Share

chapter: 28

Habang bumibyahe ako papunta sa bahay nina sir david ay mayroong mumunting kaba akong nararamdaman na hindi ko mawari kung para saan.

Mabilis lang ang naging biyahe ko papuntang Corinthian village na matatagpuan sa Ortigas. Isang malaking village ito at pawang mga mayayaman lang ang naka-tira. Bago ako pinapasok ng guard sa malaking gate ay hiningian ako ng i.d at mayroon pa itong tinawagan bago ako pinapasok sa loob ng village.

Nang nakapasok na ako ay namangha ako sa naglalakihang bahay. Habang bina-baybay ko ang daan patungo sa bahay nina sir david ay nadadaanan ko ang Malalaking mga bahay sa loob na sa tantiya ko ay hindi liliit ng isang hektarya ang sukat ng mga ito. Halos lahat ay may maluluwang na bakuran at may mga iilang puno pa sa loob nito. At napapalibutan ng matataas na bakod.

Pagkarating ko sa dulo ay kumanan ako nang may makita akong kulay abo na dalawang palapag na malaking bahay at halos napapalibutan ito ng mga salamin ay inihinto ko na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status