Share

chapter: 4

Sonya POV:

Araw ngayon ng linggo at ako ay magsisimba. Ipagdarasal ko ang kaligtasan ng aking anak. Masakit sa akin na mag trabaho ang anak ko sa malayong lugar. ito ang unang beses na nahiwalay siya sa akin. Paalis na sana ako ng dumating si ella. "magandang umaga po aling sonya! Sa simbahan din po ba ang tuloy ninyo? Tara ho sumabay na kayo sa akin. Pinapadaanan po kase kayo sa akin ni nanay para may kasama daw po kayong mag lakad.." sabi nito sa akin.

"magandang umaga din ella.. Oo nga at paalis na sana ako. Mabuti nga at naabutan mo ako para may kasabay akong maglakad.. Nasaan pala ang nanay mo?.." tanong ko dito.

Kaagad naman siyang sumagot. "ay nandoon na po sa labasan, doon na lamang daw niya kayo hihintayin.. Tara na ho.."

Eloisa POV:

I started doing what ms. Divine asked me to do. Marami rami din siyang ipina photo copy sa akin. Mag aalas dose na ng tanghali ng may bumati sa aking babae. mas matangkad lang ako dito ng kaunti at mukhang kaidaran ko lang din siya." hi, bago ka lang dito ako pala si rina.. Medyo bago lang din ako dito magkasunoran lang tayo. Mag dadalawang buwan palang ako dito." kaagad na sabi nito sa akin.

Ngumiti ako dito. "oo ngayon ang first day ko dito sa work.. Ako nga pala si Eloisa.." pakilala ko dito at Ngumiti ako. "tara sabay na tayo mag lunch.. May baon kaba? Kung wala labas tayo may kinakainan kaming malapit dito na medyo mura lang.." at hinila niya ako sa kamay.

Habang naglalakad kami palabas ng gusali ay may nakasalubong kami na isang may katandaan ng lalake at matangkad ito. medyo seryoso ang mukha niya habang naglalakad at may naka sunod sa kanyang dalawang lalake na marahil ay mga body guard niya. Ng kaunti nalang ang pagitan namin ni rina sa kanya. Kaagad naman namin itong binati at tumango lang siya sa amin at hindi manlang kami tinapunan ng tingin. Nang makalayo na kami sa kanya kaagad kung tinanong si rina. "rina kilala mo ba iyong nakasalubong natin na iyon?" tanong ko dito.

"ah yun ba si mr. Del Castillo iyon.. Ang alam ko siya ang ama nung magkapatid na David at Jordan.. Bihira lang yun pumunta dito sa office dahil si sir david ang inatasan niyang mamahala dito.. Ang alam ko din kase may malubha siyang karamdaman kaya bihira nalang siya lumabas ng kanilang bahay.. "

" ay ganun ba, si sir david lang kase ang kilala ko dahil siya ang nag interview sa akin noong araw na magpunta ako dito.. Yung isang kapatid ni sir david ang hindi ko pa nakikita.. Mabait din ba siya gaya ni sir david? " tanong ko ulit dito. Wala pa kasi akong kaalam alam tungkol sa mga amo namin.

" ah si sir Jordan masungit yun! Sa two months ko dito once ko pa lang siyang nakita pero., kasungitan niya na kaagad ang nakita ko. Mas istrikto siya kaysa kay sir david.. " kaagad na sagot sa akin ni rina. At hindi na ako muling nag usisa pa.

Nang makalabas kami ng gusali lumiko kami pa kanan at may dinaanan kaming mahabang pasilyo. Pagka labas namin ng pasilyo na iyon ay nabungaran ko na ang mga nakahilerang kainan. Pumunta kami sa isang kainan sa may bandang dulo at nag order ng pagkain. Habang kumakain kami ni rina ay panay din ang kwentohan namin.

At nang matapos na kami sa pag kain ay kaagad naman kaming bumalik sa trabaho.

Two months passed and everything was easy for me. I've also met some of them and most of the employees here are women. Napansin ko nga lang na iba ang tingin nila sa akin. Tingin na parang nanunuri at ewan ko ba may pakiramdam ako na hindi nila ako gusto. Mabuti nalang si Rina mabait siya sa akin at palagay ang loob ko sa kanya. Naka asign siya sa audit department na kaharap ng hrd department kaya madadaanan niya ako kung saan naka pwesto ang Xerox machine. Sa unahan lang kase ng hrd department ay elevator na at sa gilid ng elevator ay ang hagdan naman. Natuto akong gumamit ng elevator dahil tinuroan ako ni rina na ikwento ko kase sa kanya noong una akong pumasok sa building na ito Na Hindi ako marunong gumamit ng elevator kung kaya nag hagdan lang ako.

John David Del Castillo POV:

I was so busy reading and signing contracts when i heard my cellphone ringing. Si kuya Jordan ang tumatawag. " Hello bro, why are you calling?! Nakauwi ka naba ng pilipinas?"

"Yes I was here at the mansion and we took dad to hospital. He had a heart attack, And mommy lost her consciousness. I need to go back to paris, because I had a problem with one of my business there. Ikaw na muna ang bahala kanila mommy bro.." Jordan said With a gust of wind on the other line.

"okay bro I was coming down the building and I was there in a minute..!" And he's gone on the line.

Pagkalabas ko ng office ko sinabihan ko ang aking secretary. "cancel all my meetings today!" at dali dali na akong nag tungo sa parking lot.

Ako ang inatasang magpatakbo ni dad ng mga negosyo namin dito sa pilipinas at si kuya jordan naman ang sa ibang bansa. Ewan ko ba hindi ko naman talaga hilig ang business. I knew he was just forced to give me the management of the company. And i feel that he likes jordan more than me. I take a deep breath while im driving. Just a moment later I arrived at the hospital. Kaagad kung tinungo ang kwarto nila mommy. Nakita kung nakabantay ang dalawang bodyguards ni kuya sa labas ng kwarto. Nang makalapit na ako i asked the guard if where is Jordan at sinabi nilang kakaalis lang nito. Ipi nag kibit balikat ko nalang ito. Pagkapasok ko ng kwarto nakita ko si mommy na nakahiga sa tabi ni dad at walang malay. Habang si dad naman ay wala ring malay at maraming nakakabit na aparatus sa katawan nito.

Eloisa Macaraeg POV:

Pauwi na ako galing trabaho nang dumaan muna ako sa palengke upang bumili ng mauulam. At bumili na rin ako ng iba pang damit pamasok dahil madalas nauubosan ako kapag hindi ako nakakapag laba kaagad. Bukas ay sahod ko at magpapadala ako kay nanay ng pang gastos niya. Kahit papaano ay may kaunting ipon na rin ako dahil madalas na akong mag baon ng pagkain sa trabaho kung kaya bihira nalang din akong lumabas para bumili ng pagkain. Gusto kung makaipon ng malaki laki para maipagamot ko sa mas malaking ospital si inay. Alam kong nahihirapan siya sa sakit niya at tinitiis lamang niya ito.

Mas pagbubutihin ko pa ang aking trabaho baka sakaling may tsansa akong ma regular at tumaas ang sahod ko. Pagka uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Ana na nag eempake. Agad ko siyang inusisa kung bakit. "ana, kamusta? Anong nangyari at parang nag aalsa balutan ka diyan..?

" hay naku Eloisa nag-away kami ng boyfriend ko! Niloko niya ako, ang sabi niya ako lang.. Nahuli ko sila ng babae niya sa mismong kwarto pa niya.. At ang masakit pa eloisa buntis ako... Huhuhu...! Ang sakit sakit!.. Hindi ko alam kong paano kami ng anak ko.. " sumbong niya sa akin.

" kawawa ka naman niyan ana.. Eh anong plano mo niyan ngayon?.." tanong ko sa kanya.

" bahala na loisa.. Basta isa lang ang alam ko sa ngayon ang magpaka layo layo.. Hindi ko na kase kaya.. Parang sasabog na ako.. Uuwi nalang muna siguro ako sa amin sa bicol.. Doon nalang ako maghahanap ng trabaho na maaari kung pasukan kahit na buntis na ako.. Palalakihin ko tong mag isa kahit wala siya sa buhay namin. " kaagad niyang sabi.

"sinabi mo na ba sa kanya na buntis ka? Hindi mo manlang ba ipag lalaban ang karapatan ninyo ng anak mo? O kahit ng sa anak mo nalang?.." muling tanong ko sa kanya.

" Hindi na ana.. Para saan pa.. Sinabi ko naman na sa kanya na buntis ako pero ang sabi niya lang sa akin susustentohan niya daw ang bata.. Pero wala pa daw siyang balak mag asawa.. Ang laki ng pagsisisi ko sa kanya.. Dahil nagtiwala ako at ibinigay ko sa kanya ang lahat.. Pero wala na akong magagawa ito yata talaga ang palad ko.. " sabi niya habang umiiyak.

" tahan na ana.. Wag ka masyado umiyak.. Pati yang nasa tiyan mo ma aapektohan din.. Isipin mo nalang yang buhay sa sinapupunan mo. Maging matapang ka para sa magiging anak mo. " kaagad kong saad dito.

" nag sabi na ako kay nanay ursula kanina na uuwi na ako sa bicol.. Pasensya kana loisa ha.. Ayaw ko sanang iwan ka dito ng mag isa kaso kailangan kong magpaka layo layo muna.. Alam mo naman ang cellphone number ko maaari pa rin naman tayong maging mag kaibigan kahit na mag kalayo tayo diba.. Mamimis kita eloisa.. Sa ilang buwan natin pag sasama dito tinuring na kitang parang kapatid ko.. Basta huwag mo akong kakalimutan ha.. " sabi niya at tipid na ngumiti.

" oo naman ana! Bakit naman kita makakalimutan, naging mabuti kang kaibigan sa akin.. Lalo na noong bagong salta palang ako dito sa maynila ikaw ang tumulong sa akin.. Hayaan mo palagi akong tatawag sa iyo pag may time ako.. Basta! Huwag mong kakalimutan ninang ako niyang baby mo ha!.." sagot ko dito at niyakap ko siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status