Eloisa's POV:
Mag aalas diyes na ng gabi ng makarating ako sa venue ng party. Natagalan ako sa biyahe dahil may nag banggaan na truck at van sa kalye ng zapote area papuntang cavite. Tumagal ng halos isang oras bago nakuha ang dalawang sasakyan na naka hambalang sa kalsada.Nang makababa ako ng taxi ay kaagad kong tinawagan si rina upang ipaalam dito na nasa labas na ako ng gate. Nang makausap ko na ito ay maya maya lang ay natanaw ko na siya na naglalakad papunta sa gawi ko.Agad ko siyang sinalubong sa pag lalakad. Saglit kaming nag yakapan at nag beso beso. Iniabot niya sa akin ang dala niyang Paper bag na nag lalaman ng aking pamalit na damit. Kinuha ko iyon at agad niya ako sinamahan sa comfort room na nasa gilid ng hardin.Pumasok ako sa loob ng medyo may kalakihang cubicle at doon nag bihis. Pagkalabas ko ng cubicle ay kaagad akong nilapitan ni rina na nag hihintay lang sa gilid ng pintuan. Naka suot ako ng kulay pulang bistida na pa v-neck anUmirap naman dito ang kanyang kasintahan at uminom sa basong hawak niya bago nag salita." Hey! Why are you laughing at me! Is there anything funny about what I said?! " Tanong ng babae kay jordan na mukhang naiinis na." Nothing hon.. Just never mind." Tanging naisagot nalang ni jordan sa babae. At tsaka ito muling uminom sa hawak niyang baso na naglalaman ng alak. Eloisa's POV:Tapos na akong kumain at naisipan kong tawagan sina rina. Ngunit naka ilang dial na ako ay hindi ito sumasagot maging si joy ay tinatawagan ko na rin at hindi rin ito sumasagot. Sinipat ko ang ang oras sa aking cellphone mag aalas onse na pala ng gabi. Tumayo ako at naisipan kong maglakad lakad para hanapin sila. Mga ilang sandali pa akong naglakad at sa di kalayuan malapit sa may pool ay natanaw ko sila na naka upo sa may upoan na nasa harapan ng isang puno. Kaagad akong naglakad pa palapit sa mga ito. Habang naglalakad ako papalapit sa mga ito ay napansin kong may hawa
Eloisa's POV:Mabilis akong nag lakad upang mahabol ko ang matandang babae. Malapit ko na itong maabutan. Nakita ko itong lumiko sa kaliwa at halos limang hakbang nalang ang pagitan namin ng mabangga ko ang babaeng serbidora na may hawak na bote ng alak. Nahulog ang bote ng alak sa sahig at nabasag ito kasabay ng pagka basag ng bote ng alak sa sahig ay kaagad na kumalat ang likido sa sahig at kasabay nun ay nadulas ang babaeng serbidora. Agad ko itong tinulungan maka tayo. At nang makatayo na ito ay dali dali na akong tumakbo sa kinaroroonan ng matandang babae ngunit hindi ko na ito matanaw pa. Lumakad ako ng lumakad hanggang sa mapunta ako sa hardin inikot ko ang aking paningin lakad takbo kung inikot ito at nang hindi ko makita sa hardin ay tumuloy akong nag lakad sa may gawi ng swimming pool magbabaka sakali akong makita ko ito doon. Habang naglalakad ako ng mabilis ay panay tawag ako dito ng " Inay! Inay! Inaaay...! Nasaan ka na po inay!..." Hindi ko na n
Nang matapos kong kantahin ang kantang she's gone ng steal heart ay may ilang babae at lalake pa ang lumapit sa akin upang mag request na kantahin ko ang mga napili nilang kanta.Hindi naman ako nag dalawang isip na pag bigyan sila. Buong puso kong kinanta ang kanilang mga song request. pambawi na rin sa eksenang aking nagawa kanina. Nag mistula akong isang concert queen sa maliit na entablado. Mabuti nalang at nagka taong alam kong kantahin ang mga ipina pakanta nila sa akin. Masaya ako habang kumakanta dahil nakikita kong napapasaya ko sila. Nang makaramdam ako ng pagod ay nag pasya na akong tumigil at bumaba na ako ng entablado.Pagkababa ko palang ay agad na akong sinalubong nina rina at joy. Niyakap nila ako at pinapurihan. Tuwang tuwa daw sila dahil nakita nila akong nag I-enjoy matapos ng pang yayaring naganap kanina.Hinila ako sa kamay at dinala sa pool. Niyaya nila akong maligo na dahil hindi pa daw ako naliligo. Agad ko naman silang pinag bigya
Nang makaalis si sir jordan ay kaagad ko din pinihit ang door knob ng kuwarto. Mabuti nalang at hindi ito naka lock kung kaya't nabuksan ko ito at naka pasok ako kaagad.Pag pasok ko ay naka patay na ang ilaw at kaagad ko na hinanap ang dalawa. Nakita ko sila na nakahiga na sa kama at mukhang tulog na. Naka talukbong pa ang mga ito ng kumot marahil ay nalamigan dahil naka bukas pala ang aircon. Naririnig ko pang humihilik ang isa sa kanila. Hindi ko na inalam kong sino sa kanila.Kaagad akong dumiretso sa banyo upang mag banlaw. Nang matapos ay kaagad na nag bihis at natulog na rin.Jordan's POV:Kasalukuyan kaming nasa pool ni Roxanne at lumalangoy. Nang i-angat ko ang aking ulo mula sa pagkaka lubog sa tubigan ay may nakakuha ng aking atensyon. may nakita akong isang babaeng tumatakbo at pawang may hinahanap ito. Napansin ko rin na parang may tinatawag ito habang tumatakbo.Maganda ito at maganda rin ang hubog ng kanyang katawan bukod p
Eloisa's POV:Kinabukasan ay maaga akong nagising alas siyete palang ay gising na ako. Pakiramdam ko ay inaantok pa ako. Ngunit hindi na ako maka tulog. Muli nanaman kasi pumasok sa isip ko si inay.Tumingin ako sa dalawang katabi ko masarap parin ang tulog nila at mga nag hihilik pa. Kagabi ay isa lang ang naririnig kong nag hihilik ngunit ngayon ay dalawa na. Nag tanggal ako ng muta sa aking mga mata gamit ang aking daliri nang matapos ay nag pasya na akong bumangon at dumiretso sa banyo upang mag hilamos at mag toothbrush. Nang matapos ay agad na akong lumabas.Paglabas ko ng banyo ay nakita kong gising na si joy at naka upo na sa gilid ng kama. Tanging si rina nalang ang tulog pa at nag hihilik parin." Good morning ms. Loisa.." bati sa akin ni joy at ngumiti. " Good morning din joy.." bati kong ganti dito at tsaka naglakad patungo sa gawi niya. " ms. Loisa bakit ang aga mong nagising? O baka hindi ka naman natulog niyan..?
Eloisa's POV:Pagkabalik namin sa kuwarto ay nauna akong maligo sa dalawa. Nang matapos na akong maligo at makapag bihis ay nag paalam ako sa kanila na kakausapin ko lang muna si sir david bago kami mag byahe paalis ng hotel.Ngunit naikot ko na ang buong hotel ay hindi ko parin makita si sir david kaya nag pasya akong tawagan ito upang tanungin kong nasa hotel pa ba siya. Nakaka isang dial palang ako ng sumagot ito. " Hello loisa.. Sorry hindi na ako nakapag paalam sa inyo kanina.. Hinatid ko na kasi si klariz kanina sa condo niya. Bakit may kailangan ka ba?" Agad na bungad nito sa akin. " ahmm.. Wala naman sir itatanong ko lang po sana kung may balita na kayo tungkol doon sa babaeng matanda kagabi na kamukha ng nanay ko? " agad na tanong ko dito. Narinig kong nag buntong hininga muna ito sa kabilang linya bago nag salita. " ahmm.. Loisa nasaan ka ngayon? " Tanong nito sa akin. " nandito pa po ako sa hotel sir.. "
Pagka alis ko sa apartment ni eloisa ay dumiretso na ako sa kinapa parkingan ng kotse ko. Pumasok ako agad ng kotse ngunit hindi ko pa binuksan ang makina nito. Sandali pa akong nag isip muna. " Kawawa naman ang batang yun wala siyang kamag anak at maging ang nanay nito na nag iisa niya lang na kasama sa buhay ay nawawala pa. Paano ko kaya matutulongan si eloisa.." sabi ko sa aking isip at nagbuga ng hangin bago binuksan ang makina ng sasakyan. Muli ko pang nilingon ang gawi ng eskinitang pinasukan namin kanina bago ko pinaandar ang sasakyan. 3rd person POV:Kinabukasan ay maagang umalis si eloisa patungo ng trabaho. Muli naging busy sila ni joy sa trabaho dahil may dalawang negosyante nanaman ang nag inquire sa kanila at gustong mag invest. Alas singko na ng hapon at nag hahanda na ang dalawa para umuwi. Pinauna na ni eloisa si joy na umuwi dahil hindi pa siya tapos sa pag liligpit ng kanyang mga gamit. Nang makalabas si joy ng pintuan ay may
Eloisa's POV:Pagka Alis ni sir Jordan ay kaagad akong nag linis ng katawan upang makapag palit ng damit. Nang makapag palit ako ng damit ay agad na sumalampak ako sa aking higaan.Gusto ko ng matulog ngunit ayaw akong dalawin ng antok. Pilit na pumapasok sa isipan ko ang mukha ni sir jordan. Mukhang hindi totoo ang sinabi ni rina dati na masungit ito. Pareho namang mabait ang magkapatid. Siguro ay mabait din ang kanilang ama o ina. Mapalad sila dahil pareho silang may mga magulang. Samantalang ako nag iisa na nga lang si inay ay nawawala pa ito.Sa palagay ko ay tama naman ang sinabi sa akin ni sir david. Hindi ko nalang masyadong didib-dibin ang pagka wala ni inay. Marahil ay may dahilan ang diyos kung bakit nangyayari sa amin ito ni inay.Sa dami nang mga nangyari sa buhay ko ay nakalimutan ko nang usisain pa si sir david tungkol doon sa ramon del Castillo na yun. Kailangan malaman ko kung ano ang kaugnayan niya kay inay.Kung may kaug