POV: MckenzieLarawan ng isang kagalang galang at matipunong lalaki ang diskripsiyon sa hitsura niya. Binabati siya ng lahat ng naroroon. Ginawa niyang share hilder ang kaibigan niyang si Elmer upang magkaroon siya ng bagong venture. Ang kabuuan ng airport na iyon ay majority ang kanyang share. Siya ang tumatayong chairman sa ngayon.Lahat ng alaala nila ng dati niyang asawa ay nakikita niya sa dating opisina, kaya mas pinili niya na maghanap pa ng ibang pagkakaabalahan.Pero hindi siya abusado, pumipila siya sa lahat ng transaction at nagkukunwari na regular na pasahero. Maaari na rin siyang magpalipad ng eroplano. Ginawa niyang busy ang sarili niya."Hi sir," bati sa kanya sa immigration."Good morning," kaswal niyang sagot dito."Ano ba yan, ang tagal naman," narinig niyang reklamo ng iba sa kabilang linya ,"matagal pa ba yan?""Kung nagmamadali ka, lumipad kang mag isa," sagot ng isang staff."Excuse me?" lumipat siya ng window at kinausap ang staff doon, "what did you say?""It's
Nakangiti si Camilla paglingon sa kanya, subalit agad napawi ang ngiting iyon, ng magtama ang kanilang mga mata. Namutla ng bahagya si Camila at agad nag iwas ng paningin."Camilla?" nilapitan niya ito. Sinenyasan siya ng babae, na wag maingay. Nauunawaan naman niya ito."You know her mama Cam?" inosenteng tanong ng bata."Ah-- eh, no baby, baka akala niya lang kilala niya ako," pinanlakihan siya nito ng mata."Ah, akala ko kilala ko ang mama mo, hindi pala."You called her Camilla, right?" tanong ng bata."No-- no.. I said, sa kabila. May nakita kasi akong kakilala ko doon sa malayo," sagot niya sa bata."Thank you sir for helping me," yumakap pa ito sa baywang niya."Baby, baka may gagawin pa siya, let's go na.." tawag ni Camilla sa bata.Napatingin siya sa babae na panay ang iwas ng mata sa kanya. Binuhat niya si Ivy, saka lumpait kay Camilla. Pagkababa niya sa bata, binulungan niya ang babae."May anak ka na pala?" tanong niya dito."Ha? ah.. eh.. oo, meron na," nauutal nitong sag
POV: Jillian"Mauna na kayong umuwi ni Ivy, kailangan kong dumiretso sa presscon," tinawagan niya lang si Camilla, "kakatawag lang kasi sakin ni Jamill, andito na yung team natin dito sa Pinas.""Oh, sige, mag usap na lang tayo pag uwi mo," sagot ni Camilla.Sanay na siya sa ganitong kalakaran sa industriya, hindi siya tumatanggi sa lahat, kahit ribbon cutting, kapag wala siyang schedule, pinupuntahan niya. Walang naging pangit na usapin tungkol sa kanya. Kilala siya sa industriya bilang Miss Nice. Mapagpakumbaba siya sa lahat ng pagkakataon, dahil iyon ang imahe na gusto niyang dalahin sito sa Pilipinas.Brand Ambassadress siya ng isang make up line na sila ni Camilla ang nag mamay- ari. Sikat iyon sa Korea, kaya dinala nila dito sa Pilipinas. Ang team sa Pilipinas na kanilang distributor ang may papresscon, dahil doon lang daw available ang model nila na si Tamara.Tama, pumayag silang makasali dito si Tamara, para mas mapalapit siya sa babae, at mabilis niya itong mapabagsak. Nagi
"Are you Jilly?" tanong sa kanya ng babae, "nice to meet you, ang pretty mo in person." nagbeso pa ito sa kanya."You must be Tamara.." sabi naman niya."Why? you don't know me?" tanong nito."Not really," ngumiti siya dito.Nakita niya ang ekpresyon ng babae. Pinipigilan nitong mairita. Ngumiti lang ito sa kanya na nanlalaki ang butas ntg ilong."Maupo na kayo, sabi ni Jamill sa kanila."Good day everyone! my name is Earl, and I will be hosting this event. For today, we are happy to introduce you.. The Twin Jica Cosmetics. This is originally from Korea, and now, this will be available in the Philippines!" pauna ng host. Nagpalakpakan ang mga nanonood sa presentation ng kanilang products."Aside sa cosmetics, meron din silang mga perfume, bags, clothes, shoes, etchetera na mabibili lang sa lower prices!"Naglabas ng mga informative videos about sa products. Mga sikat na Korean influencer ang nagpapatunay na maganda talaga ito sa balat kahit pa buntis ang gagamit.Nagpalakpakan pa ang
"Jillian!" agad siyang hinatak ni Camilla sa kabilang sulok. "Aray ko naman Camilla, baka madapa ako, bakit ba?" nabigla siya dito. "May kailangan kang malaman, coincident ang nangyari.." "Ano bang pinagsasasabi mo? straight to the point na nga." "Nagkita sina Ivy-- at Mckenzie." "What?" nabigla siya, "anong nangyari?" "Bumitaw si Ivy sakin sa loob ng airport, hinanap ko siya, si Mckenzie ang nakakita sa kanya." "Oooh, anong sabi mo?" bigla siyang kinabahan dito. "Ang akala niya, anak ko ang bata.." "Hindi ka tumanggi?" "Hindi na, alangan namang sabihin ko na hindi ko anak to, paano kung mag usisa?" "Tama.. siguro, wag na muna natin silang palabasin? ionline class na lang.. para kahit anong oras na bumalik tayo abroad hindi masisira ang pag aaral nila." "Kinabahan nga ako kanina, dahil nagkita ulit kami sa parking lot. Hindi ko lang nasabi agad sayo, dahil gusto kong malaman mo kapag magkasama na tayo." paliwanag ni Camilla. "Hmmm, naalala ko noong malaman kong buntis ako
"Hinihintay niyo pa ba ang great love niyo sir? so, totoo na nagkaroon kayo ng asawa?" tanong dito."I don't want to talk about my personal life, but let me answer that question. I love her so much.. Hinahanap ko siya, pero hindi ko siya matagpuan.""Sir, ito ba ang J.P na tinutukoy ni Tamara? is it true na hiwalay na kayo ng singer actress?""Matagal tagal na kaming hiwalay. Nakikita niyo man kaming magkasama, yun ay dahil minsan, nasa iisa kaming event. Saka bilang respeto na lang din sa naging past namin, at sa parents niya na labis kong tinitingala, kaya hindi ko na ito masyadong inoopen publicly.""Paano kung makikita niyo ang great love niyo ngayon sir, anong gagawin niyo?""I love her, and I respect her, so wala akong gagawin. Masaya na ako kung nasaan man siya at kung ano man ang naabot niya.""Yan ba ang dahilan kung bakit bachelor pa rin kayo ngayon?""Hahaha kayo talaga.. kung ano ano na ang itinatanong niyo sakin..."Pinatay niya ang T.V."Mommy, bakit po?" tanong ni Ivy,
Tinawagan agad niya si Elmer pagdating niya ng kanyang condo..Ring!!!Ring!!!Ring!!!"Yes Mr. Sandoval?" sagot buhat sa kabilang linya."Mr. Sandoval ka diyan, nasaan ka?" tanong niya habang nagpipindot sa laptop para mag order ng pagkain."Nasa office, bakit?""Pumunta ka dito sa condo after office hours, may sasabihin ako sayo.""Baka puro kalokohan na naman yang sasabihin mo sakin ha?" kinakabahan ito sa tuwing tinatawag niya ng biglaan, dahil minsan, nakipagkwentuhan lang siya dito ng kalokohan, kahit sinabihan niya ito na emergency."Hindi no, anong kalokohan ang sasabihin ko? eh kakagaling ko lang sa China, wala pa akong maisip na kalokohang gagawin sayo.""Napanood ko ang interview mo kanina ah. Gagi ka, baka mapanood ni Tamara yun, sugurin ka na naman.""Hayaan mo na nga ang babaeng yun, alam mo namang reyna ng kaplastikan yun eh. Wag ka ng magdadala ng food, nag order na ako." bilin niya sa kaibigan. Masyado kasi iyong generous, kaya minsan, nagdodoble doble ang pagkain nil
POV: Elmer "Bakla ka no?" nasa loob sila ng opisina. Nagbabanyo ang kaibigan niya ng mga oras na iyon. May ipinagawa kasi ito kay Camilla. "Anong bakla? halikan kita diyan eh.." sabi niya dito. "Subukan mo lang, hindi mo naman kaya.. kasi nga, isa kang trans woman hahaha" pang aasar nito sa kanya. "Kung nabubuntis kaya kita ngayon?" inis na inis siya sa babae. "Buntisin mo aso niyo. Hindi nga ata tumitigas yan, tuli ka na ba?" Dinaklot niya sa leeg ang papae, na nagulat sa biglaan niyang paglapit. Para itong papel, na nung mahawakan niya sa leeg at mahalikan, ay niyakap niya sa bewang saka inangat. Maliit lang ito kaya madali para sa kanya ang gawin iyon. Saka niya ito ibinaba. "Now, tell me, masarap bang humalik ang bakla?" tanong niyang nakangisi. Bigla itong tumayo, "a-aalis na ko--" tumakbo ito sa pinto, ngunit hindi nito iyon mabuksan. "Hindi yan mabubuksan ng wala kang card na gaya nito," itinaas niya ang keycard niya. Binuksan niya ang pinto. Nagmamadali itong lumaba