Tumikhim muna ang don bago ito nag salita. "ahmmm... Sonya ako ito si ramon..." "Ramon? Ramon—del Castillo?.." Tanong ni sonya sa don. "oo ako nga sonya.. Kamusta ka na?" muling tanong ng don kay sonya. Hindi sinagot ni sonya ang tanong ng don sa halip ay muli itong nag tanong. " i—ikaw ba ang nagligtas s-sa akin?."Ang don naman ang hindi sumagot dito. "ramon.. Kung ikaw man ang nag ligtas sa akin.. Maraming salamat... Ang gusto ko lang ngayon ay tulongan mo akong makabalik sa anak ko.. Panigurado matagal niya na akong hinahanap..." muling saad ni sonya kay don ramon. Tuluyan nang lumapit si don ramon kay sonya at hinila nito ang upuang nasa gilid ng kama. Umupo ito paharap kay sonya.Muli nitong tinitigan si sonya at hinaplos nito ang mukha ni sonya gamit ang kanang kamay nito. "sonya.. Bulag—ka? P-papaano kang nabulag?.." Tanong ng don habang haplos parin nito ang mukha ni sonya. Dahan-dahang iniyuko ni sonya ang kanyang mukha bago ito nag salita. "hindi ko alam.. Basta a
Habang busy ang dalawang dalaga sa pagkuha ng picture sa bawat isa ang binata namang si jordan ay tahimik lang na nakatanaw sa dalawang babae habang naka upo ito sa may malaking bato sa di kalayuan.Nilingon ito ni eloisa at sinenyasan ito na lumapit sa kanila nguni't sumenyas din ang binata na mamaya nalang bilang sagot sa pa anyaya dito ni eloisa.Sa halip ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at hinubad ang pang itaas niyang damit at tsaka tumalon sa may kalalimang parte ng ilog.Muling lumingon ang dalawa sa gawi ni jordan at nakita nila itong kasalukuyang umaahon sa tubigan papunta sa malaking bato na pinag upuan nito kanina. " shit loisa! Ang gwapo ng papa jordan mo! Tingnan mo girl ang laki pa ng katawan niya!.. Haiysst... Sana ako din magkaroon ng ganyang papa.." May pag tili pang saad ni ella sa katabi niyang si eloisa. Naka ekis pa ang dalawang kamay nito sa harap ng kanyang dib-dib habang naka nguso." ano ka ba ella naiisip mo pa talaga yan!.. " tugon ni eloisa. Pagka sabi n
Paikot nilang tinalunton ang kaliwang bahagi ng ilog. Nang tuloyan na nilang marating ang dulong bahagi ng pampang ay namangha ang dalaga sa nakita. Marami palang iba't ibang uri ng bulaklak ang namumukad-kad sa parteng iyon ng ilog. Mayroon ding mga puno na iba't iba ang bunga at kapag tumingin ka sa kanang bahagi ay makikita mo ang walang hanggang agos ng tubig papunta sa karagatan. May matatanaw ka pang mga isdang tumatalon sa gitnang bahagi ng ilog." grabe Jordan ang ganda dito.. Ngayon lang ako nakapunta dito! Dito na ako tumanda pero hindi ko alam na may ganito pala kagandang lugar dito.. Ang bango ng mga bulaklak at ang daming puno! Kahit tirik ang araw o umulan pa yata ay hindi ka basta basta mababasa sa yabong ng dahon ng mga puno.. " saad ng dalaga kay jordan. Habang paikot itong tumatalon talon na parang bata. Natutuwa naman si jordan sa anyong nakikita niya sa dalaga. Hindi niya akalain na matutuwa ito ng husto sa ipinakita niya. Nang huminto na sa pag ikot ang dalaga a
KINABUKASAN alas singko palang ng umaga ay gumising na sina eloisa. Katatapos lang nilang kumain ng agahan at kasalukuyang nasa loob sila ng kuwarto ngayon upang mag ligpit ng kanilang mga gamit na dadalhin pabalik ng maynila. Kailangan na kasi nilang bumalik ng maynila dahil tumawag sa kanya kagabi si joy at sinabi nitong nagka problema daw sa isa nilang kliyente at siya daw mismo ang gustong makausap ng kliyente. Gayon din ang binatang si jordan ay kinakailangan na rin nitong magreport sa trabaho dahil marami na siyang pending na papeles na kailangang pirmahan. Nais pa sana ng dalaga na mamalagi pa doon ng mga ilang araw pa ngunit nag pasya na siyang sumabay nalang kay jordan pabalik ng maynila. Tinawagan naman ni jordan kagabi palang din ang kanyang driver upang sunduin sila nito.Kasalukuyan silang nasa loob ng kuwarto at nag liligpit ng kanilang mga gamit nang may kumatok sa kanilang pintuan." tok tok tok!" katok ng taong nasa labas ng pintuan." sino yan?!" agad na tanong ni
Nang makaupo ang don sa upuan ay agad din na umupo si eloisa sa upuang kaharap nito. Ngumiti muna ang don sa kanya bago ito nag salita." iha.. Alam ko kung nasaan ang nanay mo.. Bukas na bukas din ay ipapahatid kita kung saan si sonya tumutuloy.." " talaga po don ramon.. Mabuti naman po at nahanap ninyo ang nanay ko.. Ang tagal na po kasing nawawala ni inay.. At halos lahat ng kakilala namin ay napag tanungan ko na.. Sobrang saya ko po don ramon! Makikita ko na po ulit ang nanay ko!.. Maraming maraming salamat po talaga!.. " saad ng dalaga kay don ramon. " oo iha.. Gustong gusto ka na ring makita ng nanay mo.. Ikaw kaagad ang tinanong niya sa akin.. Si sonya pala ang nanay mo.. Maswerte si sonya dahil nagkaroon siya ng isang mabuting anak na gaya mo iha.. " pagkasabi niyon ng don ay hinawakan nito ang dalawang kamay ni eloisa at pinisil. " eh teka po! Paano niyo nga pala nalaman kung nasaan ang inay ko don ramon?.. " Tanong ni eloisa sa don. " ang iyong ina'y nalang ang bahalang
KINABUKASAN ay ginising si eloisa ng mahihinang katok sa pintuan. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang cellphone ala sais palang ng umaga. Pupungas-pungas pa siyang naglakad upang tungohin ang pintuan. Pagka bukas niya ay bahagya pang nagulat ang dalaga. Si david ang bumungad sa kanya sa labas ng pintuan. Naka ngiti ito at may dalang plastic sa kanyang kanang kamay. " good morning sweetheart!" bati ni david kay eloisa ng may malapad na ngiti sa labi. Pinapasok niya ito at pina upo sa kanyang kusina. Agad niya itong ipinag timpla ng kape."bakit naman po yata ang aga niyong mag punta sir? May importante ba tayong pag uusapan?.." kaagad na tanong ni eloisa kay david pagka bigay niya ng kape dito. " ako ang inutusan ni Daddy na sumama sayo papunta kay inay.." tugon ng binata kay eloisa. Hindi naman napansin ng dalaga ang huling salitang sinabi ni david. Humihikab pa kasi ito habang nakaupo."halika mag agahan muna tayo bago tayo mag byahe.. May nadaanan akong fast food na malapit dit
Nang makapasok sa banyo si eloisa ay doon ito nagsuka ng nag suka. Matapos itong sumuka ay hindi niya mapigilang umiyak. Naaalala parin niya si jordan hindi niya lubos maisip na hindi niya na ito maaring makasama pa.Ngayon lang ako Unang umibig pero bakit ganito pa ang nangyari. Bakit kailangan pa naming maging magkapatid. Ang masama pa ay may nangyari na sa amin ng ilang beses.. Bakit kailangan na maranasan namin to ni jordan... Saad ng dalaga sa kanyang isipan.Iyak ito ng iyak ng walang tigil hanggang sa hindi niya namalayan na madudulas na pala siya dahil natabig niya ang liquid soap na hindi pa naisara at hindi nito namalayan na tumagas ito patungong sahig at dumako sa kinatatayuan nito. nang binuksan ng dalaga ang pintuan ng banyo upang lumabas na ay naapakan niya ang likidong dumaloy na papuntang pintuan ng banyo at pag hakbang niya upang lumabas ay nadulas na ito at tumama ang ulo sa toilet bowl na nasa kaliwang bahagi niya. Nawalan ng malay ang dalaga. Nagising si eloisa na
ISANG BUWAN ng nakaratay sa ospital ang matandang lalake na si don ramon maging ang mga doktor ay hindi masabi kung kailan ito magigising o kung may pag-asa pa bang magising ang matandang don.Dalawang linggo ng naka-uwi ng Pilipinas si jordan tanging si eloisa lang ang hindi pa nakaka-dalaw sa kanyang ama. Nagdadalawang isip kasi si david kung dapat niya na bang pabalikin ng maynila si eloisa.Alam niya kasi na muling magkikita ang dalawa. kabilin bilinan kasi ng kanilang ama na pag layuin niya muna ang dalawa hangga't hindi pa sila natututong magmahal ng iba. Ngunit natatakot ang binata na baka hindi na maabutan ni eloisa ng buhay ang kanilang ama kapag mas pinatagal pa niyang hindi paluwasin ng maynila ang babae.Isa pa ay naaawa na rin siya sa ina nilang si sonya na siyang palaging nag babantay sa kanilang ama. Halos hindi na ito umuuwi at doon na ito natutulog madalas. Kitang-kita ni david kung gaano kamahal ng kanilang ina ang kanilang ama. Nakita niya kung paano nito alagaan si