Share

Chapter 39

"Bakit mo ako pinaakyat dito?" tanong niya kay Mckenzie, "hahanapin na naman ako ni Miss Coleen eh."

"Hindi ka na nun hahanapin, sabi ko sa kanya uutusan kita," sagot nito sa kanya.

Nag- aayos naman ng pagkain si Elmer pagpasok niya doon. Ngumiti pa ang lalaki sa kanya nung makita siya.

"Andiyan ka na pala. Nagpabili ng pagkain si Mckenzie, baka daw gusto mo ng kumain. Halika na dito." Hinila ni Elmer ang isang upuan para makaupo siya.

"Gusto ko yan," natakam siya sa pagkain na nakahain. Mahilig talaga siya sa mga green at leafy vegetables.

Naupo na sa harapan niya sina Mckenzie at Elmer. Nilagyan niya ng pagkain sa plato ang asawa niya. Napatingin naman si Elmer sa ginawa niya.

"Inaasikaso mong kumain si Mckenzie?" nagtataka nitong tanong.

"Hmmm, oo, sila ni lola, bakit?" hindi na siya nag abala na tapunan ng tingin ang lalaki.

"Ang swerte naman nitong kaibigan ko. Sana, kapag nakahanap ako ng mapapangasawa, yung gaya nitong si Jillian, maasikaso." kumuha ng sariling pagkain si Elmer
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status