"Nagustuhan mo ba ang kwarto mo hija?" tanong ni lola Liz sa kanya, "ipinaayos ko ito agad kanina.""Salamat po lola. Hindi naman po kailangan na nasa malaking kwarto ako. Kahit po sa maliit lang na room, pwede po ako." nahihiya niyang sabi sa matanda."Alam mo hija, nasa sinapupunan mo ang binhi ng aming lahi. Kailangang ingatan kita, sa abot ng aking makakaya." inakbayan siya ng matanda at iginiya sa labas. Walang 2nd floor ang bahay, isa itong malapad na mansiyon. Binuksan ng katulong ang pinto, tanaw sa terrace ng kanyang kwarto ang malaking swimming pool."Ang ganda po," nasabi niya saka lumapit sa gilid ng terrace at sinamyo ang hangin. "Ang bango po, halatang mayaman ang nakatira.""Hindi naman hija. Ano? nagustuhan mo ba itong kwarto mo?" tanong ni lola Liz."Naku, opo, nagustuhan ko po. Marami pong salamat.." wika niya sa matanda."Pwede tayong pumunta doon sa sa may duyan kung gusto mo. Magpapadala akong pagkain doon." inakay siya ng matanda palabas ng kwarto. "Pupunta muna
Madalang talaga siyang pumunta sa mga mall. Una, pagid na siya sa trabaho. Pangalawa, mahal ang mga damit dito. Kaya hindi siya talaga pumupunta sa mga lugar na matetempt siyang gumastos. Jollibee nga lqng ang kinakainan niya kapag namamasyal.Pinauna na siya ni Lola Liz sa mall at pinapapunta sa Botique de Mercedez. Naitawag na daw nito doon na pupunta sila doon, kaya iyon ang agad niyang pinuntahan.Sosyal ang lugar, may sariling security. Nasa loob nito ay accessories, jewelries, bags at damit. Kumpleto na dito."Baka kaya dito ako pinapapunta ni Lola," papasok na sana siya ng harangin siya ng guard, "ba-bakit?""May bisita ngayon dito ma'am, sa iba na kayo pumasok," sabi nito."Pe-pero""Anong nangyayari dito?" tanong ng isang manager paglapit sa kanila. Nagbubulungan na ang mga naroroon, pati ang mga staff. "Anong problema Miss?""Papasok po sana ako kasi--""Sorry, pero may VIP kami ngayon, hindi ka pwedeng magsukat sukat dito Miss. May ukay doon sa baba, pwede ka dun," natawa n
"Sa bahay na lang natin ipaayos ang buhok mo, baka mapagod ka pa. Meron akong taga manicure and pedicure. Nag kukukqy din siya ng hair at nagrerebond" masayang sabi ni lola Liz sa kanya. "Baka kasi mapagod ka ng sobra, kaya home service na lang tayo.""Kailangan pa po ba yun?" nahihiya niyqng sagot dito."Oo hija, magbago ka na ng image okay?""Pero isisekreto naman po namin na mag asawa kami," napakamot siya sa ulo."Kahit na. Okay na rin yung maganda ka lalo para naman hindi patingin tingin sa iba ang apo ko, at hindi siya pagtawanan ni Tamara kung sakali.""Bakit naman po siya pagtatawanan ni Tamar?" tanong niya."Kasi, mas maganda siya sa ipinalit ni Mckenzie sa kanya. Kaya dapat, mas maganda ka sa kanya." natatawang sabi nito sa kanya. "Kilala mo ba si Tamara?""Nakikita ko lang po siya sa mga billboard. Hindi po kasi ako mahilig manood ng TV," nakangiting sagot niya sa matanda."Mahusay siyang kumanta. Pero hindi ko pa siya naririnig kumanta sa personal. Laging sa mga concerts l
"Yun ba ang ex mo? aba eh ke pangit naman pala," sabi ni lola Liz sa kanya habang nakasakay sila ng kotse, " mabuti na lamang at hiwalay na kayo, kung hindi napakamalas mo naman. Pati biyenan mo sana akala mo kung sinong matalino. Ang papangit ng ugali nila." "Pangalawang beses ko pa lang pong nakikita yung mommy niya, kaya po hindi na ako masyadong affected sa sinasabi niya," sagot niya sa matanda. "Nagutom tuloy ako. Gusto ko sanang kumain doon, dahil masarap ang kanilang kare kare. Sinira naman ng mga yun ang araw natin." Naiinis na wika ni lola Liz. "Okay lang po yun lola, sa bahay na lang po tayo kumain." sabi niya dito. "Medyo busog pa naman din po ako." "Baka kasi gutom na ang baby, alam mo naman, kailangan lagi siyang busog." sagot ng matanda sa kanya. "May mga tao talagang ganun. Akala mo kung sinon, na sila na lang ang mga anak ng Diyos. Lalo na kung gumanda sila, baka lalo na silang nanghamak ng kapawa nila." habang pakumpas kumpas ang kamay ng matanda. "Mabait din po
POV: Mckenzie"Dito na lang ako matutulog," sabi ni Mckenzie sa kanya, nakapajama na ito. Kumuha ang lalaki ng comforter sa closet. Inilatag ito sa sahig na malapit sa higaan niya."A--ako na lang diyan, i-ikaw na lang dito" sabi niya sa asawa, "nakakahiya naman sayo, nawalan ka pa ng higaan dahil sa akin.""Okay lang yun, basta komportable ka sa pagtulog. Kumusta pala ang pagkikita niyo ni Brent?" binuksan nito ang usapan sa nangyari kanina."Yun, nilait lait nila ako, pati yung kaibigan kong si Alicia, I mean, ex friend.." sagot niya dito, saka siya umupo ng maayos."Alicia? yung sinabi mong kaibigan mo? na nag ayos ng hotel niyo?""UUUhm uuhm" tumango siya."Ibig palang sabihin, sinet-up ka ng babaeng iyon. Ano naman ang sabi nila sayo nung malamang kasama ka ni lola?""Ang pakilala ni lola sakin, apo niya ko, ayun, mga nagbago ng sinasabi, kesyo may pinagsamahan naman daw kami.""Iba rin talaga ang mga mukhang pera no?""Uuhm, Mckenzie..""Ooh?""Salamat ha?""Para saan?""Kai-- k
POV: JillianKasal na nila ni Mckenzie. Sa bahay lang iyon ginanap. As in sila lamang ang naroroon. Very solemn and intimate.Ang kaibigang judge ni lola Liz ang nagkasal sa kanila. Si Elmer lang ang naging saksi sa kanilang kasalan at ito lang ang bukod tanging inimbita na kaibigan ni Mckenzie. May pares ng ninong at ninang na sa pagkakaalam niya ay abogado at doctor.Hindi maalis ni Mckenzie ang paningin sa kanya, paglabas niya ng kwarto, kasama ang lola niya.Isang puting dress lang ang suot niya na may slit sa gilid. Nakaheels siya, maganda ang kanyang make up na kahit siya ay hindi makilala ang sarili niya."Bakit ba kanina ka pa nakatingin sakin, may dumi ba ako sa mukha?" nakoconcious na bulong niya sa lalaki."Ang ganda mo kasi. Nagulat lang ako," sagot nito sa kanya.Sa pagsasama nila, kahit hindi sila magkatabing matulog, ay inaasikaso. Ipinaghahanda niya ng lahat, inaayos ang necktie nito. Sinasalansan ang mga damit at medyas ng maayos. Para siyang house wife talaga. Si Mck
POV: Jillian Nakahiga na siya sa kama, at nasa baba si Mckenzie. Ewan ba niya, pero pakiramdam niya, ay nagpapakiramdaman silang dalawa. Alam niyang gising pa ang lalaki. Dahan dahan niya itong sinilip. Pero nagkagulatan pa sila ng magtagpo ang kanilang mga mata. Gaya niya, sisilipin din pala siya ng lalaki. "Ah.. eh-- hindi niya malaman ang sasabihin. "Mag-- mag gugood night sana ako sayo," sabi naman nito. "Go-- good night," tugon niya dito habang nakahiga. "Good night din," sagot ng lalaki. "hmmm matutulog ka na ba?" "Hi--hindi pa naman, bakit?" "Wa--wala lang. Sige, good night." "Gu--gusto mo bang-- lumipat dito sa taas? para kasing nahihi--" hindi na niya naituloy ang sasabihin, kaagad itong sumampa sa tabi niya. "Gustong gusto ko. Grabe, namiss ko ang kama ko.. namiss ko lahat," sabi nito. "kaso, malikot akong matulog." "Okay lang, lagyan na lang natin ng unan ang pagitan natin, para hindi mo ako masagi. Baka kasi masipa mo pa ako eh." sabi niya dito. "Oh, sige, mas o
POV: MckenzieAng sarap ng tulog niya, parang wala siyang naging panaginip. Ang linis lang ng kanyang pagkakatulog. Nakatagilid siya at nakayakap sa unan."Teka-- unan ba to?" tanong niya sa sarili. Halos mapalundag siya ng magisnang may katabi siyang babae na nakayakap din sa kanya."Hmmmm.. ano ba, mala--" natigilan din ang katabi niya. Tiningala siya nito, habang nakatingin din siya dito. Umabot ng limang segundo, bago ito nakabawi sabay tulak sa kanya. "Naku-- sorry.. ah-- eh-- maliligo ka na! este maligo tayo pala-- ay hindi liliguan kita! Diyos ko ako pala maliligo na!" nagmamadali itong tumayo at kinuha ang tuwalya. Nadulas ito sa may pintuan ng banyo, pero maagap siyang kumilos. Nasalo agad niya ito."Dahan dahan.. relax ka lang kasi.. baka kung mapaano ka.. ako lang to, Mrs. Sandoval, ang asawa mo" nakangiti niyang itinayo si Jillian. "gusto mo ba, samahan kitang maligo?" sabay kindat dito."Ang aga mong maging maharot ha.." saka siya pinagsarahan nito ng pinto.Natatawa nam