Cazandra Reyes
Hindi ko naman pinapangarap na magkaroon ng marangyang buhay, basta buo at masaya lang ang aking pamilya ay sapat na sapagkat hindi matutumbasan ng pera ang saya ng bawat-isa.
"Cazandra, ano ba? Late na tayo!" sigaw ni Edith na aking kaibigan na nasa labas ng aming tahanan.
Baru-baro lang ang aming tirahan sa ilalim ng tulay. Mga tagpi-tagping kahoy ang nagsisilbing pundasyon ng aming bahay upang manatili itong matatag.
"Ayan na ako! Sandali lang!" tugon ko habang inaayos ko ang aking gamit na dadalhin patungong eskuwelahan.
Fourth year high school na kami ngayon ni Edith at isang linggo na lang, gagradweyt na kami.
Gusto kong maging chef someday ngunit wala kaming pera upang maipangmatrikula lalo pa't mahal ang matrikula kapag nasa kolehiyo ka na. Pero naniniwala ako na makakamit ko rin ang pangarap ko kapag nagsumikap ako.
"Ang bagal mo! Don't tell me na… nangangarap ka na naman ng gising?" bungad niya sa akin
Clyte Javier"Nakakaasar talaga! Lagi na lang akong top 2 siya na ang laging top 1! Kailan ko ba masusungkit ang puwesto na inaasam-asam ko? Ngayong 4th year high school na kami ay hindi ko pa rin siya matalo-talo! Ayaw ko nang maging top 2! Sawang-sawa na ako! Ayaw ko na ng ganito! Gusto ko ay maging valedictorian! Hindi puwedeng maging salutatorian lang ako kasi kasiraan iyon sa pangalan ng pamilya namin! Lahat ng miyembro ng aming pamilya ay nakamit ang pagiging valedictorian, hindi ko puwedeng sirain ang legasiyang nasimulan namin!" sambit ni Clyte habang nagkakakampag at inis na inis.Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kaniya, nasa canteen pa naman din siya kaya siya ang center of attraction doon.Nakaupo siya sa may table habang hinihintay ang dalawa niyang kasamahan na um-order ng kanilang pagkain."O, nagmumuryot ka na naman diyan. Kahit kailan talaga ay ayaw mong natatalo ka…" sambit ni Georgia habang bitbit nito ang kanilang p
Arvee CruzPagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sa akin ang mga apparatong nakasaksak sa aking katawan. Nakagapos ako sa isang matigas na higaan na para bang pag-e-experimentuhan. Nawindang ako nang makita ko ang isang lalaking may hawak na ineksyon sa 'di kalayuan. Kinabahan ako bigla, tumibok nang pagkabilis-bilis ang aking puso.Kinislot-kislot ko ang aking katawan ngunit hindi ko magawa. Ang katawan ko'y parang patay, hindi ko maigalaw. Nais ko ring magsalita ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig. Ano ang ginawa niya sa akin?"Mabuti naman at gising ka na, Arvee," bungad niya sa aking harapan sabay ngiti na nakakaunsyami. Itinaas niya ang ineksyong hawak at unti-unting inilapit sa akin."Kung hindi ka mapupunta sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka mapupunta sa kaniya…" turan niya habang humahalaklak na parang tinakasan na ng bait. Kamukatmukat ko, isinaksak niya na pala ang ineksyon sa aking braso. Tumirik bigla ang aking mata, nangingisay
Hailey BorromeoUmihip nang pagkalakas-lakas ang hangin habang ako'y naglalakad sa gitna ng kalsadang nababalutan ng dilim. Hindi ko batid na masama pala ang lagay ng panahon ngayon kaya heto’t sawing palad at lupaypay ako habang patuloy sa pagtahak ng daang walang patutunguhan.Ang bawat tao sa paligid ay pawang mga nagkukubli sa loob ng kanilang mga tahanan. Hindi nila alintana ang lamig sapagkat may init na dumadahop sa kanilang katawan. Hindi gaya ko, ni walang masilungan.Patuloy ako sa paglilibot sa madilim na daan. Tanging langitngit lamang ng mga kawayan sa aking bandang tagiliran ang iyong maririnig. Magugulat ka rin sa kaluskos ng mga dahon sa puno na pawang nagbabadya ng piligrong darating.Sa aking pagbagtas sa daang karima-rimarim, ang mga yabag ko'y nagmistulang mabigat. Bigla akong kinilabutan ng mapadako ang aking tingin sa may puno ng kawayan na tatlong magkakadikit, isang babaeng nakaputi ang kumakaway sa akin. Nagsitaasan ang laha
Caelum MarasiganSa pagtudla, huwag mabahala. Hindi ka maaaring maawa sapagkat siya ay madaya. Buhay ay giginhawa kapag misyon ay naisagawa na. Kaya huwag magpabaya, kalaba'y taningan na.Hindi maaangkin, kung hindi mo nanaisin. Kakayahan ay aanhin kung ito'y hindi mo gagamitin. Kaba ay balutin, lumuhod at manalangin. Ika'y diringgin, pag-ibig sa kapwa'y pagyabungin.---Ako'y sawang-sawa na puro pagpasok na lang lagi sa eskuwela. Wala rin lang namang kuwenta at ang kanilang tinuturo ay paulit-ulit pa. Marahil ako'y naaalibad-baran pa na makita ang mga kaklaseng matsura.Mga gurong nagbibigay dunong ay pasakit sa mga kaklaseng nagmamarunong. Hindi naman masagot ang iyong tanong. Marapat lang na sila'y pakainin ng talong.Mga literaturang nakakadugo ng ilong, sa utak ko'y parang mga tipaklong. Sa tainga nama'y parang bubuyog na bulong nang bulong. Aklat at panulat sa aki'y nakakandong. Kaya utak ko'y paikot-ikot na parang isang gulong.
Hope CrisostomoAng pag-ibig ay sadyang makapangyarihan, hindi mo alam kung kailan ka tatamaan. Palaso ni kupido sa puso'y tumarak man. Huwag pigilan, ito'y hayaan. Ang dalawang pusong nagmamahalan, kayamanan sa mga magkasintahan.Kasakiman sa kapangyarihan, dulot ay kayabangan. Kalaban ay susunggaban, lilipulin ang sinumang humadlang. Mamamayani ang kasakiman sa mga taong walang pakundangan. Kahit hindi kaniya ay paghaharian.Kaparusahan ang kapalit sa mga taong puno ng galit. Poot na nagngingitngit, nawa'y mapalitan ng malasakit. Puso'y maaakit sa mga mabubulaklak na salitang binabanggit. Kaya maging malimit sa mga salitang ginagamit.Kapwa'y mahalin, huwag maliitin, huwag inggitin. Bagkus, ito'y marapat na galangin. Kahit saan ka man dalhin, huwag sanang maging mahangin. Maging mataimtim, kaligtasa'y hilingin.Matutong makuntento, sa kayamanang natamo. Huwag maghuramentado, kung kalaba'y nanalo. Tanggapin ang pagkatalo, maging kalmado. Baunin an
Whitecat GarfieldNandito ako ngayon sa kagubatan para magsanay. Kailangan kong magpalakas upang makapaghiganti sa mga kalahating aso dahil sa paglalaspangan nila sa aking pamilya.Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula nang humangin sa paligid. Kasabay nito, ang pagliwanag ng pigurang pusa sa aking kamay.Ramdam ko na ang pag-angat ko sa hangin. Ang aking kamay ay nabalutan na ng puting buhok. Ang aking kuko'y unti-unti ng humahaba. Ang buo kong katawan ay tinubuan na ng buhok na kulay puti. Naging matalim na rin ang aking paningin na kulay berde.Ang aking buhok na kulay itim ay nagkaroon ng highlights na kulay asul. Lumabas na rin ang aking cute na buntot at ang taingang maliit sa aking ulo. Ang saplot ko sa paa ay napalitan ng flat shoes na kulay puti, may diyamante itong kulay asul sa paligid. Ang aking damit at shorts ay naging cocktail dress na kulay puti na may bala-balahibo bilang disenyo.Sa paglapag ko sa sahig, naramdaman kong luma
Kate MontemonyoMe is so mabait that's why maganda is me. I'm just a slight of takot you know dahil sa guy noon na who looks like baliw na hinabol-habol me.I know naman na I'm the prettiest girl that man's wet dream. Tama! Pero the other girls, sabi nila that I'm the most bobita raw. It's so sakit in my bangs you know. My feeling, it hurts pero masaya me.This nakakaraan, I was so kinakabahan because may nakita me na parang tattoo but it was umiilaw minsan in my kanang kamay. My heart beats faster run unlike the horse.Sa ngayon, I dedma na lang that. It sounds creepy guys you know. It makes my utak to hurt like nilalagari. I don't want na pati ang beauty ko ay affected because of doon.One night, when I'm walking nang dahan-dahan there on a kalye, isang guy ang biglang sumulpot on my front. And I was like, "O to the M to the G!"He's guwapo at macho and cute. But, if magsasalita siya, it looks like na he came from nakaraan. Sinaunang tao l
Ang mga napiling humanimals ay hinati sa limang grupo.Team HVenus, Helvina, Laurice, Whitecat, Audrin, Mathie, Clyte, Arvee, Julie, at JadeTeam ULucifera, Mimay, Raya, Hope, Angie, Craione, Lilly, Sammy, Robbie, NicTeam MSelina, Kryzette, Caridad, Kate, Jubelle, Cazandra, Fara, Lucario, Caelum, AikaTeam ADahlia, Yell, California, Enzo, Karl, Tavitta, Teshia, Raven, Maricon, YuanaTeam NMachie, Eli, Clowee, Marama, Hailey, Joniel, Czarina, Runami, Louise, JacqueSila'y sasanayin at hahasain upang mahubog lalo ang kanilang nakatagong kakayahan. Mayroong tatlong pagsubok silang kahaharapin upang mailabas nila ang kanilang galing.Ngunit, pipiliin lamang ang higit na kinakitaan ng galing, kakayahan, at angking pagnanais na maipagtanggol ang sangsinukuban.Halina't alamin natin ang kaganapan sa loob ng Unib