Share

Chapter 23.1 Confused (Raizel’s POV)

TULUYAN NANG nabuksan ng mga lalaki ang pinto. Lalo kong hinigpitan ang yakap kay Meirin sa ilalim ko. Rinig ko na ang mabibigat niyang paghinga.

“Tayo!”

Um-echo pa sa pader ang sigaw ng lalaki pero hindi ako tumalima. Hindi ko kayang protektahan si Meirin, at ito lang ang alam kong gawin.

Hindi nga nagtagal ay malakas na hinila ng lalaki ang buhok ko at halos mabalian pa ako ng leeg dahil sa biglaang pagtingala.

“Tatayo ka, o pαpαtayin kita?!” tanong ng lalaki at tinutok pa ang hawak na baril sa sentido ko.

Namimilog ang mata niya, kagat din ang ibabang labi, at lumalabas ang itaas na mga naninilaw na ngipin. Amoy ko rin ang sigarilyo sa hininga niya dahilan para sumama ang takbo ng sikmura ko.

“Gαgo, gagamitin natin ang mga iyan para makalabas ng buhay dito!” sigaw ng isa pang lalaki at tinulak siya.

“Fury, masyado kang mabait! Kung hindi tayo makalabas ng buhay o kulungan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status