Share

The Painful Part of it

Kaunti lang ang nakain ni Marie, nawawalan siya ng ganang kumain. "Meme, babalik na ako sa kwarto." Mahinang wika ni Marie. " Ay! Sige po mam, ako na pong bahalang maglipit dito." Nakangiting tugon naman ni Meme.

Pagkapasok sa silid ay agad na sumalampak sa kama si Marie. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Umaagos ang kanyang mga luha sa iisiping pampalit lang pala siya sa Racquel na iyon kung bakit siya naririto ngayon kay Miguel. Hindi man niya alam ang nakaraan ni Miguel at nang Racquel na iyon pero panigurado niyang nasasaktan siya. Hindi man maamin ni Marie ngunit nasa peligro na ang kanyang damdamin, umiibig na siya sa lalaking nagbayad sa kanyang puri.

Hindi namalayan ni Marie na naidlip pala siya sa kakaiyak. Mugto ang mga mata nang maulinigan ang mahihinang mga katok sa may pintoan. Halos lumundag ang kanyang puso ngunit nanghina din siya sa iisiping hindi kumakatok si Miguel. Diretso itong pumapasok at agad siyang sinisiil ng halik o dili kaya'y hahaplos ito sa kanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status