POV: Jillian"Commercial?" gulat na gulat siya sa sinabi ni Jamill. Nasa loob sila ng opisina ng lalaki."Oo, malaki ang tf na ibibigay nila, one year contract, five million.." sagot nito. "Tungkol lang sa crackers.. parang pag aagawan niyo yung lalaki, tapos, nung makita niyo ang crackers, iniwan niyo yung guy.. ganun lang..""Pero may gagawin pa tong mini series hindi ba?" sabi naman ni Camilla, "baka hindi kayanin ng oras..""Mabilis lang naman. Saka, gagawa kayo ng collab ni Tamara hindi ba?" sabi pa ni Jamill."Pwede pagkatapos ng concert ko? parang mahirap kasi na may mga rehearsals pa ako. Alam mo naman na ayoko ng gahol sa oras ay walang pahinga. Gusto kong makapag bonding pa kami ng mga fans ko,\." sagot niya dito."Sige, sasabihin ko sa kanila na after concerts mo na lang. By the way, regarding diyan, ubos na ang VIP tickets mo. Ang dami ang nag aavail pero wala na talaga tayong maiibigay. Yung malayong box na lang ang available. Congrats sayo.." bati sa kanya ni Jamill."Eh
"Hi Tamara.." bati niya sa babae na nakasalubong niya sa hall."Oh hi.. Jilly!!" nakangiti ito sa kanya, "Hindi ko nasabi sayo na, I'm a big fan..""Oh, thank you.. Nakakaflatter naman na ang isang gaya mo ay iidolohin ang isang gaya ko lamang.." nahihiya niyang sagot dito, as par of the act."Ang ganda kasi ng singing voice mo, saka, kahit koreana ka, ang galing mong managalog ha.." nakangiti pa rin ito."Alam ko kasing maraming fan dito sa Pilipinas kaya talagang nag aral muna ako. May pupuntahan ka ba? you can join me, kakain ako, wala kasi akong kasama kundi mga body guards.""Oh sure, wala rin akong kasama ngayon."Hinawakan niya ito sa braso, "let's go.."Masaya silang nagkukwentuhan habang naglalakad."You know what, I think, magiging bff tayo," sabi pa nito habang nakatingin sa malayo. Lihim siyang napangiti."Talaga? alam mo, the feeling is mutual, yan din kasi ang nararamdaman ko eh," tugon niya sa babae.Sa backstage sila dumaan upang hindi makita at pagkaguluhan ng mga fan
"So, yung Jillian na yun, pinagselosan mo?" tanong niya dito. Nawalan na siya ng gana pagkain."Nope.. hindi ako magseselos dun, pangit yun eh. Medyo nahurt lang ako, kasi nga, parang hanggang ngayon, yun pa rin ang ginagamit niyang pagpapaselos sakin na sinasabi niyang great love. Bata pa lang kasi kami, alam ko ng para kami sa isa't isa ni Mckenzie. Nagkataon lang na ang karir na pinili ko, ay hindi ang karir na pinili niya.""Sa bagay..""Oh, kumain ka pa.." sabi nito.Tinikman niya ang mango float, "ang sarap nito.""Best seller nila yan dito. Anyway, nasaan na ba ako?""Dun sa karir at great love.""Yun, bale akala niya, magseselos ako sa babaeng yun. Eh, ano namang panama sakin nun. Saka sabi naman niya, tinikman niya lang yun.""Bakit ganun pa rin ang mga isinasagot niya sa interview?'"Nawawalan na kasi ako ulit ng time sa kanya, kaya ayan, nag iinarte na naman.."Nakinig lang siya ng nakinig sa kwento ng babae. Wala siyang ibang sinabi tungkol sa kanya. Hinayaan niya lang ito
"Oh my God, Jilly?" kilig na kilig ito saka niyakap siya, "grabe, nananaginip ba ko? totoo ka ba?" sobrang saya nito ng lapitan siya. Akala niya noong una, nakilala siya ng babae. "Maupo ka," sabi niya dito. "Oh my.. hindi pa rin ako makapaniwala.. Alam mo ba, fan na fan mo ako. Inubos ko ang savings ko, mapuntahan ka lang sa Korea," kilig na kilig ito, "kaso, hindi ako nakalapit sayo, kaya sabi ko, sa concert mo dito, pupunta talaga ako ulit, at hindi ako papayag na hindi ka malapitan, pero ngayon, ito, kaharap kita.." "Salamat naman kung ganun," nginitian niya si Suzie. Nawala ang ngiti nito," may kahawig kang ngumiti.." "Oh? sino?" bigla siyang kinabahan. "Ah.. wala.. dati ko lang kaibigan," bigla itong nalungkot. "Dati?" "Wala yun.. matagal na yun. Hindi na nagparamdam sakin. Kumusta na kaya siya?" napabuga ito ng hangin, "anyway, akala ko, kahawig mo lang yung kasama ni Tamara kanina, ikaw pala yun, ang galing mong managalog ha." "Wag ka na lang maingay.. pinoy naman kas
Dinala niya si Suzie sa kanilang studio, kung saan, meron doon na dalawang kwarto. Ipinaliwanag niya ang mga gagawin dito. "Mag isa ka lang dito, ikaw ang gagawa ng lahat. Alamin mo kung hanggang saan ka," sabi niya sa babae, "may mga bagay na akala mo, walang kabuluhan, ngunit hindi mo alam, sinusubukan ka lang. Gusto kong makilala ka rin sa larangang ito, kaya hindi pagiging bratinela ang paiiralin mo, maliwanag ba?" "Maliwanag Miss Jilly." Magpahinga ka na, bukas, magsisimula ka na ng mga gagawin mo. Kahit saang kwarto ka pumunta diyan, pwede. Wag kang lalabas ng studio, para makapag focus ka." bilin pa niya. Iniwan na niya ito. Ang hindi nito alam, ang salamin nito, ay isang transparent wall sa labas. Makikita nila kung ano ang ginagawa ni Suzie. Alam nila kung mag aattitude ito o hindi. KINABUKASAN.... Nakita niya, na gising na ito ng alas singko. May nakalagay na note, na linisin niya ang studio, bago patugtugin ang USB na nakapasak sa TV. Pasipol sipol pa ito, habang nag
"Hoy, Suzie!! gising!!" si Camilla iyon. Tanghali na ay tulog pa si Suzie."Hmmmm... " napamulagat ito ng makita sila, "hala, anong oras na? apas siyete na pala.. pasensiya na kayo," nagmamadali itong tumayo."Suzie, relax," nakangiti niyang sabi dito, "maligo ka na. Para makakain.."Lumabas na sila ni Camilla sa kwarto nito. Nagpahain sila ng pagkain na masarap. Dalawang linggo nang hindi kumakain ng masarap si Suzie."Magaling ba yang ikocoach ko?" tanong ni Lena."Icoach mo na lang, bahala ka na kung magaling siya oh hindi," sabi niya dito, "kailangan mailaunch ko na siya sa concert ko. Yun ang hinahabol namin.""Bakit minamadali? ano bang meron?" tanong ni Lena sa kanya, naupo ito sa upuan paharap sa dining, "bakit ang daming pagkain? bibitayin na ba yan?""Gaga..!" sagot ni Camilla dito, "maldita kasi noon ang babaeng iyan, kaya tiningnan namin kung hanggang saan siya tatagal. Two weeks sis.. two weeks na nagtitiis.""Aba, ay magaling! mukhang hindi tayo mahihirapan diyan. Ang da
"Jillian!!!" niyakap siya ni Suzie, "sabi ko na nga ba.. nararamdaman kong kilala kita... Kumusta ka na? Ang tagal kitang hinanap.. nag aalala ako sayo.. Hindi ko pa naman kilala kung kanino ka sumama.." iyak ito ng iyak."Akala ko-- hindi mo malalaman na ako ito," napaluha na siya na niyakap ang babae."Nung una kitang makita, kaya ako napatitig sayo, kasi ikaw ang naisip ko, nahihiya lang ako," sagot nito sa kanya."Ang laki na nga talaga ng ipinagbago mo," sabi niya sa babae, "naging maayos pala talaga ang buhay mo ngayon, kumpara noon.""Umalis na rin ako sa bahay nina kuya Mckenzie noong umalis ka. Nawalan ako ng gana sa kanya eh. Tapos, nagtry akong maging singer sa mga sikat na lugar, pero, tuwing tinatanggap ako, bigla nila kacancelin. Kaya kahit ayaw ko, kay Lola Lhiz ako nagsabi, pumayag naman siya. Hindi kasi masakop ni Tamara ang management ni lola," kwento ni Suzie, "ikaw? ano ng ganap sa buhay? nasaan ang mga bata?""May pinagsabihan ka ba na.. na hindi naman ako nakunan
POV: Mckenzie"Paanong mawawala si Suzie? ilang araw na siyang hindi pumupunta dito?" malakas ang tinig niya na tanong sa manager."Dalawang linggo na sir," sagot ng manager."Dalawang linggo? seryoso kayo? hindi niyo man lang inalam kung saan siya pupunta?" inis na sabi noya dito. Kung hindi pa tumawag ang lola niya, hindi niya malalaman na wala na doon ang pinsan."May sinamahan po siya, singer sir.. si Miss Jilly.." sagot nito."Sigurado ba kayong yun ang kasama? hindi kaya, na scam ang pinsan ko?" tanong niya dito."Pumunta po si Miss Jilly dito, kasama po si Tamara. Parang inalok po ni Miss Jilly si ma'am Suzie, upang maging singer.""Tamara naman ngayon? kanina Jilly, ngayon, Tamara!" inis niyang bunsol sa manager na iyon."Sir, nawala ang mga kopya ng CCTV natin," sabi ng isang waiter. Doon pa siya lalo nagalit."Mga punyemas!!! saan ko hahanapin ang pinsan ko?" nakakunot niyang sabi."Ah, sir.. si Miss Jilly po talaga ang sinamahan niya," sabi ng isa pang waiter, "nakita po na