Share

Chapter 47

Hindi na nagpabukas pa si Damon at muling nagbiyahe patungo ng San Pablo. Gusto niyang matapos na ang lahat ng problema tungkol sa mga taong gustong gawan siya ng masama. Nais niyang sa susunod na paghaharap nila ni Farrah ay tangi problema sa pagitan na lamang nila ang aayusin.

“Pahinga ka muna sir,” wika ni Bert na nasa driver seat at palagi ang tingin sa rear mirror upang makita si Damon. Isinama nila sa sasakyan ang isa sa mga pinahiram na bodyguard ni Mayor Buenavista, si Rylee. Upang may kapalitan si Bert sa pagmamaneho.

“Huwag mo ako intindihin at maya-maya lang ay iidlip ako,” tugon ni Damon at nakaidlip nga ito.

Mag-uumaga nang dumating sila sa San Pablo at pagkagising ni Damon ay sa hospital dumiretso upang bisitahin si Mang Luis.

“Magaling na naman ako at bukas ay puwede ng pa-discharge. Makakabalik na rin ako sa trabaho,” wika ni Mang Luis na nakasandal sa head board ng kama.

“Makakabuti kung magbakasyon muna kayo rito sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status