Share

KABANATA 44.1 — AKSIDENTE

AARON

“Susundan ko sila.” wika ko at nagmadaling sumakay sa kotse upang sundan sina Samantha at Spencer.

“Sabay na kami sa'yo bro.” sabi ni Kevin at sumakay na silang lahat sa kotse ko.

Sinundan namin si Samantha habang tangay-tangay si Spencer. Na una kami at nakasunod namin ang mga pulis. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa mahal ko.

“Oh my God! Spencer, bilisan mo Aaron ang baka mapano ang kaibigan ko.” hindi mapakaling wika ni Larah sa likuran.

“Come here! 'Wag ka nang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Maililigtas natin si Spencer.” pagpapagaan ng loob ni Kevin sa girlfriend niya at niyakap.

Tanging kaba at pag-aalala sa mahal ko ang tumatakbo sa aking isipan. Nag-aalala dahil sa napakabilis na takbo ng sasakyan nila Samantha.

Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko. At si Samantha ang tumatawag kaagad kong sinagot ito upang makausap siya.

"Samantha pakawalan mo si Spencer. Tama na! Walang kasalanan si Spencer ako nalang ang kunin mo." Kaagad kong sigaw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status