Share

PAGLABAS NG KATOTOHANAN

Gabi na ng makabalik sa kanilang bahay si Estacie. Inabutan pa niya sa sala ang kanyang ina na si Vista, habang hinihintay siya. Halatang hindi ito mapakali. Marahil ay nakarating na dito ang balita tungkol sa panunugod ng mag-inang Juvilina at Lucy. Nang makita nga siya ng ina na papasok pa lang sa pinto, mabilis na itong napatakbo palapit sa kanya at tsaka isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya.

"Estacie! Anak, okay ka lang? Sabi ng Uncle Clewin mo, sinugod ka daw dito ng mag-inang empakta."

Napangiti si Estacie saka napa-tango. "Um. Pero okay na po ako. Hindi ako pumayag na ako lang ang masaktan. Sinabunutan ko pa nga si Lucy. Tapos, sinampal ko pa ng maraming beses."

"Sigurado ka? Aba! Tama lang yun! Sabi nga ni Uncle mo, magpapadala na siya ng mga sulat sa bawat bahay ng mga taong sumama sa mag-ina. Pero teka, tama ba ang malakas na balita sa bayan? Bukas na ang kasal ng demonyita mong kapatid?" Hinila na siya ng ina upang umupo sa harap ng mesa, bago ito pumasok sa ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status