Share

Chapter 22: Wedding Day

SOPHIA'S POV.

DUMATING na rin ang araw na hinihintay ni Mama at Tito, ito ay ang kanilang kasal. Oo, tama kayo ng nabasa. Ngayon ang araw ng kanilang kasal at ngayon rin kami magiging official na pamilya ng mga Adler.

Magiging magkapatid na kami ni Magnus at kung ano man ang nangyari sa amin noon ay hanggang doon lang 'yun.

Inaayusan kami ngayon ni Mama ng make-up artist dahil ilang oras na lang ay magaganap na ang kanilang kasal. Tumingin ako sa salamin nang matapos akong ayusan. Ito na naman ang mukha ko kapag naaayusan, naninibago pa rin ako sa'king sarili kapag ganito ang nakikita ko.

"Happy wedding po Mrs. Adler." Bati ng isang make-up artist kay Mama. Ngumiti naman si Mama sa kanila at nagpasalamat. Nang makaalis na sila ay naiwan kaming dalawa ni Mama.

Ang ganda ni Mama, bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang suot na wedding gown. Ang galing ko talagang pumili.

"Sa wakas Ma! Ikakasal ka na ulit. I am very happy for you, Ma!" Hindi ko alam pero naiiyak ako habang nagsa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status