Share

Chapter 7- Friend-Zone

Friend-Zone

“Hoy mga gaga!” Pagtawag ko sa kanila.

Lumingon naman sa akin si Meichell. “What?”.

“Punta tayo mamaya sa 7-Eleven?” Pag-aaya ko sa kanila. Binatukan naman ako ni Faith.

“Lakas mo mang-aya tapos hindi ka naman papayagan? Kami ba pinagloloko mo?” Inis na sabi niya.

Inakbayan ko siya at ipinakita ang laman ng aking wallet. “Nakikita mo ‘yan?” Tinignan niya ang laman ng wallet ko. “Binigyan ako ni mommy ng 200, nagpaalam na rin ako kanina. Kaya no worries mga pashnea, pinayagan na ako”

“Sige, sige. Sama ako” Sagot ni Ianne.

Tumingin naman ako sa iba at tinaasan sila ng kilay. “Sasama kayo o sasama kayo?” Napabuntong hininga sila. Well, I take that as a yes.

Tinuloy ko ang ginagawa ko, katabi ko si Nica ngayon na kanina pa ngingiti-ngiti sa kanyang cellphone. Nagkunwari akong may kukunin sa kanyang likod, sumilip ako sa kanyang cellphone at tinignan kung ano meron doon.

Nakita ko na may kay kachat siya, ang sabi ay ‘On the way na ako, baby’. Tinignan ko ang maliit na bilog at sinuri kung sino iyon.

“Mavy?!” Gulat kong basa. Si Nica naman ay napaharap sa akin at gulat na gulat. “Kayo na ni Mavy?” Nanlalaking matang tanong ko sa kanya.

Sila Ianne ay napalingon sa amin at nagtataka. “Hoy anong sila na? Anong meron?”

Tumingin ako kay Nica at sinenyas ko siya gamit ang aking mata na siya na ang magsabi sa kanila. Kinagat ni Nica ang kanyang labi bago magsalita.

“Kami na”

Dalawang salita lamang iyon pero kung manlaki ang aming mga mata ay mas malaki pa sa pagmamahalan nila ni Mavy. Joke lang.

“Hindi nga? Seryoso?” Pagkukumpirma sa kanya ni Fatima.

“Oo nga! Mukha ba akong sinungaling” Sungit na tanong niya kay Fatima.

“Oo” Pag-singit ko sa kanila. Humarap sa akin si Nica at binatukan ako, lumipad ata ‘yung ulo ko papunta sa mars.

“Oh my gosh, when kayo naging mag on?” Tanong naman sa kanya ni Meichell.

“Nung isang araw pa” Mahina niya sabi kaya nakatanggap siya ng tig-isang batok sa amin.

Inis siyang tumingin sa amin. “Ano ba! Sakit non ah!” 

“Gaga ka nung isang araw pa pala hindi mo man lang sinabi sa amin?” Sabi ni Tey. “Kung hindi pa naging chismosa si Kaye ng 10 segundo edi hindi namin malalaman?”

“May balak naman akong sabihin. Hindi lang ngayon!”

“Kailan pa? Kapag nakita ka na namin umiiyak gano’n?” Usal ko. Sumimangot lamang siya at hindi na sumagot. Humarap naman ako kay Teynisha.

“Eh ikaw? Kailan mo balak na sagutin si Jethro?” Tanong ko sa kanya.

Umiwas ito ng tangin. Tinignan ko siya ngunit ang kanyang paningin ay nakaiwas parin. Kinuwit ko si Fatima, lumingon siya sa akin. Itinuro ko si Teynisha.

“Ano meron?” Tanong niya.

Lumapit ako sa kanyang tainga at bumulong. “Tinanong ko kasi siya kung may balak siyang sagutin si Jethro tapos bigla niyang nilihis paningin niya”

“Gaga, baka may langaw lang na dumapo sa mukha kaya nilihis. Masyado ka ding O.A eh” Usal niya sa akin.

“Hindi kasi! Try mo, dali! Kausapin mo siya tungkol kay Jethro, tignan mo, ililihis niya ‘yan. Pustahan pa tayo mga bente” Pag-tulak ko sa kanya. Umirap siya at lumapit siya kay Teynisha.

“Hoy, kamusta na kayo ni Jethro?” Pagtanong niya kay Teynisha. Lumingon sa kanya si Teynisha, hindi agad nagsalita si Teynisha bagkus ay tinitigan lang kami.

Lumingon sa akin si Fatima. “Oh ‘di ba? Sabi ko sayo eh! Gawa gawa kwento ka talag-”

“Hindi ko siya sinagot.”  

Napalingon kami sa kanya na nagtataka, as in ‘yung tipong anong-sinabi-mo-look.

“A-ano? Pakiulit nga” Pagpapaulit ko sa kanya. Umirap siya at tinignan kami na para bang kami na ni Fatima ang pinaka bobo sa balat ng sand.

“Ang sabi ko, Hindi. Ko. Siya. Sinagot. Sa madaling salita, pinatigil ko na siya” Kinuwi ko sila Ianne at Michelle. Lumingon sila sa akin. Tinuro ko sa kanila si Tey.

“Hindi niya daw sinagot si Jethro buraot” Bulong ko sa kanila.

Lumapit si Michelle kay Tey. “Why?”

“Wala lang, feeling ko kasi hindi kami compatible sa isa't isa” Usal niya. Napatango naman si Michelle sa kanyang sinabi. 

“Well, you have a point. I don’t see the spark kasi sa both of you. Honestly, mas nakikita ko pa ‘yon kay Jethro at Kaye” Diri kong tinignan si Michelle.

“Kadiri ah, spark amp. Fireworks ba kami?” Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Umirap ito. “Whatever, Kaye”

Inirapan ko na lamang siya at hindi na nag salita. Dumating ang recess namin at lahat kami ay nandito sa Cafeteria. Nagpaalam muna ako na iihi ako, pagkatapos kong umihi syempre lumabas na ako. Pabalik na ako sa cafetera nang biigla naman lumapit sa akin si Jethro.

“Kung hihingi ka ng pera. Wala ako non” Pag-uuna ko.

“Napakasama mo talagang tao ka, hindi porke lumapit ako sa’yo pera na agad kailangan ko” 

Tinignan ko siya mula ulo hanggang sintas ng sapatos niya. “Ikaw? Hindi kailangan ng pera? Ako ba pinagloloko mo? Unang tingin palang sa mukha mo mababasa na namin agad ‘yung ‘Kailangan ko ng limang piso’ “

“Tsk, may itatanong kasi ako” Tinaasan ko siya ng kilay. “May assignment ka sa English?” 

Binatukan ko siya. “Palagi ka na lang nangongopya, sapak gusto mo?” 

“Dali na, libre kita mamaya sa 7-Eleven gusto mo?” Pang-uuto niya. Ngumiwi ako sa kanya at ipinakita ang Wallet ko.

“Nakikita mo ‘yan? Hindi ko kailangan ng libre mo. May pera ako, tanga” 

“Napaka sinungaling mo talagang babae ka! Sabi mo wala kang pera?” 

Binelatan ko siya. “Uto-uto ka kasi”

Inakbayan niya ako bigla. “Bilis na, pakopya na. Ilalakad kita sa crush mo kapag pinakopya mo ako” Bulong niya sa aking tainga.

Inalis ko ang kanyang braso na nasa balikat ko. “Wala akong crush ‘no. Kaya kahit anong gawin mo hindi kita papakopyahin” Sabi ko sabay walk-out.

Bumalik na ako sa Cafeteria at kumain. Pagkatapos namin kumain ay agad kaming bumalik sa room, ang sama pa nga ng titig sa akin ni Jethro dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya pinapakopya. 

Dumating ang uwian at sila kuya ay hindi pa pinapalabas, nauna kaming mga grade 7 dahil mga baby daw kami, tse. 

Nandito ako sa waiting shed at nakaupo. Tumingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita si Jethro na palakad papunta dito. Hindi niya pa ako napapansin dahil nakatutok siya sa kanyang cellphone at mukhang asong nakangiti.

Nang malapit na siya, syaka niya lang ako napansin. Pinatay niya ang kanyang cellphone at binulsa. Umupo siya sa aking tabi.

“Hindi ka daw sinagot ni Tey ah” Paninimula ko.

“Puta, sa lahat ng pwedeng itopic ayan talaga?” Inis na sabi niya.

“Alangan naman tungkol kina Mavy at Nica? Paniguradong alam mo na ‘yon”

Ginulo niya ang kanyang buhok. “Putek, sabi ba naman magkaibigan na lang daw kami”

Natawa naman ako ng bonggang bongga. “Boom panis, na friend-zone pa nga”

Bumuntong hininga siya. “Hays, ang sakit pre. Akalain mo ‘yon? Sa gwapo kong ‘to na reject ako?”

“Tangina. Nasaktan ka na nga, kagwapuhan mo pa rin iniisip mo?”

“Bakit hindi? Ang gwapong katulad ko ay hindi dapat kinakahiya” Napangiwi ako sa sinabi niya.

“Kahit kailan talaga hindi ka matinong kausap” 

Hinayaan ko na siya at iniwan do’n. Siguradong kapag nag stay pa ako doon ay puro kahanginan niya lang magiging usapan namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status