Share

What a mess

Malakas ang pagsigaw ni Leon mula sa labas ng silid, dalidali tulog na napatakbo si Vincent patungo dito, halos madapa pa siya sa pagmamadali patungo sa anak.

"What's wrong baby?" agad niyang tanong nang makita ito.

Kasalukuyan itong nakaupo sa sahig walang tigil sa pagluha habang nasa gilid nito ang kapatid.

"Si kuya, nikukuha iyong robot ko!" sumbong nito sa kanya sabay yakap sa laruan nito.

Napataas na lang siya ng kilay nang balingan ang nakangusong panganay.

"Hindi naman eh, nitouch ko lang eh!" pagtatanggol nito.

"Baby, tinouch lang pala ni kuya eh! Huwag ka na umiyak, diba big boy ka na," lambing niya dito.

Dahan-dahan itong tumayo at lumapit sa kanya, inakap nito ang kanyang binti at isinubsob ang mukha doon habang sisinghot-singhot pa.

Binuhat niya ito para tumahan na, agad naman itong umakap sa leeg niya ng maiangat niya ito. Agad naman tumakbo si Lucien sa kanya para magpakarga din, kaya pasalo niya na lang itong binuhat.

"Alis ka! Ayaw kitang katabi!" pagtutulak ni Leon sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status