina ko pa siya tinitingnan mula no'ng magperform siya hanggang sa puntahan siya ni Tine kasama si Vince na kapatid niya. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga si Vienna ang nag-iisang babaeng minahal ko noon pero nawala na parang isang bula. Bumalik siya na parang hindi ako kilala, na parang bago sa kaniya lahat ng mga nakikita niya. Is she pretending? palabas lang ba ang lahat para hindi niya pagsisihan ang ginawa niya sa'kin noon?Her personality, the way she speak to someone, hindi siya gano'n at ibang-iba sa nakilala kong Vienna 7 years ago. She is not the woman I staring now, anong nangyari 3 years ago? How come na hindi niya 'ko naaalala?"Dad hindi ako sigurado kung siya nga si Vienna pero magkamukha silang dalawa. Hindi sila magkapareho nang ugali pero ramdam ko dad na siya nga 'yun," sabi ko kay dad.
VIENNA'S POVAfter matapos ng game, everything was going back to normal. May ilan na hindi pa nakakamoveon sa laro at ang iba natutuwa pa rin sa resulta. It's already 10:30 am at napili naming dito tumambay sa cafeteria. Until now, nag-aalala pa rin ako kay Sebastian."Hoy Vienna! saang lupalop na ng mundo tumatakbo 'yang utak mo? kanina ka pa tahimik diyan." Tiyaka lang ako nagising sa reyalidad nang magsalita si Michelle. Nakatingin na pala silang dalawa sa'kin pero hindi ko man lang ito napansin, napabuntong hininga naman ako bigla."Nag-aalala ako kay Sebastian," sagot ko na ikinagulat naman nilang dalawa."Ha? bakit ka naman nag-aalala sa kaniya? Hindi naman sinasadya ng kuya mo yung nangyari sa kaniya, nanunuod kaya ako," wika ni Therese. Ewan ko nga rin eh, hindi ko alam kung bakit ako sobrang nag-aalala sa taong 'yun. We're not even close at minsan lang din kami nag-uusap.
VIENNA'S POV It's Saturday in the morning at wala pa 'kong balak lumabas ng kwarto, nakahilata pa rin ako sa kama. But suddenly, I remembered what we did yesterday. We really enjoyed, pumunta kami ng mall para magshopping, naglaro sa timezone at kumain ng kung anong magustuhan naming kainin. Syempre libre ko 'yun, hindi naman ako nagsisi natutuwa pa nga ako kasi dahil sa mga ginawa namin nakalimutan ko ang mga nangyari kahapon sa university. Pumunta rin kami sa shop ko, si Therese hindi pa rin makapaniwala na sa ganitong edad ko may sarili na 'kong business. Pinakain ko naman sila ng binake kong cupcakes then pinatake out ko rin sila ng cakes, pambawi sa effort nilang dalawa. After nun, umuwi na rin kami at sobra akong napagod pero worth it naman kasi nag enjoy talaga ako. Thanks to them, I really appreciate their love and concern. Nag vibrate naman ang phone ko and I check it, si kuya RJ. Fr
VIENNA'S POV Nasa biyahe na 'ko papuntang studio, I received a 30 text from kuya RJ at ang laman lahat ng 'yun "where are you?". I just rolled my eyes, kanina pa raw siya naghihintay sa'kin sa parking lot eh hindi ko naman siya sinabihan na hintayin niya 'ko. After 45 minutes, nakarating na rin naman ako sa parking lot ng studio and he's waiting me there. Pagkababa ko nang kotse sinamaan niya 'ko ng tingin, inirapan ko na lang siya. Sumakay na lang din naman ako sa kotse niya at sumakay din siya. "Ano ang kakantahin mo mamaya?" he asked. Hindi ko pala siya sinabihan kasi wala rin naman sa plano ko na sabihin ito sa kaniya. "Malalaman mo rin 'yon mamaya," tanging sagot ko. I realized na panay kanta lang ako ngayong araw, una do'n sa park pangalawang beses 'yun tas mamaya ulit do'n sa station. Sumasakit na talaga ang lalamunan ko, bakit pa kasi ako pumayag? "Parang pagod