Share

CHAPTER 5

Third Person POV

“From now on…You are no longer permitted to eat with us,” ani Zacharias ng makarating sila ni Maverick sa kaniyang kwarto.

“Yes Sir,” sagot ni Maverick nagtataka man ay hindi na nagtanong pa. Natatakot na bawiin pa ni Zacharias ang sinabi dahil para sa kaniya ay hindi na niya kakayaning tikman pa ang pagkaing iyon. Kaya nga lubos ang kaniyang pagkamangha nang magawa ni Zacharias na ubusin ang putahe.

“Nakahanap ka na nang mapagtataguan?” tanong ni Zacharias kay Maverick pagkainom nito ng tubig na nasa kaniyang bed side table.

“Hindi pa. Itong bahay na ito kung nasaan tayo ang pinakamagandang pagtaguan dahil doble ang seguridad dito at mababantayan natin pareho,” sagot ni Maverick, hindi iyon sagot dahil tamad siyang maghanap sadyang iyon ang mainam na solusyon.

“Makakaalis ka na,” ani Zacharias habang isa-isang tinatanggal ang butones ng kaniyang polo.

Yumuko si Maverick at tahimik na lumabas sa kwarto ni Zacharias.

Nang mapag-isa ay pumikit ng mariin si Zacharias at pinisil ang kaniyang sintido. Nanonoot ang alat ng kaldereta sa kaniyang lalamunan hanggang ngayon. Kung hindi lang dahil sa sinabi niya ng umaga ay hindi na sana niya pinagtiisan ang pagkaing pambasura ang lasa. Kaya naman kahit alam niyang sadya ang pagkakaluto ay tinanggap niya dahil sa kasalanan niya.

Pumasok si Zacharias sa kaniyang closet at binuksan ang ilaw nito sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita ang malaking picture frame ng isang babae. Maikli at maitim na buhok, saktong kapal ng kilay, maliit ngunit matangos na ilong, mapulang mga labi at matalim na mga mata. Iyon ang itsura ng babaeng binabantayan niya sa loob ng dalawampung taon.

“Ziantynna Quinzel–Lamprouge,” ani Zacharias habang nakatingin sa larawan nito sa gitna ng kaniyang walk in closet inaalala ang pagsuot nito ng pajama sa hapag kainan. Bumuntong hininga siya at umiling at saka nagtungo sa comfort room.

---

“Nasaan si Zacharias?” tanong ni Satana pagkadating sa dining area kinaumagahan.

“Maaga pong umalis,” sagot ni Cecilia.

“Si Yollie?”

“Inutusan ng Mayordoma na sumama sa kaniya sa palengke.”

“Salamat pupwede mo na akong iwan,” ani Satana kay Cecelia pero agad din nitong pinatigil ang huli sa pag-alis ng may maalala, “saglit pala, ikaw iyong natira kagabi rito kasama nila Zacharias hindi ba? Naubos niya ba ang iniluto ko?”

“Opo, Miss. Matapos ang unang subo ni Sir Maverick ay hindi na ito umulit pa tanging si Senyor Zacharias na lang po ang umubos ng lahat.” Nakangiting sagot nito na para bang kinikilig kaya naman tinanguan ko na ito at pinasalamatan.

Pagkaalis ni Cecelia ay tahimik na kumain ng almusal si Ziantynna ng mag-isa, nag-iisip kung paano maiinis ang kaniyang asawa na wala atang pakiramdam. Bumuntong hininga ito at uminom ng tubig matapos kumain tinawag si Cecelia at nagpatimpla ng kape at pinadala sa library ng bahay.

Nang makapasok sa library ay inilibot nito ang kaniyang mga mata na napuno ng pagkamangha sa bawat detalye ng library, mistula bang dito shinoot ang kaniyang paboritong Disney movie na Beauty and The Beast dahil sa pagkakahawig ng bawat detalye. Ang naiiba lang ay ang nasa pagitan ng dalawang hagdan at sa gitna ay isang painting ng gwapo at matipunong lalaki.

Hindi mapagkakaila ang kagwapuhan ng kaniyang asawa maari itong mag-artista o maging modelo kung nanaisin nito dahil kahit na meron itong kapansanan panigurado ay hindi iyon mapapansin dahil sa mukha nito na mabilis kang maaakit. Ipinilig ni Ziantynna ang kaniyang ulo sa naisip, hindi makapaniwala sa naisip sa kaniyang asawa.

“Miss,” tawag ni Cecelia sa kaniyang amo na kanina pa nakatingin sa painting ng kanilang senyor. Gusto man niyang tuksuhin ay hindi niya magawa dahil hindi siya kasing tapang ni Yollie.

“Maari mong iwan diyan,” ani Ziantynna rito habang turo ang lamesa na nasa harap ng sofa. Maingat na inilapag ni Cecelia ang kape sa lamesa.

“Kung may kailangan pa ho kayo tawagin niyo lang po ako,” ani Cecelia at isang ngiti lang ang isinagot ng huli dahilan ng kaniyang pagkagalak.

Lumabas si Cecelia ng library na may ngiti sa labi iniisip na ibang-iba ang kanilang Mistress sa babaeng laging bumibisita sa Senyor. Kaya naman buo ang desisyon niya at ng iba pang mga katulong ang pagtrato kay Ziantynna ng maayos upang hindi nito isiping umalis pa ng bahay at iwan ang kanilang Senyor.

Nang maiwan si Ziantynna sa library ay bumuntong hininga ito at kinuha ang kape at inamoy ang aroma nito napangiti siya ng maalala ang Lalove Café na lagi nilang tinatambayan noon ni Zayleen.

Habang iniinom ang kape ay lumibot si Ziantynna sa library natutuwa itong pagmasdan ang iba’t ibang art pieces na naroon ngunit natigilan ito ng makita ang isang pamilyar na painting. Isang batang ahas na mayroong berdeng mga mata sa gitna ng kagubatan sa ilalim ng pulang buwan.

“Lamia,” banggit ni Satana sa art piece na napakalapit sa kaniyang puso dahil ito ang kauna-unahang painting niya noong siya ay fifteen years old na nanalo sa isang painting contest. Ngunit hindi na niya muli pang nakita ito dahil ayon sa eskwelahan ay kailangan nila itong pangalagaan.

Paanong napunta ito rito? tanong ni Satana sa kaniyang isipan naputol lang ang kaniyang malalim na pag-iisip ng tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niyang inilapag ang tasa ng kape na kaniyang hawak at kinuha sa bulsa ng kaniyang dress ang cellphone.

“Satana!” bungad kay Satana ni Zailee.

Si Zailee ay pinsan ni Zayleen kaya naman naging kaibigan ni Satana ito ngunit ng mamatay si Zayleen ay nangibang bansa ang pamilya nito habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyari. Ngunit ilang taon na ang nakakalipas ay walang nakuhang impormasyon ang pulisya.

“Zailee?” ani Satana.

“Ako nga! Namiss kita Satana, pumunta ako sa bahay niyo kahapon at sabi ng Daddy mo ay ikinasal ka na raw? Ito ba yung lalaking na ipinagkasundo sayo?” Buong ingat na banggit nito sa huli, alam nito ang pagiging sensitive ko sa issue na ito.

“Oum.”

“Oh natuloy pa rin pala,” ani ni Zailee puno ng panghihiyang ang boses dahil nais niya sanang ipakilala rito ang kaniyang pinsan.

Pangarap nilang dalawa ni Zayleen na mapabilang si Ziantynna sa pamilyang Gabriel noon pa man. Noong mga bata kasi sila ay natutuwa sila na parehong sa letter Z nagsisimula ang kanilang mga pangalan at tumagal ay naging matibay ang relasyon nila bilang magkakaibigan. Nagulo lang ang lahat ng mamatay si Zayleen.

“May sasabihin ka pa?” tanong si Satana kay Zailee.

“Ah yes, may party kasi ako mamaya get together lang pang-welcome sa pagbalik kong muli rito sa pilipinas. Kung pwede sanang pumunta ka?” Maingat na tanong ni Zailee kay Satana. Tatanggi sana si Satana ng maalala ang pangalawang rule ni Zacharias.

“I will go just text me the time and location,” ani Satana at matapos ang ilang kamustahan ay nagpaalam na.

Muling sumulyap si Satana sa painting at ngumiti.

“Sa susunod na kita iisipin sa ngayon ay pasasakitin ko muna ang ulo ng nagmamay-ari sayo,” ani Satana sa painting at may ngisi na uminom ng kape.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status